Chapter 9

7.9K 255 5
                                    

Day off ni Marianel ng yayain ni Kim na kumain sila sa labas.

May nadiscover kasi itong bagong bukas na resto na masarap ang mga pagkain.

Sobrang nag enjoy sila sa kanilang kinain sulit ang binayad nila.

Tumambay pa sila sa resto dahil nakakarelax ang ambience ng resto na yon.

Nag excuse siya kay Marianel na pupunta ng restroom.

Nagtitxt siya sa kanyang iphone na mabangga ng kung sino.

Dahil malakas ang bagkakabangga tumilapon ang kanyang phone at muntikan na rin siyang matumba.Galit na galit na kinumpronta ito ni Kim.

Habang hinihintay ni Marianel si Kim tumawag naman si Nick.

Mukhang naiinis pa ito dahil hindi nito matawagan ang kapatid.

Sinabi na lang nitong hindi sila masusundo dahil may appointment pa ito sa isang client nila.Magcommute na lang daw sila.

"Problema nun?Sa kin pa sinisi kung bakit di matawagan ang kapatid nya.haist ang hirap spellingin ng ugali nung Nick na yon."ani Marianel

Magkaiba talaga sila ng ugali ng ina nito.Gwapo sana kaya lang nuknukan ng pagka antipatiko.

Kaya nga ayaw na nyang ma inlove kung maari dahil sakit sa heart at nakaka stress ang mga lalaking yan.

"Stress daw o takot ka lang magmahal muli at matulad sa yong ina?"ani Verna sa phone na kausap nya.

"Basta ako "No Love No heartache"yan muna ang policy na dapat kung sundin.

Mga lalaki na yan tsupeeee muna sila sa buhay ko."ani Marianel

"Gaga sinasabi mo lang yan ngayon dahil hindi mo pa natatagpuan ang lalaking magpapabilis ng tibok ng puso mo.

Hindi porke niloko ka ni Dieve ay hindi ka na magmamahal?

Oh c'mon girl,dont tell me na hindi ka affected sa yummy brother ni Kim?"ani Verna

"Hindi noh!bakit naman ako papaapekto kay Nick?Hindi porke gwapo siya lahat ng babae maiinlove sa kanya.Kinakalimutan na nga niya ang kalukuhang ginawa nito sa kaniya nang minsang magshare sila sa kama nito.

Isa pa may girlfriend na yon.

At take note isama mo pa si Celine na patay na patay kay Nick.

Baka pati ako awayin nun wag na lang noh!"

"Porke patay na patay at may gf hindi na pwedeng agawin?

Anong balak mong gawin bruha iburo sa baul ang virginity hanggang mga uod ang magfiesta sa yo ganun?"talak ni Verna

"Bruha ka!parang gusto mo na kong patayin sa mga pinagsasabi mo.Minsan ka na nga lang tumawag sa kin dahil dyan sa Sandro mo,yang mga banat mong pamatay na advice.

Naku Verna tigilan mo nga ako sa mga payong ganyan."

"Kesa tumanda kang dalaga"

"Tumandang dalaga ka dyan ang bata ko pa marami pang chance na darating.Isa pa hindi pa ko handang magmahal kaya tigilan mo na yan.

O paano tawag na lang ako sa yo mukhang imbyerna ang little sister ni Nick."

"O sige dont forget na balitaan ako pag nagapang mo na si Nick ha."pang aasar ni Verna bago nagpaalam sa kausap.

"Anong nangyari sayo?"tanong ni Marianel kay Kim.

Pinagmamasdan lang ito ni Marianel sa pagbutngting ng phone nito.

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon