Chapter 29

6.7K 182 1
                                    


Napag alaman nyang ninong pala ni Nick ang Judge na nagkasal sa kanila.
Niyayaya ito ng "asawa" nya na sumama sa kanila para kumain sa labas na tinanggihan nito.
May aasikasuhin pa daw ito at sa ibang araw na lang.

Dinala siya ni Nick sa isang Italian restaurant.
Hindi nya inaasahang madadatnan nila ang kanyang ina at mga kapatid doon.
Mukhang nauna pa sa kanila ang mga ito.
Masayang binati sila ng mga ito.
Niyakap din siya ng kanyang mama na mukhang masaya pa para sa kanila.
Hindi nya maiwasang mag obserba sa kanyang ina.
Sabihin na ngang nahihibang na siya sa kakaisip ng hindi maganda sa mga ito.

Sa nakikita nya para namang walang intimate relationship ang dalawa.
Praning lang siguro siya.
Pero laging umuukilkil sa utak nya na paanong naiwan nito ang damit na regalo nya kung hindi pa nga nakakarating ang mama nya sa unit ng binata?
Wala naman siyang balak itanong at baka masampal lang siya ng ina.
Pero hindi nya lang lubos maisip paanong naiwan nito ang damit nito sa unit ng hindi pumunta ang mama nya doon?
Maiiwan ba nito ang bagay na yun kung walang nangyari?malay naman nya na sinuot nito pag uwi ang damit ni Nick tulad ng ginagawa nya.
Marumi na ata talaga ang takbo ng utak nya.

Ang mga ito lang ang kinakausap ng magaling nyang "asawa".
Hindi rin siya nagtangkang sumali sa usapan,dahil they talking about business matters.

Hindi nya alam kung saan ba siya uuwi kung sa bahay ng mga ito o sa apartment nya.
Nag mumukha na rin siyang tanga simula kanina hindi na rin siya kinikibo nito.

Tahimik siyang bumaba sa sasakyan ng makarating sa bahay.
Napanganga siya dahil nagawa na pala nitong iutos sa driver at katulong na hakutin ang gamit nya sa apartment, pwera na lang sa mga appliances nya na malamang pinamigay na rin nito.

Ilang araw na rin silang walang kibuan.
Napansin nya para atang hindi pa alam ng mga tao sa bahay na yon na mag asawa na sila.
Lalo na kay Tita Carmen,hindi nya alam kung tatawagin nya bang mommy ito.
Ni hindi siya binati o walang nababanggit sa pagiging mag asawa nila.
So hindi o walang balak si Nick na ipaalam sa mga ito na mag asawa na sila.
Hindi naman sumisilip ang mga ito sa kanilang kwarto para malamang magkasama sila.
Si Nick ang nagpasok ng mga gamit nya sa kwarto nito.

Umiinom ng alak sa may bar counter si Nick ng makitang bumababa sa hagdan ang asawa.
Hindi pa rin nya kinikibo ito dahil masama ang loob nya dito.
Alam niya kung anong iniisip nito.
Nasasaktan siya dahil sa maduming isipan nito laban sa kanya na hindi nya magagawa sa ina niya pa.

Isa lang ang ibig sabihin nun wala pa ring tiwala ito sa lalaki.
At wala siyang balak itama ang anumang masamang iniisip nito.
Isama pang kinasasama ng loob nya ang natuklasang pag gamit nito ng pills.
Kaya naman pala nagtataka siya sa ilang beses ng may nangyari sa kanila mula umpisa hindi ito nabubuntis hindi naman siya gumagamit ng proteksiyon.
Wala nga sa plano ang biglaang kasal nila pero nabwesit na siya,lalo na pag isipan siya nito ng hindi maganda.

Nakita niyang may dalang bouquet of flowers ang isa sa maid,alam nya kung para kanino ito.
Madilim ang mukhang kinuha nya ito sa katulong bago pa maiabot sa asawa.
Binasa nya ang note saka itinapon ang bulaklak sa basurahan.
Binalingan nya uli ang katulong.

"Next time ayoko ng tumatanggap ka ng kung anong flower delivery."inis na utos nito sa katulong.

Naiinis na kinuha ni Marianel sa basurahan ang card na may note.
She want to know who is the sender of those flowers.
Pero bago pa nya nadampot yon tinabig nito ang kamay nya.

"Nick ano ba!"

"Pag nalaman ko lang kung sinong herodes yang nagpapadala ng mga yan babasagin ko ang pag mumukha nya."mainit ang ulo nito.

"Kanino ba talaga galing ang mga yan?"tanong ni Marianel sa maid nila.
Walang nakalagay sa note kung kanino galing ito.
"For Marianel" lang ang nasa note.

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon