Galing sa isang broken family si Marianel.Bata pa siya ng iwan ng ama.Ni hindi nya nakilala ito kahit man lang sa picture.Natakot marahil ipakulam ng ina kayat kahit isa ay walang iniwang larawan.Kung may halaga ba naman kasi siya sa ama sana man lang hinanap siya nito o gumawa man lang ng paraan para makita siya.Baliwala na rin sa kanya kung magpakita man ito o hindi na. Bata pa naman ang kanyang ina kaya nakapag asawa itong muli.Nagkaroon siya ng dalawang kapatid sa bago nitong asawa.
Dahil nga sa hirap ng buhay namasukang katulong ang ina.kulang pa ang sahod na ibinibigay ng amain para magkasya sa gastusin sa araw araw.konstraksyon lang naman ang trabaho ng lalaki.
Bilang panganay na anak siya ang umaako sa gawain ng kanyang ina para sa mga kapatid.
Siya ang gumagawa ng gawaing bahay,nagpapaligo sa mga kapatid at umaasikaso sa mga ito.
Habang tumatagal ang pagsasama ng magulang ay unti unting hindi naging maganda.
"Saan ba napupunta ang mga sinasahod mo?lagi na lang pag uuwi ka yan ang alibi mo.Madalang pa sa patak ng ulan ang pag uwi mo dito sa bahay..
"Hayop ka siguro nangbabae ka na naman!"
"Ano ba,ang bibig mo nakakahiya sa mga kapitbahay"
"Walanghiya ka!! May gana ka pang mahiya?ang kapal ng mukha mong mambabae eh wala ka namang maipakain sa pamilya mo!!" Tungayaw ng kanyang ina.
Tahimik lang sa isang sulok si Marianel,yakap ang dalawang maliit na kapatid,na pilit tinatakpan ang mga taynga ng mga ito.
"Eh ano bang pakialam mo kung mambabae ako ha?eh pinaghirapan ko naman ang perang ginagamit ko."ganting bulyaw nito.
"Hayop ka!!,oo pinaghirapan mo pero sa mga anak mo ba napupunta?nagpapakasarap ka lang sa magaling mong babae.kapal ng mukha mo hudas ka!"pinagsusuntok nito sa dibdib ang lalaki.
"Eh ano ngayon kung may babae ako?aminado akong meron nga!ano masaya ka na ha?Bakit nagagampanan mo ba tungkulin mo sa kin bilang asawa?"
"P*****ina mo hayop ka!!pareho lang tayong nagtatrabaho dahil yang kinikita mo kulang pa.
"Bwisit na buhay to Oo!magsama sama na kayo.Sawa na ko sa ganito..sigaw naman nito na tinabig ang babae.Nagmamadaling sinilid nito ang damit sa bag.Walang lingong likod na umalis ito.
Napaluhod na umiyak ang kanyang ina.
Wala siyang magawa kundi ang mapaiyak din.Nilapitan nya ang ina at inalo ito nakatingin lang ang dalawang kapatid.
"Tama na yan nay,hayaan nyo na lang siya.Andito pa naman kaming magkapatid para sa inyo nay"alo ni Marianel sa inang humahagolhol.
Madalas na makitang umiiyak ni Marianel ang ina,may time na tulala lang ito.Hindi nya malaman ang gagawin.
"Nay kumain na ho kayo,baka magkasakit kayo nyan."
Pero parang walang narinig ang ina.
"Sige na po nay kumain na kayo"
"Wala akong ganang kumain,ilayo mo sa kin yan!" bulyaw nito.
Nasasaktan man siya sa nakikita wala naman siya magawa.Galit siya sa asawa ng ina sa pag iwan nito.
"Hindi nyo naman dapat iyakan ang lalaking yon nay,maawa naman kayo dyan sa darili nyo.Hindi lang ako may dalawa pa akong kapatid na nandito nay.
High school lang ang natapos niya.Hindi na siya nakapagcollege dahil hindi rin naman siya mapag aaral ng ina.
Nadeppressed ang kanyang ina,buti na lang at may mababait silang kapitbahay na umaalalay dito pag wala siya.Hirap silang kausapin ito at nananahimik lang.Nagpapasalamat siya at unti unti ng bumabalik ang sigla nito.Siya na lang nagtrabaho para may pangtustos sa kanilang mga pangangailangan.
Sumasama siyang umekstra sa mga palabas sa mga television.Pagkailangan ng talent ay nandun siya.Kasama nya ang kaibigang si Verna.Wala siyang reklamo kahit ginagabi na siya ng uwi.
Pagkaharap o kasama ang mga kaibigan ay masaya at kalog siya,but deep inside kabaligtaran ang nararanasan niya.
Alam ni Verna kung anong pinagdadaanan ng kaibigang si Marianel.Believe nga siya dito kahit gaano pa kabigat ang problema nito,nagagawa pa nitong ngumiti.In other words napapagaan nito ang dinadala basta ang mga kaibigan ang kasama.
Mapang alaska ang dalaga pinapakitang kinikilig ito kay Sandro pero ang totoo ay may pagkasuplada ang kaibigan nya.Wala rin itong nababanggit sa lovelife nito.
Bumalik na sa dating sigla ang kanyang ina..ito na rin ang nag aasikaso sa kaniyang mga kapatid.Nakapag trabaho din ang ina sa isang garment factory sa tulong ng isang kakilala.
Pero bilang panganay na kapatid tumutulong din siya sa ina.
Bilang isang high school graduate lang,hirap siyang makahanap ng magandang trabaho.Pareho sila ng kapalaran ng kaibigang si Verna.
Pag kailangan ng talent nandun silang magkaibigan.Sayang din naman ang kikitain nila.
Kung tatambay lang naman kasi sa bahay pareho silang "nganga".
Sa dalawang taon nilang magkaibigan ni Verna ay sanay na ito sa pang aasar nya.
Mabuti pa nga ang dalaga kinuha itong PA ng isang sikat na modelo na si Sandro Rabello at alam nyang hibang ang kaibangan nyang iyon sa modelo na yun.
"What a life!di hamak na sa larawan o magazine lang nainlove ang bruha.At mukhang magkakapag asa pa ata ang lukaret na kaibigan.
Hanggang sa madalang na lang magkasama si Marianel at Verna..paminsan minsan na lang kung rumakit si Verna simula ng maging PA ito ni Sandro.
May napansin din siya sa mga ito na there's something between them.
Natutuwa naman siya sa kaibigan.Abot kamay na nito ang lalaking pinapangarap.
Dahil sa likas na friendly si Dieve unti unting nahulog ang loob ni Marianel sa gwapong binata.Nakilala niya ito sa shooting ng isang commercial na kailangan niyang i assist.
Sino ba ang hindi mahuhulog ang loob kay Dieve,bukod sa taglay nitong kagwapuhan at friendly.Humahataw din sa sex appeal ang lalaki.
Kinikikilig naman si Marianel pag siya ang unang nilalapitan nito.Madalas kwentuhan sila pag free time nila sa taping.
Niligawan naman siya ng binata na hindi nagtagal sinagot nya ito.
Hindi kadi mahalaga sa kanya ang haba ng pagkakakilala sa isang tao.kung alam nyo namang mahal nyo ang isa't isa bakit patatagalin pa.katwiran nya eh doon din mapupunta.
Hindi nya lubos maisip sa dinami dami ng mga babaeng nakakasama nila,siya pa ang naisipan nitong ligawan.
Sobrang kinikilig siya sa pinapakita nitong sweetness sa kanya.Madalas na kantiyawan pa siya ng kasama.
Sa edad na 26 firts boyfriend nya si Dieve Garcia.Feeling proud siya dahil ang isang katulad nito ang naging boyfriend nya.
Sa dami ng naggagandahang babae sa katulad nyang high school graduate lang ito maiinlove.
She is a simple and ordinary girl.
Siya rin ang klase ng babaeng hindi palaayos,katwiran nya hindi naman magbabago ang itsura nya kahit mag ayos pa siya.
Simpleng maganda lang naman siya.Katamtaman ang taas at balingkinitan na katawan.Hindi naman siya pangit para hindi magustuhan ng kalalakihan.
BINABASA MO ANG
Love me,the way I love you
RomanceMinsan ng nagmahal ang isang tulad nya,kaya naman takot na siyang sumubok na magmahal muli. Takot siyang muling magtiwala. Ayaw nyang matulad sa ina na ipinagpalit ng kanyang ama sa ibang babae.Alam nya kung anong hirap ang dinaan ng kanyang ina.Paa...