Chapter 18

7.2K 243 2
                                    


Nakita niyang umiiyak na bumaba ng taxi si Kim at nagtuloy sa kwarto nito.
Sinundan nya ang dalaga naririnig nya pag sigaw at galit na galit.
Hindi nya alam kung bakit umiiyak ito.
Sa pagkakaalam nya lang sumugod si Nick sa bahay ni Diego ng malamang nagdadalangtao ang kapatid.Naisipan nyang yayain itong kumain dahil di pa naman ito nakapag breakfast.

"Hey tama ng drama mo dyan Baka nagugutom na si baby ikaw din."ani Marianel na sumungaw ang ulo sa siwang ng pinto.
Hindi naman ito nakalock at naiwang nakaawang lang.

"Hindi ako nagugutom!wala along gana!"sagot ng dalaga.

"Ano ka ba!pati baby mo idadamay mo,kung ano man yang drama mo bukas bukas mareresolve din yan.
Pero yang dinadala mo pag naaapektuhan mas malaking problema."ani Marianel dito.

Sumisinghot na lang ang dalaga.
"I remember na sinabi no niyaya ka na ni Diego ng kasal pero ikaw itong ayaw?"

"Ayoko ko kasing maging second priority nya lang kaming mag ina.
Ayokong mamatay sa pag alala sa kanya sa araw araw na inuuna nya ang pakikipagkarera nya Kay kamatayan."

"Kung mahal mo siya kahit anong priority nya sa buhay tatanggapin mo dahil mahal mo siya.
At hindi mo kailangang matakot na ibigay ang buong tiwala sa kanya kung alam mong mahal ka rin nya."ani Marianel

"Mahal ba yon?
May kasiping ng ibang babae?
Kaya pala sweet ng babaeng yon sa kanya."nanggagalaiting kwento nito.

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon