Galit na galit si Marianel sa nobyo.Hindi nya lubos na lulukohin siya nito,harap harapan pa siyang ginago.
Masakit sa kanya kung kailan mahal na nya ang lalaki saka naman siya pagtataksilan.
Hindi siya makahinga pigil ang emotion baka hindi nya mapigil at makapagwala siya.
Umiiyak na inayos ang dalang gamit sa bag.
Nagpasyang umuwi na lang at baka kung anong magawa nya sa hayop na lalaki pag nagsalubong ang landas nila.
Wala siyang mapagsabihan ng sama ng loob.Tinatawagan nya ang kaibigang si Verna pero wala naman pala ito at may nilakad kasama si Sandro.
Buti pa ang kaibigan nya masaya na sa lalaking minahal nito.
Malas lang siya sa lalaki tulad ng kanyang ina.
Hirap namang humanap si Marianel ng trabaho,simula ng hindi na siya sumasama sa taping.
Simula ng masaksihan ang pang gagago ng nobyo hindi na siya sumasama para mag extra kung saan madalas na makita ang mga ito.Siya na ang umiwas.
Ni minsan ay hindi rin naman nagtangka ang lalaki na tawagan siya.Ngayon nya napagtanto na hindi siya nito minahal.Aminado naman siyang may pagkukulang dito na hindi pa siya handang ibigay.
Napapansin niyang laging wala ang kanyang ina.kahit ang araw ng linggo na wala namang trabaho ay panay alis nito.
Napansin nya ring blooming ang kanyang ina.Palagi itong nakangiti.Nahihiwagaan na siya sa kinikilos ng ina.
Tinawagan siya ni Micon ng malamang naghahanap siya ng trabaho.Nangangailangan daw ang boutique nila ng casher.
Maswerte ito sa napangasawa na isang CEO ng kompanya.Naging kaibigan nila ito ni Verna dito madalas ihabilin ni Verna ang anak pag kailangan nilang rumaket na magkaibigan.
Sa pagkakatanda nya isang Monteverde ang asawa nito,pag aari nito ang Monteverde Trading Company at Co-Owner din ng isang sikat na dealer ng mga sport cars sa bansa.
May dalawang branch na rin ang M&T Loveless Boutique.Dahil kulang sa tauhan siya ang naisip ni Micon dahil nalaman nito na kung saan saan na siya nag aapply.
"Thanks god!"thank you Micon napakabait mo talaga!hulog ka ng langit"ani Marianel sa kausap.
Natawa naman ang nasa kabilang linya.
"Grabe ka,ikaw talaga naisip ko nabalitaan ko nga kay Verna na madalang na kayo magkita at hindi ka niya nakakausap.Baka kako abala ka sa paghahanap ng trabaho."
"Oo eh malas lang walang magandang trabaho akong mahanap,bukod sa hinahanap nila ay yong mga college graduate.
Alam mo namang high school lang tinapos ko."Hindi na niya pinaalam sa kaibigan ang pinagdadaanan niya.
"Dont worry next monday punta ka sa boutique para makapag simula ka.Tuturuan ka naman ni Jennilyn kung anong dapat gawin.
Im sure kayang kaya mong gawin yon".ani Micon sa kausap.
"O paano next time na lang tayo magchizmakan,alam mo naman tong isa nagmamadali na."
"O siya sige,baka uminit na naman bunbunan nyang kasama mo.Salamat talaga ng marami"pasalamat niya sa kaibigan.
"Maliit na bagay! O siya bye na!"paalam nito sa kabilang linya.
Matuling lumipas ang mga buwan,nagulat na lang si Marianel.Pinakilala ng kanyang ina na nobyo na nito ang biyudong amo.Ito ay may ari ng garments factory kung saan ngtatrabaho ang ina bilang mananahi.
Hindi nya maintindihan kung matutuwa ba sa ina o magagalit.Kinagabihan kinumpronta nya ang ina.
"Ano na naman to nay?"Hindi na ba kayo nadala ha? Anong gagawin niyo pag iniwan na naman kayo ng lalaking yan?Sumbat nya sa ina.
" Anak lang kita Marianel, at wag mo ko sumbatan.Hindi ko kasalanan kung magmahal akong muli.
"Tao ako Marianel,may mga pangangailang din ako.Mahal ko si Greg.Hindi niyo ko pwedeng pigilan.Ako pa rin masusunod!"
"Pero 'nay baka lukuhin din nya kayo!
Mahal nyo yung tao,ok fine pero nakakasiguro ka bang totoo yung nararamdaman nya sa yo nay?parang nawawalan na rin siya ng tiwala sa mga lalaki.
"Ilang buwan na rin kaming may relasyon.Ramdam ko namang mahal ako ni Greg anak.Isa pa wala namang masama kung magmahalan kami,byudo na siya at wala namang anak.
Handa siyang pakasalan ako kaya siguradong mahal nya ako."
Nakikita naman ni Marianel na masaya ang ina at ramdam nya na mahal nito ang lalaki.
Plano na rin pala ng mga ito na magpakasal kahit simple lang.
Wala namang masama kung magpakasal ang kanyang ina.Hindi naman ito kasal sa naunang asawa na iniwan lang ang kanyang ina matapos na makahanap ng mas bata.
Nakikita niya excited ito sa pag aasikaso ng kasal nito.
Wala siyang karapatan pigilan kung anong nararamdaman ng kaniyang ina.May karapatan din itong lumigaya.
Hindi naman pumayag ang mapapangasawa nito na mangupahan pa sila sa kanilang tahanan.
Pinatira sila nito sa sarili nitong bahay.
Katamtamang laki at dalawang palapag ang bahay nito.Nasa 600 square meter din ang laki ng bahay nito.Bukod pa sa garahe para sa dalawang sasakyan.
Matatagpuan sa isang sikat na subdivision.
Limang kwarto ang meron sa bahay nito at dalawang maids quarter.
Wala namang nagawa si Marianel kung di sumang ayon na lang.
Kung baga sa tubig ay sumasabay na lang siya sa agos ng buhay kung saan sila dadalhin.
Hindi naman niya kayang pigilan ang kasayahang nakikita sa kaniyang ina.Nakikita rin naman niyang mahal ito ni Tito Greg kaya hinayaan na lang niya ang kaniyang ina.
Natoto na ring mag ayos ayos ang kaniyang ina na napansin niya hindi na ito tulad dati na halos pabayaan ang sarili at hindi magkandaugaga sa pagtatrabaho para lang sa kanilang magkakapatid.Dagdagan pa ng stress na dulot ng kaniyang babaerong amain.
Sa wakas nalalaya na ang kaniyang ina sa ganung sitwasiyon at nagpapasalamat siya kay God dahil kahit anong pagsubok hindi pa rin sila pinababayaan.Naniniwala siyang kahit na gaano pa karami ang dumating na pagsubok darating at darating ang araw na lilipas din ito basta wag lang makalimot sa maykapal.
Ito ang sandigan at lakas niya ano mang pagsubok ang dumating sa buhay.
BINABASA MO ANG
Love me,the way I love you
RomansaMinsan ng nagmahal ang isang tulad nya,kaya naman takot na siyang sumubok na magmahal muli. Takot siyang muling magtiwala. Ayaw nyang matulad sa ina na ipinagpalit ng kanyang ama sa ibang babae.Alam nya kung anong hirap ang dinaan ng kanyang ina.Paa...