Chapter 27

7.2K 202 5
                                    

Hindi siya sanay uminom pero sinubukan nyang uminom ng red wine.
Tutal naman engagement party ito ng kaibigan,hindi na masamang umiinom para mag celebrate.
Kanina pa siya sa madilim na bahagi ng garden na yon.
Gusto lang nyang magpahangin dahil pakiramdam nya ay maalinsangan.
Natatanaw naman nya ang kaganapan sa bulwagan.
Maya maya lang ay uuwi na rin siya,hindi na nya hihintaying matapos ang party.

Happy siya para kay Kim at Diego.
Sa wakas natagpuan na rin nito ang lalaking nakalaan para rito.
Kitang kita sa reaksyon ng mukha nito ang pagkasurpresa.
Lalo na ng lumantad ang lalaking nagpatibok sa pihikan nitong puso.

"What are you doing here?"anang boses na hindi man nya lingunin ang may ari nito ay nakatatak naman sa kanyang pagkatao.
Ang lalaking nagpapawala sa kanyang katinuan mapalapit lang ng bahagya.
His presence is like a virus na madaling kumalat sa kanyang sistema kahit pilitin nyang iwasan.

"Hey Im talking! saang planet ka na ba nakarating?"he said.

"Nagpapahangin lang ako,maalinsangan kasi."ani Marianel na inubos na and laman ng kanyang kopita.

Tiningnan ni Nick ang kopitang hawak nya.

"Balak mo bang magpakalasing?"tanong nito.

"No!nag try lang ako,actually pang dalawa ko pa lang to pero I think mukhang tinablan agad ako."
Medyo nahilo nga siya ganun lang siguro dahil di siya umiinom ng kahit anong alak.

"A-mm Nick....hmm..I want to go home ikaw na lang siguro ang magsabi kay Kim at Tita Carmen na umuwi na ako."

"Okay ihahatid kita."anito

"No!I mean wag na kaya ko naman,magtataxi naman ako."

"I insist to take you home okay! no more buts."anito ng aangal pa sana siya.

Wala nagawa si Marianel ng akayin siya nito.Bigla siyang inakbayan nito ng mapadaan sa grupo ng bisitang nagkakasiyahan.

Parang gustong mawalan ng ulirat sa kilig ang dalaga sa ginawi ng binata.
Lalong nag init ang pakiramdam nya,langhap nya ang mamahaling pabango nito.
"Shit!parang heaven ang feelings knowing na akbay pa lang yon,what if kung mas hihigit pa roon.
Sa init na singaw ng katawan nito at mabangong amoy nito lango na siya.

Pag dating nila sa may tapat ng V tower,pinasok ni Nick ang kanyang kotse sa parking lot.

"Wait a minute,di ba ihahatid mo ako?anong gagawin natin dito?"Marianel asked him.

"Come on bumaba ka muna,I forgot something in my condo unit.
Kukunin ko lang samahan mo ko."ani Nick na pinag buksan siya ng pinto ng kotse.

Naalala nya na may sariling condominium unit ang binata.
Hindi naman nya alam na sa V tower pala ito.
Sa pagkakaalam nya madalang magpunta ang binata dito.
Mas gusto nitong umuwi sa bahay ng mama nya.
Hindi kaya dito dinadala ng lalaki ang mga babae o dinadate nito?
Ang tanong may dinidate nga ba?
Sa pagkakaalam nya kay Sandra nga lang ito nahibang at walang ibang dinidate.
Hindi kaya dito madalas magkita si Nick at ang Sandra na yon?
"Ah Nhel I block mo na lang yang utak mo kung sisirain mo lang ang moment niyo sa babaeng yon."anang isip ng dalaga.

Patungo na sila sa unit nito sa 19 floor ng maisipang tanongin ito.

"I heared about V tower if I'm not mistaken Bruno owned this tower right?"curious na tanong ni Marianel.

"Yup!he own this tower.Actually its 26floor.
Feel at home!"ani Nick sa kanya ng makapasok sila sa unit nito.

"Maliligo lang ako."

"Huh?akala ko ba may kukunin ka lang?"ani Marianel

Nakakalukong ngumiti lang ito bago siya iniwan.
"In fairness maganda itong unit niya."anang dalaga na tumayo at pinag masdan ang mga display,habang hinihintay ang binata.

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon