Chapter 8

7.7K 228 4
                                    


Hindi naman pumayag ang ina ni Nick na maghanap pa siya ng apartment.Pinatuloy na siya sa bahay ng mga ito pansamantala ngang sa kwarto ni Nick siya dahil pinapaayos pa ang guessroom.

They convince her to stay para naman daw mas safe siya sa bahay ng mga ito.

Pero ang puso nya ang nanganganib na mahulog ang loob sa binata na ayaw nyang mangyari.

Araw araw pa siyang hinahatid ni Nick sa boutique sa utos ni Tita Carmen na hindi mahindian ng binata.

"Oh my god,Marianel ang gwapo naman ng boyfriend mo" kinikilig na sita sa kanya ni Jennilyn.

Hindi mo man lang sinasabi sa kin na boyfriend mo si Nick."

"Gaga! hindi ko boyfriend yon."anito sa dalaga.

" Kung hindi mo boyfriend yong lalaking yon bakit araw araw siya ang naghahatid sa yo aber? Singit ni Tasha sa usapan ng dalawang tauhan.

"Madam boyfriend agad?porke hinahatid na ko dito? Hindi ba pwedeng hindi nya lang mahindian si tita Carmen." Paliwanag ni Marianel.

"Kung maka madam to!feeling ko antanders ko na pag tinatawag mo ko ng ganyan.Paano pa ko magkakajowa nyan?"ani Tasha

Natawa si Jennilyn dito.

"Madam kung sinasagot mo ba naman yong masugid mong manliligaw na aalialigid dito."

"Alin yong mukhang bisugo na yon? No way! pakatandang virgin na lang ako,kung siya lang ang lalapastangan sa aking magandang katawan."ani Tasha

Tawanan sila sa kakalugan nito.

"Ikaw Marianel ha iniiba mo naman ang usapan.kung hindi mo boyfriend si Nick eh anong something meron kayo?usisa ni Tasha dito.

Wala pa namang customer kaya malaya silang magkwentuhan.

"Wala as in walang something sa min ni Nick ok."

"Showbiz ka bakla! Walang something pero kitang kita dyan sa mga mata mo meron nabubuong something special,Aminin mo sa gwapo ni Nick hindi ka maiinlove wag kami.

Maniwala akong hindi mahulog ang loob mo sa kanya."ani Jennilyn.

"Correct my dear Jennilyn,dont tell me Marianel na magpapakaburo ka na lang habang buhay.

Bakla hindi porke niluko ka ni Deive noon eh ganun din gagawin sa yo ni Nick."ani Micon na kararating lang.

"Haller OA nyo ha!ginagawan nyo ko ng issue kay Nick.

Im not ready para sa ganyang bagay."ani Marianel sa mga ito.

"Inarte ka pa bakla,kung ayaw mo bigay mo na lang sa 'kin at ako ang gagapang,tingnan ko lang kung makapalag pa si Nick sa kin."ani Tasha na nakipag apiran kay Jennilyn.

Tawanan sila sa mga kalukuhan nila.

"Girl kong si Nick lang naman kahit ilang round pa hindi ko uurungan go lang ng go!"ani Tasha na inginuso kina Micon ang namumulang dalaga.Namumula na ang mukha nito dahil ito ang target nila sa usapan at ang binata.




Pinaayos na ng ina ang bakanteng kwarto para kay Marianel at ang isang guessroom para naman sa kanyang inaanak.

Pansamantalang titira ito sa kanila.

At wala namang problema sa pamilya ang pagtuloy nito sa kanila.

Kahit naman may pagkasuplado si Nick hinahatid pa rin siya nito sa M&T botique sa kagustuhan na rin ng mabait na ina ng binata.Tungkol sa pangungulit nito na pakasalan siya pumayag ito sa gusto ng binata na pakakasal sila wag lang silang madaliin.Silang tatlo lang ang nakakaalam sa usapin yon para hindi kumalat.

Sa wakas na meet din ni Marianel ang inaanak ni Tita Carmen na si Celine.

Medyo aloof ito sa kanya.

Madalas ngang nakabuntot ito sa binata.

Lantaran pa kung magpakita ng kasweetan sa binata.

Madalas din na kumakandong ito kay Nick na wala lang sa lalaki.

Iniirapan na nga lang nya ang binata pag napapadako ang tingin nito sa kanya.

Imbis na mainis siya sa brat na dalaga,natutuwa pa nga siya pag dumalaw sa bahay ang best friend ni Nick na si William.

Nababaitan pa nga siya kay William.

May time na pinapanuod na lang nya ang dalawa sa pag aaway ng mga ito.

Daig pa nga ang aso't pusa pero bagay ang dalawa.

Minsan ng sinama ito ni kim sa M&T botique napansin nyang hindi talaga palakibo ang dalaga.

Hindi nya maimagine kabaligtaran kasi ito pag si William or Nick ang kasama nito.Siguro naiilang lang ito.

Dahil si Kim ang madalas nyang makausap,ito ang napagsabihan nya ng mga past na hindi magandang nangyari sa buhay nya.

Hanggang ngayon natiis siya ng ina na hindi kausapin.

Pati mga kapatid nya pinagbawalan siyang kausapin.

Hindi nya rin makausap ang mga ito sa school na pinapasukan ng mga ito dahil may work naman siya.

Natuwa siya ng palihim na tumawag ang kanyang mga kapatid.

Ok naman daw ang mga ito kaya nabawasan ang pag alala nya sa kanyang mga kapatid.

Kinulit siya ni Kim na magkwento sa nakaraan nila ni Deive.

Ayaw na sana nyang alalahanin ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

Wala naman siyang nagawa kundi ang ilabas ang matagal nyang hinanakit na ito lang ang mapagsasabihan.

Naintindihan naman siya ng dalaga kaya kahit ito ay galit din kay Deive sa ginawa nito sa kanya.

Wala silang kaalam alam na narinig lahat yon ni Nick.

Wala siyang balak na makinig sa usapan ng kapatid at ng dalaga.

Nacurious lang siya ng marinig na niluko lang pala ito ng boyfriend nito.

Hindi nya kilala ang lalaking binanggit nito,pero natatandaan nya ang pangalang binanggit ng dalaga.

Isa pala itong model actor na unti-unti ng sumisikat ng panahong iniyakan nya ang walang hiyang lalaki.

Napakuyom ang palad nya ng maisip ang ginawa nito sa dalaga.

Lalaki din siya pero una pa lang sinabihan na nya ang mga nakakarelasyon na hindi nya kayang ibigay kung ang habol ng mga ito ay ang kanyang kalayaan.

Malinaw na pinaalala nya sa mga ito na magpapakasal lang siya,sa kung sino ang tinitibok ng puso nya.At wala pa siyang balak na mag asawa.

Ang pangungulit naman ng mommy niya na pakasalan ang dalaga dahil sa tagpong magkatabi sila sa kwarto ay hindi na nauungkat ng kaniyang ina dahil abala rin ito sa foundation na tinatayo ng ina para tumulong sa mga gusto nitong tulungan.

Mabait ang mommy nila kaya naman mahal na mahal nila ito ng kaniyang kapatid.

Madalas sumakit ang ulo niya sa kinakapatid na si Celine nahuhuli niya pang iniirapan siya ni Marianel pag kumakandong sa kaniya ang kinakappatid.Sanay na siya dito pasaway lang talaga ang isang yon buti na lang at nandiyan si William para ito ang sumasalo sa isang yon.



Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon