Pagkagaling nya sa office ni Nick sa bahay ng kanyang ina siya nagpahatid sa driver.
Ang totoo guilty siya dahil pinag isipan nya ng hindi maganda ang kanyang ina.
Bumili siya ng favorite cake nito bago magtungo sa bahay ng mga ito.
Nakahinga lang siya ng maluwag dahil mukhang di naman galit ang ina sa kanya,bukod sa wala namang nababanggit ito sa bagay na yon.Naisip nya si Nick pasalamat siya sa mokong dahil hindi nito nabanggit sa ina ang dahilan ng pagkakagalit nila.
Nasurprised din siya ng makita ang asawa ng mama nya.Matagal na daw nagkaayos ang mga ito.Nasa ibang bansa lang ang asawa nito dahil personal na inaasikaso ang isa pang negosyo nito.
Masyado nya lang atang nahusgahan sa isip nya ang kanyang ina.
Masaya naman pala ang relasyon ng mga ito kahit na nga long distance pa ang pagitan.Naiyak tuloy siya, naiintindihan namang niyakap siya ng ina.
Pati mga kapatid nya yumakap din sa kanya.
Saka lang nya napansin ang mga bagahe ng mga ito.
One week vacation sa hongkong ang pupuntahan ng mga ito.
Isasama nga daw sana siya ng mga ito kaya lang baka hindi daw siya payagan ng asawa nya.
Biglaan daw ang bakasyon na yon,isasabay na daw sa business trip ni Tito Greg."Ma okay lang naman sa kin kahit di nyo ko isama.
Ang mahalaga makapag bonding at makapag bakasyon kayo,puro business na lang din inaatupag nyo,relax relax din pag may time."aniya sa mga ito."Wag ka mag alala may pasalubong ka sa min ate."
"Sus kahit wala okey lang.Basta mag ingat lang kayo."
"Nahihiya naman ako anak,wrong timing punta mo, ngayong gabi ang alis namin.
Mabuti pa dito ka na lang matulog"anang kanyang ina."Ma wag nyo ko intindihin ano ba kayo..habang wala kayo titingnan tingnan ko tong bahay."
Naisakay na ng mga ito ang mga gamit sa sasakyan.
"Tito mag iingat po kayo ah,kayo ng bahala sa kanila enjoy your vacation po.""I will hija,don't worry I will take care of them."
Nagtext siya kay Nick na nasa bahay siya ng mama nya.
Sinabi nyang dito siya matutulog pero hindi na nya binanggit na umalis ang mga ito.
Tumatawag ito pero di nya sinagot,kaya nga nagtxt na lang siya.
Ang totoo nahihiya rin siya kay Nick kahit na humingi siya ng sorry dito.
Kung alam lang nito kung gaano niya kamahal ang lalaki.
Sapat na sa kanya ang pagtanggap nito ng sorry nya.
Siguro nabigla lang ito ng kaladkarin siya nitong pakasal sa Judge na ninong nito.Nanonood siya ng movies ng may kumatok sa guest room na inukupa nya.
"Come in!"sabi nya sa pag aakalang si Amy ang isa sa katulong.Hindi nya nilingon ito dahil ang buong attention ay nasa movie na pinapanood.
"May kailangan ka?"tanong nya na di pa rin pansin ang pumasok.
"Yup!I need you."anito na pumulupot ang mga braso sa asawa.
He kissed her hungrily, he really missed her kahit na nga kanina lang ay nagkita sila.
Sinadya lang naman nyang deadmahin ito kanina dahil gusto nyang turuan ito ng leksyon pero ng malaman nya sa katulong nila na di ito umuwi ay nag alala siya."Teka paano ka nakapasok dito?"sinaway nya ito dahil nagiging malikot na ang kamay nito.
Hindi naman ito natinag sa ginagawa."Nick ano ba kinakausap kita."
"Hmm...natural pinapasok ako ni Amy."tukoy nito sa katulong.
Nakalas na nito ang mga butones ng pantulog nya.
BINABASA MO ANG
Love me,the way I love you
RomanceMinsan ng nagmahal ang isang tulad nya,kaya naman takot na siyang sumubok na magmahal muli. Takot siyang muling magtiwala. Ayaw nyang matulad sa ina na ipinagpalit ng kanyang ama sa ibang babae.Alam nya kung anong hirap ang dinaan ng kanyang ina.Paa...