Chapter 11

7.4K 225 1
                                    


Nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto si Marianel at inilock ang pinto.

Wala na yatang sasakit sa nararamdaman nya.
Muntikan na nyang ibigay ng walang pag aalinlangan ang virginity nya kani-kanila lang.
Nag uumpisa pa lang na pagbigyan ang sarili niyang magkaroon ng love life mabubulilyaso pa.

Inis na inihampas nya ang unan sa kama.
She starting to like Nick maybe its not a simply like dahil every time na kaharap nya ang binata daig pa ang may nagrarambulang daga sa dibdib nya.Everytime na malapit ito ay hindi siya mapakali.

OK na sana feeling nya nasa heaven siya habang nakabilanggo sa mga matipunong bisig nito.
Halos mahibang siya pero daig nya pa ang tinusok ng mga karayom ang puso nya ng marinig ang pangalan ng babaeng yon.Bakit ba nasasaktan siya everytime na mababanggit ang pangalan ng ex nito at mabilis pa sa alas kwatro ang binata na puntahan o bigyan ng oras ito.

Sino ba ang di nakakakilala sa babaeng yon?
Ito lang naman ang babaeng minahal ng sobra ni Nick.
Bukod sa family nito at sa business dito umiikot ang buhay.
Ilang taon na ang lumipas ng iwan at ipagpalit ni Sandra si Nick pero ito pa rin ang laman ng puso at isip nito.

Kung si Celine na baliw kay Nick,ginawa ang lahat pero deadma Kay Nick at sumuko na ang pasaway na babae dahil nauntog na sa katotohan na hindi ito magagawang mahalin ng binata dahil hanggang ngayon haling pa rin ito kay Sandra.Paano pa kaya siya na nahuhulog na ang loob sa binata.Yong handa na sana siyang magmahal ng totohanan at walang pag alinlangan pero ito at nasasaktan na agad siya.

Naiinis siya kay Nick at lalong lalo na sa sarili nya.
Isinumpa nyang hindi siya magmamahal at papaluko ng dahil sa pesteng pagmamahal na yan.
Mabuti pa ngang kalimutan na nya ang umuusbong na pagtingin nya Kay Nick.

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon