Chapter 23

7.3K 219 3
                                    


Nakipag usap sila ni Nick sa isang event coordinator na kaibigan ni Kim.
Sinamahan sila ng dalaga naiinip na rin daw kasi ito.

Nagkatinginan lang sila ni Nick.
Ang event coordinator at isa sa mga kakilala ni Kim at katrabaho.
Ang kaarawan ng ina ng magkapatid at engagement party ay pag sasabayin na lang.
Halos lahat ng mga kaibigin nila ni Nick ay invited ng binata kasama na ang mga malalapit na kaibigan at co worker ni Kim.

Nahihiya tuloy siya sa mga ito dahil hindi naman para sa kanya ang engagement party na yon.
Marami ngang bumabati sa kanya at tumatawag nagpaabot ng pagbati.
Hindi maiwasang mapangiwi siya.

Nagkayayaan ang mga ito na magpunta sa M&T boutique para mamili ng evening gown para sa party.
Ang boutique na pag aari nila Micon at Tasha ay kumpleto sa lahat kaya nga may bagong branch ang boutique dahil patok sa lahat ng customers.

"Anong meron?"tanong ni Marianel ng makapasok sila nina Kim at Nick sa boutique.
Daig pa nila ang may mini reunion ng magkita kita sa boutique.

"O...andito rin kayo?"nagulat na puna ni Verna ng makita sila.

"Naisipan naming dito na bumili ng evening dress para sa party."sagot ni Marianel.
Nagyakapan silang magkakaibigan.
Hindi naman madalas kasi sila nagkikita kita.

"What a coincidence huh?"puna ni Kim.
Bibili rin daw kasi ang mga ito ng gagamitin para sa party.
Kasama ni Verna ang asawa nito na si Sandro na kasalukuyang kausap ni Nick.

Kumpleto ata ang tropa except Celine dahil nagtatago ito sa Canada.
Naghahide and seek ang mga ito.
Parang drama lang nila Verna At itong si Kim ang di nakatiis lumabas ng lungga.Finding Diego ngayon ang drama ng gaga.
Ngayon si Marianel ang naiipit sa sitwasyon dahil puso niya ang nasa panganib.

"What are you doing dude?" nakakalukong nilapitan ni Sandro si Jorge na nakapwesto sa kaha bilang cashier.

"This is crazy dude!I'm the co-owner of the T&J  Travel  and tour agency and this is what I got jeez!!reklamo ni Jorge.

"Nagrereklamo ka ba?hello insan minsan ka nga lang mahatak nagrereklamo ka pa.Sisihin mo yong friend mo,kung hindi ba naman nya pinag absent si Marianel ng one week hindi ka sana nagrereklamo."ani Tasha

Walang cashier sila kaya si Jorge ang nakatao.Kulang sila sa tauhan dahil nga nag resigned na si Jennilyn a week ago pa.
Naligaw si Jorge sa boutique kaya hinatak ito ni Tasha para magpatulong dito na hindi nito natanggihan.
Enjoy naman ito lalo na at pacharming ang mga dalagang customer dito.
Dahil sa dami ng customers nila ng araw na yon present si Micon.
Nag aasist ito sa ibang customers. Pansin din nga nila na dagsa ang tao.
Kadalasan mga kababaehan at kabataan na halatang nagpapa charming kay Jorge.

Hindi magkandaugaga sina Micon at Tasha sa dami ng customers.
Matapos makapili at mabayaran tumulong na lang sila sa mga ito.

"Hi pretty!"bati ni Jorge kay Kim with a smile.

"Hmp..do I know you?"
taray ni Kim dito na tinawanan ni Jorge.
Naupo si Kim sa bakanteng upuan na malapit dito medyo malaki na rin ang tiyan nito.

"Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin?"

"Oo dahil kung hindi sa kalukuhan mo hindi ko makikilala ang hudyong yon."tukoy kay Diego.

"Bakit nagsisisi ka ba at nakilala mo siya?"tanong ni Jorge.

"Hindi!pero naiinis pa rin ako sayo dahil ayaw mong ipaalam sa kin kung saan ko siya makikita".nakasimangot na tugon nito.

Natatawa lang si Jorge dito siya naman mayayari ng pinsan nya kung madudulas siya sa plano.
Inasikaso nito ang nakapilang customers.
Obviously pa charming at kinikilig ang mga collage student na nasa harap nito.

"Enjoy shopping mga shoppers.
May free kiss kayo sa kin at sa mga nakikita nyong hottie's friend ko na narito."ani Jorge sa mga customers na nagtilian.

Naghiyawan ang mga kabataang babae pati bakla na namimili.
Napalingon naman si Verna dito.

"Hoi Jorge pwede wag mong isama sa kalukuhan mo ang asawa ko,ako lang ang pwedeng humalik sa kanya."ani Verna

"Kiss lang ipagdadamot mo pa!"anang bagong dating na si Veri kasama nito ang bff ni Micon slash Secretary ng asawa nito.

"Hi Veri!"Micon greet him at sinalubong ng halik ang bff nito.

"Attention everybody you heared me right you can claim a free kiss with this handsome and gorgeous friends,but......make sure you buy any items worth of 10k and viola you have a free kiss plus the bonus of unlimited hug."nakakalukong announced nito.

"Ay!!!10k saklap paano naman kaming mga stuyante!"reklamo ng grupo ng mga collage.

Binato ni Nick ng nilamukos na tissue ang binata.

"Ang dami mong alam, gusto mo lang makahalik idinamay mo pa kami."anito na nakatayo at nakasalikop ang mga braso sa tabi ni Marianel.

Napapangiti naman si Sandro na siniko ng asawa.
"Gustong gusto mo naman!"ani Verna dito.

"Not bad looked mukhang kikita ng malaki sa amin ang friend mo."ani Sandro na inginuso ang mga customers na lalo pang nadagdagan.

"This is great!Bff not bad its a nice idea! look at your boutique ngayon lang napuno ng customers dito.
May point din itong si Jorge hatak ang mga kababaihan."ani Sophie

"Oo nga bff hindi ako magkandaugaga buti na lang andyan kayo."tugon ni Micon

"Sana bff mag hire ka ng mga poging fafah at ng ganito ang eksena araw araw plus my free kiss pa.Baka pati ako araw araw na bumili ng wala sa oras."ani Sophie na tuwang tuwa.
Bigla naman umakbay dito ang walang ngiting si Veri.

"Araw araw din kitang sasamahan dito babe at baka samantalahin ng mga yon ang pagkakataon."ani Veri na hindi na ngumingiti.

"Seloso!"ani Sophie "nagbibiro lang ako,"bulong ni Sophie sa binata.

"Good!mabuti nang nag kakaliwanagan tayo."he said.

"Hayaan mo bff at pag iisipan namin yan ni Sissy.Jorge give us an idea."Tasha said na sinang ayunan ni Micon.

Nagkatawanan sila nang ang mga lalaki naman ang natigilan sa idea ni Tasha.

Kinuha ni Sophie Kay Veri ang mga napili nito.
Pumila siya sa cashier nasa worth 10k din mahigit ang halaga ng damit nila.

Tatlo na ang nasa harap ng kaha.
Si Kim,Marianel at Jorge na hindi natiis ang dalawang hindi tulungan ito.
Sinadya ni Sophie na pumila kung Saan naka pwesto si Jorge.

Napasipol si Jorge ng makita ang halaga ng pinamili nila at nakakalukong ngumiti.

"Its worth 10,875.so may free hug and kiss din ako."biro ni Sophie.

"You can get a free hug and kisses from me babe,its unlimited wag lang diyan kay Jorge at baka mabangasan ang gwapong mukha nyan".Veri said in dangerous tone habang inabot nito ang cash na bayad sa pinamili nila.

"Wheeeeeew what a jealous man you've got Sophie,I'm scared!!"Biro ni Jorge sa mga ito.

Marami ring nagclaimed ng kiss at nagpa selfie pa ang mga ito.
May mga matrona,bakla,teenagers at mga babaeng hitad sa mga ito.
Nagawa pang makipag flirt ang iba sa mga ito.
Si Sandro hindi magawang makipag biruan sa mga dalagang customer.
Nakairap kasi dito si Verna kada may lalapit ditong babae.
Mas sikat ito dahil isa itong model na madalas mafeature sa mga magazine.




---Hello po sa like po ng books nina William,Diego,Sandro,Giane at Nick available po siya as self punlished message niyo lang po ako.....----

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon