PROLOGUE

37 8 3
                                    


PROLOGUE

Aziel Jax Newton Cullen

"Pare!" Tawag sa akin ng kaibigan kong si Vladimir. Napalingon ako nang makita ko siya kasama ang iba pang kamiyembro sa banda namin - sina Landon, Trevor, at Kaisen. At ang apat na 'to, walang ginawa kundi ang magtawanan na parang akala mo wala nang bukas.

"Oh, ano ang atin? Bakit ba umaalingawngaw nanaman bunganga mo dito sa hallway? Buti di ka narinig ni Dean Naevis," Saad ko habang nakataas ang aking kilay. Sorry, allergic ako sa mga mababait eh. Plus, wala rin ako sa mood para gawin ang bagay na yun.

"Loosen up, Azi. Ano ba? Friday ngayon, kaya malaya nating magagawa ang mga bagay na gusto nating gawin sa buhay!" Sagot ni Kaizen na ikinatango ng iba kong tropa.

"Loosen up mo mukha mo! Bakit, nagawa mo na ba yung musical sheet na pinapagawa sayo ni Miss Lizzie nung nakaraan?" I asked. Ayan, tameme lolo niyo. Ang galing galing pagdating sa mga kalokohan, pero sa acads, di man lang makapagseryoso man lang ni isa. Partida, palaging bagsak sa grades, madalas pa nga, pasang-awa pa eh. Minsan pa nga dumadating ako sa point na bakit ko ba naging kaibigan ko itong mga ito?

"Azi, masyado kang tutok diyan sa acads. Chillax, mag-judge ka muna," Isa pa 'tong si Trevor. Palibhasa kasi mga mayayaman kami at lagi silang lusot sa mga gusot na nangyayari dito sa St. Amadeus University – ang school na pagmamay-ari ng aming pamilya. Kumbaga, bata palang ako, dito na ako nag aral since elementary until college.

Dad convinced me to pursue BS Civil Engineering but I chose to call it off and turn it down. Call me a nerd, but I hate that course. So I ended up pursuing BS Psychology, kahit labag pa sa loob niya. Eh sa mas gusto ko pang mag-intindi ng mga taong may saltik kesa intindihin ang conceptual framework ng mismong course na yun. Puchang gala. Saka isa pa, kahit na matalino ako, I would never do that kasi kesyo pangarap niya yun para sa akin. To hell with him and his shitty dreams.

"Wait lang Azi, bakit mo nga ba tinahak ang Psychology kesa mag civil engineering? Eh di ba pangarap yun ni Tito Achilles at Tita Janella para sayo? Sayang brod!" Pag-uusisa ni Landon. Kung nanghihinayang pala siya, edi siya na magpatuloy nun, tutal siya nakaisip ng ideyang yun. Try mo kayang tahakin ang mundong ginagalawan ko. Sinong hindi mahihirapan kung andun ka mismo?

"Landon, una sa lahat, choice ni Azi yun. Pangalawa sa lahat, wala ka naman sa lugar niya para diktahan ang gusto niyang gawin sa buhay niya eh. Lastly, anong magagawa mo kung yan yung gusto niyang tahakin sa life? Kung ayaw mo sa desisyon niya, sana respituhin mo na lang." Vladimir answered na ikinatango na lamang nito. Buti pa 'tong si Vlad, gets na gets ang sitwasyon ko. No wonder, mas close ko siya kesa sa tatlong kupal na nasa harapan ko. Landon became dead silent after niyang marinig yun.

"Uy, next class na. Tara na!" Yaya sa amin ni Trevor. Niligpit ko na ang mga gamit ko saka ako pumunta sa next class ko. Akmang uupo na sana ako nang may umupo na agad sa trono ko.

Who in god's name is she? Bulong ko sa isip ko. She has her earphones plugged in, perfectly curved body, tantalizing eyes, faded jeans, plaid polo shirt with a shirt that says "Panic! At The Disco" printed in between. Damn, she got a good taste in music. Sana wala pang boyfriend tong babaeng to.

You wish, Azi.

As I was about to get her attention, someone beat me to it.

"Hi miss, can I sit beside you?"

Pesteng buhay, kung kelan naman ako magkakaroon ng lovelife, saka pa 'to naging saling pusa. Ang sarap laslasan ng leeg tong lalakeng to. Kung makalapit naman 'tong lalakeng to, parang akala mo kung may pinagsamahan ampota. Sarap nilang ibalibag sa labas ng campus eh. Aga-aga naglalampungan ang hanep.

"Hoy," Tawag ko. Aba, walang gumagalaw. Eh kung bangasan ko kaya ang bungo ng isang 'to? Bingi ata 'tong lalakeng 'to ah. Sarap bigyan ng cotton bud stick, baka sakaling umepekto yung sigaw ko. Nakakagago.

"AMPOTA!" I yelled to catch their attention. Pucha, kailangan palang sigawan 'to araw-araw para lang lumingon.

"Hoy, sino ka bang gago ka?" Tanong ng isang uranggutan na nagtransform bilang tao.

Ha, sino ba siya sa tingin niya? Baka gusto niyang ikaladkad siya palabas ng university, wag niya akong hinahamon.

"Kanina ka pa kasi sinasaway na wag mag-ingay eh. Kinakailangan pa talagang sigawan ka para lang makuha ang atensyon mo at ng babaeng kausap mo," Saad ko. Wag niya akong subukang galitin talaga. Isang putok na lang talaga ng galit ko, ipapaexpel ko siya dito ng wala sa oras, wala na akong pake kahit na maganda pa class standing niya dito.

"Oh, Aziel Jax Newton Cullen," panimula pa ng gago. Talagang ininis pa ako sa lagay na ito eh. Nakakaputangina. Sarap butasan ng bungo sa harap ng kausap niya. Required ba na banggitin ang pangalan ko na may kasamang panununya?

"Ano? Inggit ka ba sa pangalan ko? Wait, let me translate it in English, Are you that obsessed with my name? I know, I'm famous here. First things first, nasa teritoryo kita, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo." I said, eyebrows raised high and on fleek as possible. Aga-aga, dinedemonyo na agad ng gagong to ang mood ko.

"Teritoryo mo? O baka ng mga magulang mo? Bakit? Involved ka ba nung mga panahong tinatayo pa ang St. Amadeus University? Anak ka lang ng mga may-ari, pero di naman sayo itong university na ito," He fired back.

"Oo, anak lang ako. Pero at least hindi ako ugok kagaya mo," Singhal ko. Agad niya akong kinwelyuhan. Nanghahamon pa nga ng away. Tinulak ko siya saka niya ako nilapitan ulit para bugbugin. As I was about to fight back, nakita ako nina Dean Sirius, kasama si Dean Naevis at ang mga ibang faculty and staffs.

"What's this commotion all about?" Umalingawngaw na tinig ni Dean Naevis. Nakakiritang araw, bakit pa kasi sa lahat ng eskwelahan na pwede niyang pag-enrolan, bakit dito pa? Ang dami daming eskwelahan na malalapit at pwedeng pag-aralan eh, bakit dito pa?

"Dean," I cleared my throat. "Ito kasing new student niyo, nakikipagharutan tapos nung sinaway ko, di nakikinig," Depensa ko. I saw horror, confusion, and shock written through his face. Ano? Di ka makapalag 'no?

"Is that true, Mr. Vasquez?" Dean Naevis interrogated him. He cleared his throat before answering her question.

"Wala naman talaga akong ginagawa Dean," He began. "Nag-uusap lang naman kami ng best friend ko when this fucker showed up out of nowhere,"

"Showed up out of nowhere? Bakit? Bawal na ba kayong sawayin? Parang wala kang proper decorum ah!" Sigaw ko.

"Mr. Cullen!" Dean Sirius stopped me in dead tracks. Tangina kasi nitong lalakeng to eh. Sarap ipatapon sa planeta ng mga unggoy, tutal kalahi niya yung mga yun.

"You two, in my office immediately!" Dean Sirius added. Kasalanan kasi ng gagong 'to kung bakit nagiging miserable ang buhay ko dito sa SAU eh. Bwisit na buhay 'to!

Akala naman niya siguro mauungasan niya ako? Scholar lang siya, pero ako pa rin ang may-ari nitong eskwelahan na ito.

No one messes with Aziel Jax Newton Cullen. I repeat, no one. Dare to mess up with me or any of my family and friends, I'll bury you alive in the fiery pits of hell. Mark my goddamn words.

You Are The Music In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon