Ilang linggo na ring nakauwi si Kim pero pansin nya sa dalaga na may kakaiba dito.
Kahit di man nito aminin sa kanya Alam nyang may something between her and Diego.
Nung nagpahanda ang ina nito para sa thanks giving dahil safe ang minamahal na anak,nararamdaman nyang disappointed ito dahil hindi nagpakita ang binata.Nakakausap na rin ni Marianel ang kanyang mga kapatid.
Minsang pinuntahan siya ni Alyana sa boutique na pinapasukan nya.
Kagagaling lang daw nito sa school at nakiusap sa driver ng asawa ng ina.
Hindi naman ito nagtagal sa takot na mapagalitan din ng ina.
Ibinigay nito ang contact number para makapag usap silang magkakapatid.
Hanggang ngayon galit pa rin sa kanya ang ina.Wala naman siyang kasalanan dito para maging ganito ang trato ng kanyang ina.
Lahat ng gusto nito ay ginawa nya.
Bilang panganay na anak ginawa nya ang dapat na sana ay ang ama nila ang gumaganap.
Wala siyang maisip na dahilan kung bakit pati siya ay pinag iinitan ng ina.
Mula ng palayasin siya ng ina hanggang ngayon hindi pa rin siya nito kinakausap.
Pati mga kapatid nya pinagkakait nito.
Nasisiraan na ata ng ulo ang kanyang ina pati siya ay pinag iisipan ng hindi maganda porke iniiwan at hindi nakakatagal ang mga lalaking minahal nito.
Isa rin yon kung bakit umiiwas siyang mainlove ang maranasan ang nangyayari sa ina.
Nakakabaliw ang sobrang pag ibig at nakakamatay ang sobrang insecurities.Pero pag nagmahal ka pala hindi maiiwasang makaramdam ka rin ng insecurities lalo na at hindi ganun ka solid ang pundasyon ng pagmamahal.
Mahirap magmahal sa taong alam mong may ibang laman ang puso.
Masakit pero kailangan mong tanggapin.
Hanggat maaari gusto nyang iwasan ang binata ayaw nyang matulad sa ina na hindi kayang mahalin ang sarili.
Dangan nga lang hindi naman siya ganun ka ingrata para layasan ang mga taong tumulong at nagpatuloy sa kanya.
Buti na lang kahit papaano hindi nya binitiwan ang apartment na inuupahan.
Kahit di siya tumutuloy doon binabayaran nya pa rin ang renta.
Paunti until nyang binibilhan ng gamit.
Pag umiiwas siya Kay Nick doon siya nagpapalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
Love me,the way I love you
RomanceMinsan ng nagmahal ang isang tulad nya,kaya naman takot na siyang sumubok na magmahal muli. Takot siyang muling magtiwala. Ayaw nyang matulad sa ina na ipinagpalit ng kanyang ama sa ibang babae.Alam nya kung anong hirap ang dinaan ng kanyang ina.Paa...