Humiliated
Feeling ko, ang baba na ng tingin ko sa sarili ko. I never thought that they'll disown me in just a snap. Pictures of me being naked, being slut-shamed, and all. Feeling ko, mukhang wala na ata akong maihaharap pang muli sa lagay kong ito.
"Anak, bumangon ka na diyan," Saad ni Mama. Ayoko nga. Natulog na lang ulit ako. Maya-maya pa, biglang nag-off ang cellphone ko.
1K messages
Francine sent a message
Cypher sent a message
Aziel sent a message
Tristina sent a message
Brianna sent a message
At lahat ng iyon, wala akong sinagot ni isa. Pagkatapos nila akong kamuhian kahapon, sa tingin ba nila may mukha pa ba akong dapat ipakita sa kanila?
Bakit naman nila ako tatawagan ng ganitong oras? I thought. As I was about to take a shower biglang may kumatok sa pinto na siya namang pinagbuksan ni mama.
"Bes, sorry, huhu. Di namin sinasadya." Sabi ni Cypher. Di ko alam kung anong reaction pa ba ang ipapakita ko sa kanila. Nanatili lamang akong walang imik.
"Dahlia, We're so sorry about what happened yesterday. Naguilty kami sa mga pinaggagagawa namin sayo," Francine added. Are they even doing this for a charity cause? Kasi kung oo, wala akong pera na pwedeng ipambayad.
"Dahlia," This time, Aziel spoke, Nakatingin lang ako ng mariin sa kanilang lahat. Wala akong ibang pwedeng sabihin. I hate faking my sincerity. I'll end up like Krishna. And I absolutely despised being two-faced.
"Are you really that sorry? Pagkatapos niyo kong awayin kahapon? Sa tingin niyo ba madadala ako sa mga matatamis niyong salita? Wait lang, di ba? That's the same mouth that you used to put me in the spotlight and slut-shamed after?" I mocked them, walang umimik sa kanila.
"You know what? Mabuti pa siguro magkanya-kanya muna tayo. Tutal, the jokes are on me already. You can befriend Krishna anytime you want. Aalis na ako," Akmang tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Aziel.
"Lia," He began. "We're sincerely sorry. And nagsisisi kami, ako. Kasi ayaw namin na mawala ka sa squad at sa SLU community. Please. Just come back to us," He pleaded. Di ko na alam kung anong magagawa ko sa kanila. Tinignan ko lang sila saka muling lumuha, bagay na niyakap nila akong muli na may kasama pang forehead kiss galing kay Aziel.
"Uy, gago! Wala yan sa pinagusapan Azi!" Hiyaw ni Cypher. Kahit kelan talaga, gagawa talaga ng way 'tong lalakeng 'to para manira ng moment. Napatawa tuloy ako.
"Uy! Ngumingiti na siya! Yieee!" Saad naman ni Chine. Mga siraulo talaga.
Maya-maya pa ay tuluyan na ngang pinatuloy ni Mama ang mga ito. Causing Cypher to yell at nakabasag pa nga ng flower vase ni mama. Palitan mo yan.
"Huy Cy! Bisita ka na nga lang dito eh, maninira ka pa ng gamit," Saway naman ni Tristina.
"Cy, pare! Palitan mo yung vase nina Dahlia! Yari ka kay tita mamaya!" Saad naman ni Francine na ikinahagalpak lang namin.
"Don't worry, ako na sasagot sa flowers," Aziel volunteered. Napa-wow naman ang mga kaibigan ko sa ginawa niya.
"Uy! Ayun oh! May supplier na pala ng flowers dito sina Dahlia oh! Ang haba talaga ng buhok ni ateng!" Comment naman ni Brianna. Ilang saglit pa ay biglang dumating si Mama.
"Ay jusko! Anong nangyari mga anak?" Tanong nito. Napakamot na lamang kami ng ulo.
"Hi po tita! Don't worry po, papalitan ko na lang po yung flowers niyo," Sabi naman ni Aziel na labis namang ikinatuwa ni Mama.
"Naku hijo! Ang bait bait mo naman, ang swerte siguro ng magiging nobya mo," Mama said habang kinikilig pa.
"Syempre naman po tita! Balak ko nga pong ligawan anak niyo eh," Aziel said, causing for me to blush and for my friends, including mama who cheered and teased me even. Gagaling talaga ng mga tactics nitong lalakeng ito eh. Dumadamoves pagdating kay mama.
"Yun oh! Mukhang may makakascore na sa harap ni tita ah! Ibang klase!" Sabi ni Tristina. Tumawa lang kaming lahat sa sinabi nito. Loka-loka talaga kahit kelan.
"Baliw, ginawa mo namang basketball match ang lovelife ng bestie natin," Cypher added na mas lalo pa naming ikinahagalpak. Mga kalokohan talaga nitong mga taong ito.
"Nagtanghalian na ba kayo mga anak?" Mama asked them. Si Cypher the walang hiya ang sumagot on their behalf.
"Saktong sakto po tita! Di pa po kami nag lunch. Sadyang right people right place talaga 'to!" Luh? Ano nanaman nakain nitong isang 'to?
"Par, di mo bahay 'to par! Distansya naman diyan!" Brianna added. Napangiti na lang ako at tumango sa sagot nito.
"Eh, matanong ko laang, sino ba itong umaaway sa anak ko?" Tanong ni Mama. Hays, ito talagang si mama, imbestigador sa lahat ng bagay.
"Ay si Krishna po," Sagot naman ni Francine. Mukhang natigilan si mama sa pagkain at bumuntong hininga.
"Si Krishna Montero ba ang tinutukoy niyo mga anak?" Tukoy naman ni mama. Tumango lang ang mga ito.
"Naku, yung mommy niyan, kung hindi ako nagkakamali, eh kaklase ko iyan nung high school," Pagkkuwento ni Mama. Nanatili naman kaming nakinig.
"Si Karen at si Kane." Paninimula ni mama. "Mabait naman talaga si Kane. Kaya lang, simula nang dumating sa buhay niya si Karen, nag-iba ang ihip ng hangin," Malungkot na kwento nito.
Ah, gets ko na kung bakit ganun ang buhay na sinapit ni Krishna. Manang-mana rin pala sa nanay niya. Alaskadora din pala. Sabi nga nila, birds of the same feather, flocks together.
"Ano po bang nangyari tita?" Pang-uusisa naman ni Cypher. Huminga muna ng malalim si mama bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ganyan na ganyan din ang ginawa ni Karen sa akin. Pinapahiya niya rin ako dati," Malungkot na sabi ni Mama. Nalungkot naman ang mga ito.
"Grabe naman po yun tita, Sana ikaw na lang naging classmate noon ni mommy," Paninimula ni Francine. " Kasi as far as I remember, naging close friends din po noon ni mommy si Tita Karen." She added. Agad lumiwanag ang mukha ni mama.
"Ah, oo. Si Frances. Mabait si Frances sa akin. Mabuti na lang at nakuha mo ang kabaitan niya anak," Saad naman ni Mama.
"Okay lang po ba kung makuha ko ang pangalan niyo tita?" She questioned, in which Mama later nodded and introduced herself to my friends.
"Tawagin niyo na lang ako bilang Tita Daniella" Pagpapakilala naman ni Mama sa kanila.
"Ang ganda rin pala ng name mo tita!" Puri naman ni Cypher in which the other found it amusing.
"Maganda rin pala ang name ng future mother-in-law ko eh. Nice to meet you in person po Tita Daniella," Saad naman ni Aziel na ikinangiti naman ni Mama.
"Grabe naman sa future mother-in-law anak. Matagal pa iyon," Aniya. "Ngunit, ikinagagalak ko rin na makilala ko ng lubusan ang manliligaw ng aking anak na si Dahlia," Mama added na ikinapula ng aking pisngi kasabay ng kanilang kantyawan sa akin.
"Yieeee! Future mother-in-law daw oh! sabi ni Tita Dani! Payag ka nun pre?" Kantyaw ni Cypher kay Aziel.
"Ayos lang 'no? I'm willing to take the risk for Dahlia. Para naman approved na ako na maging future son-in-law ni Tita Dani. Di ba po, tita?" Aziel asked as mama responded him with laughter and chuckles.
"Ay naku, tamang-tama! Gusto ko na rin ng apo! Kailan niyo ba balak simulan mga anak?" Asar naman ni mama na ikinapula lalo ng aking pisngi na sinamahan pa ng kantyawan at tawanan ng mga kaibigan ko.
Hays, Mama and her never-ending bickers about me having babies. Wag muna Ma! Magtatapos muna ako sa college bago magpakasal kay Aziel.
BINABASA MO ANG
You Are The Music In Me
RomanceMeet Dahlia Raven Ortaleza - Isang babae na nangangarap na makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad para sa mga mang-aawit at manunulat ng mga piyesa ng kanta. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagpasya itong tumigil kasabay ng kasag...