Chapter 7

8.2K 233 3
                                    


Hindi naman malaman ni Marianel kung papaano kikilos sa harap ng binata.

At ang magaling na lalaki daig pa nito ang rarampa at magmomodelo sa cosmopolitan na tapis lang ito ng puting towel habang tumutulo pa ang basang buhok patungo sa hubad na katawan.

"Wala ka bang balak na tumayo d'yan?or baka naman gusto mo eh ako na lang magpalit sa yo?He teasing her and he likes it when her face turn into red inirapan ito ng dalaga at inabot ang puting towel na nakatupi na hawak nito.

Kumuha muna ito ng mga damit sa bag bago pumasok sa banyo.

Sinundan naman ito ng tingin ng binata.Ewan ba nya kung anong pumasok sa kukote niya at hindi niya napigil ang sarili kagabi na halikan ang dalaga habang tulog ito.Akala pa naman nya nagtutulog -tulugan lang ito.Naramdaman nyang gumaganti rin ito ng halik sa kanya,ni walang pagtutol dito ng maglakbay ang mga kamay nya sa katawan nito.

Saka nya lang napagtanto na walang alam ito kundi ang eksenang inabutan ng kanyang ina at kapatid napangiti siya habang nagbibihis.

Hindi mapakali si Marianel sa loob ng kwarto.Hindi malaman kung lalabas o hindi.

Nahihiya siyang humarap sa mag ina baka kung anong isipin ng mga ito sa kanya.

Naramdaman nyang may tumalsik na patak ng tubig sa kanya.

"Ano ba Nick!sita nya sa binata alam naman nyang nananadya ang binata patalsikin ba naman ang patak ng tubig sa basang buhok nito habang kinukuskos ng towel.

"Mukhang tulog pa ang diwa mo."anito na tumawa.

"O baka naman iniimagine mo pa na magkatabi pa tayo?"nakakalukong ngumisi pa ito.

"In your dreams!ikaw nagpatulog sa kin dito kesyo hindi na pwedeng bulabugin ang mga kasama mo dito sa bahay."

Akala pa naman nya sobrang suplado nito,naknakan naman pala sa hangin ang isang ito.

Pinasadahan nito ng tingin ang katawan ng dalaga.Nagtagal ang mata nito sa dibdib ng dalaga.Hulmang hulma ang dibdib nito sa suot na vneck ng dalaga.Umaalyat ang tingin sa leeg ng dalaga.

"Damn!!!napamura si Nick sa nakita.Kagabi hindi siya nakapagpigil na hindi sipsipin ang leeg ng dalaga kaya nag iwan ng marka na hindi siguro napansin nito.

Masamang tinapunan niya ng tingin ang binata ng marinig ang mura nito.

"Lets get out here baka umiinit na ang bunbunan ni Mommy kahihintay sa atin.Baka isipin nila gumagawa na tayo ng baby dito."malakas na tumawa si Nick ng makitang pulang pula ang mukha nito.

Kinabahan siya at naninibago sa mommy ni Nick wala itong kangit ngiti sa labi ng harapin nila.

"You two hindi ako naniniwalang walang nangyari sa inyong dalawa.You and Marianel needs to get married as soon as possible."deklara ng mommy niya.

Pareho silang nabigla hindi siya mapakali sa kaniyang upuan.Biglang tayo naman ang binata.

"What?!!Nahihibang ka na ba mommy?Alam mong wala pa sa plano ko mag asawa."tiim ang bagang nito.

"At sino ang gusto mong maging asawa ha?Yong Sandra na yon?Hoy Nick ikaw itong nahihibang gumising ka.Hindi ko gusto ang babaeng yon para sa iyo.At hindi ka ba nahihiya kay Marianel ang sabi ko ihatid mo pero ano? sa kwarto mo pa talaga pinatulog.At wag mo bilugin ang ulo ko kilala kita magdamag kayong magkatabi para wala kang gawing kalukuhan.Mahiya ka nga sa kaniya."sermon ng ina na walang pinagbago ang expression sa mukha.Ngayon lang ni Nick nakita ang inang nagkaganito.

"Ah...Tita...ah kasi--hindi niyo po kailangan gawin yan.Ok lang po ako wala naman po kasing--hindi niya natapos ang sasabihin ng sumingit na ulit ang ina ng binata.

"No!Hindi ako papayag ipapakasal ko kayong dalawa.Look at yourself iha yan ba ang walang nangyari sa inyo?No way kahit civil wedding ipapakasal ko kayo and thats final.anito na iniwan na sila.

Natigilan ang dalaga sa sinabi ni Tita Carmen.Nagmamadaling tumakbo siya sa harap ng salamin at nanlaki ang mga mata.May hickeys sa leeg niya at puno ng dibdib na litaw sa vneck na suot.

Ibig sabihin hindi panaginip ang panghahalik sa kaniya ni Nick?

Lalong namula ang kaniyang mukha nakita niya ang binatang nakasabunot sa buhok ang mga kamay.Parang pasan nito ang mundo kaya naman inunahan na niya ito.Ayaw niyang mapahiya pa dito.Alam naman niyang ibang babae ang mahal nito na madalas maikwento ng kapatid.

"Nick we dont need to get married pakiusapan mo na lang si Tita Carmen.Isa pa wala namang rason para magpakasal tayo at wala tayong relasyon."anito na hindi makatingin sa binata.

Matiim na nakatingin lang sa kaniya ang binata nagtagis ang bagang nito.

Halos karamihan ng babae nagkakadarapa sa kaniya tapos ang babaeng ito parang ayaw pa sa kaniya.Naalala niya pa kagabi na halos ayaw nitong tumabi o madikit sa kaniya kaya nakaramdam siya ng inis sa dalaga.Kung ibang babae marahil nagtatalon pa sa tuwa na pakakasalan niya.

"Sige na Nick pakiusapan mo si Tita Carmen na hindi naman kailangan magpakasal tayo.Ayoko naman makasal sa iyo."anito na tiningnan na ang binata kahit naiilang.

Lalong napakuyom ang palad ng binata sa sinabi ng dalaga.

Para bang hindi siya kanais nais na maging asawa nito kung makatanggi.

Natitigan niya ang markang nasa leeg nito na gawa niya.Naasar na lumabas na siya ng study room.

Bumalik si Marianel sa kwarto ni Nick para magpalit ng damit.Kailangan niya pumasok sa boutique bilang casher.

Ang kaninang naka bun na buhok ay inilugay niya para mapagtakpan ang pulang marka sa leeg niya.

Nagpalit siya ng uniform nila sa boutique.Maiksing skirt na kalahati sa hita niya at puting blouse para sa araw na yon.

"Oh Marianel papasok ka na ba?"Tanong ni Tita Carmen nakabihis din ito at mukhang nagmamadali.

"Yes po Tita."sagot niya.

Tinawag nito ang anak na binata at inutusang ihatid siya.

"Naku Tita hindi na po.Ok lang po ako"tanggi niya na lalong kinainis ni Nick.

"No!Ihahatid ka ni Nick sa trabaho mo at isa pa hindi pa tayo tapos mag usap."anito na dinampot na ang bag.

"Mommy!pinandilatan naman nito ang binata.

"You shut up my decision is final."

"Mom Im not ready to-

"Shut up Nick sa ayaw sa gusto mo pakakasalan mo si Marianel."

"Pero Tita no need po na magpakasal kami."

"No worries iha sisiguraduhin ko pakakasalan ka ng anak ko.Isa pa nasa edad na siya para mag asawa.Anyway saka na natin pag usapan dahil Im late sa pupuntahan ko."humalik pa ito sa kaniya at kay Nick bago nagmamadaling umalis.

Wala silang kibuan ni Nick habang nasa sasakyan.








Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon