Chapter 26

7.8K 218 12
                                    


Its party time!

Kung pwede nga lang na hindi siya pumunta sa party na yon,maraming nakakaalam na engagement party nila yon ni Nick.
Mas masaya sana kung totoo man lang na engagement nila ni Nick.
Kaya lang siya naman ang malalagay sa kahihiyan.

"Assuming ka!malalagay sa kahihiyan?eh hindi naman talaga kayo engage ni Nick may kahihiyan ka pang nalalaman gumising ka girl."anang isip nya.

Hindi siya pwedeng mawala sa party na yon,ano na lang ang sasabihin ni Tita Carmen kung di siya magpapakita.
Baka masabihan siyang walang utang na loob.
Isa pa para kay Kim kailangan na nandoon din siya sa party.
Dahil ang engagement party na yon ang surprise ni Diego sa dalaga.
Tiniis nitong hindi magpakita sa dalaga kahit na nga gustong gusto na nitong sugurin ng yakap ang dalaga.

Nasa isang salon sila ni Kim.
Pag aari ito ng kaibigan ng dalaga.
Dito na rin sila magbibihis at aayosan ng beki friend.

"O bakit ganyan mga itsura niyo?engagement party pupuntahan nyo mga bakla hindi lamay."ani Mariel ang owner ng salon.

"Eh kasi naman inggit much ang beauty ko!how I wish na engagement party to naming ng lovey dovey ko.
Bwesit na lalaki yon hindi na nagparamdam sa kin.
Porke ba mukha na kong nakalunok ng pakwan sa laki ng tiyan ganun na lang yon."maktol ni Kim.

Love me,the way I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon