Valentine
"Alam mo? Pafall ka!" Sabi ko kay Aziel. Ngumiti lang ito.
Ano nanaman kaya nakain niya sa mga oras na ito? Nilalanggam na ako sa mga salitang binibitawan niya ha.
"Is there any reason for me not to fall in love with a girl like you, Ms. Dahlia Raven Tejada Ortaleza?" He asked. Moments later, I saw him kneeling in front of me. Luh, ano nanaman kaya nakain ng isang ito?
Maya maya pa ay biglang dumating sina Cypher na may dalang banner, cake at flowers. For sure, si Aziel nanaman ang may pakana ng lahat ng ito.
"Dahlia," Aziel called me. I only hummed in response.
"Hm. Bakit?"
"Check the time," He instructed na agad ko namang sinunod. I looked at the timestamp on my phone that says, February 14,2025, 11:11 am
"Done checking my phone na. Next step please," I commanded in which he obliged. He held my hand, with a box that has a promise ring inside.
"Miss Dahlia Raven Tejada Ortaleza, will you make me the happiest man on earth, and be my Valentine?" Tanong niya na ikinatili ng lahat. Namula naman ang aking magkabilang pisngi. Napuno naman ng cheers and yells ang room namin,
"Yes, Mr. Aziel Jax Newton Cullen. I will be very honored to be your lovely Valentine," I responded to which my friends threw lots of colorful confetti all around us.
"OMG! Bagay sila ni Aziel!" Sigaw naman ng iba naming classmates sa room. At si Aziel? Ayun, nagbigay pa nga ng kiss sa noo. How did I even get so lucky to be with him?
Maybe this will be the happiest time forever in my life. Like, one of the best thing that has ever happened to me.
At kung may natutuwa sa set-up namin, may kontrabida ulit. Agad kong nakita si Krishna na may hawak na patalim. Valentine's na valentine's ang peg ng lahat dito eh. Siya lang 'tong bitter palagi. Ampalaya with eggs siguro breakfast nito. At teka nga, bakit may patalim siyang hawak? Di ba bawal yan sa loob ng university campus?
"Wag kayong lalapit! Papatayin ko 'tong si Ortaleza sa harap niyo! Inaagaw niya sa akin ang lahat! Pati ba naman ang lovelife ko?!" Hiyaw niya. Akmang sasaksakin na ako ni Krishna nang batuhin siya ng itlog ng mga estudyante.
"Amputa! Bakit ka ba naninira ng relasyon ng iba?! Bakit di mo na lang ipirmi ang itlog mo sa isang tabi?!" Sigaw ng isang estudyante. Agad akong inalalayan ni Aziel at ikinulong niya ako sa kanyang bisig bilang suporta sa pang-aatake sa akin.
Nagpupuyos na sa galit si Krishna nang bigla siyang magwala.
"BAKIT BA ANG DALI DALI LANG PARA SAYO NA KUNIN ANG LAHAT NG MERON AKO? ANO BANG MERON SAYO NA WALA SA AKIN? BAKIT DAHLIA? BAKIT?" Umiiyak na tanong nito sa akin. Sasagutin ko na sana siya nang biglang dumating si Professor Naevis.
"Ano nanaman ang pumapasok sa kokote mo at nagkakaganyan ka nanaman Miss Montero? Nababaliw ka nanaman ba? Ano bang problema mo? Bakit ba hindi nag iimprove yang pag-uugali mo? Ganyan ba ang turo sayo ng mga magulang mo? Ganyan ba ang nakikita mo sa mga pinapanood mo sa Netflix, ha?" Galit na tanong nito.
Napahagulgol naman ito.
"Oo nga Prof! Parang kulang naman ata yan sa aruga yang si Montero. Palibhasa kasi spoiled brat na wala naman sa lugar. Tapos prof, bakit parang may mali po? Bakit may hawak siyang patalim?" Pagtataka naman ng isang estudyante na siyan namang ikinakunot ng noo nito.
"Ano? May dala kang patalim Miss Montero?!" Gulat na sigaw pa ni Prof na agad namang ikinatalim ng tingin nito.
"Di ko po kasi kaya yung sakit nun sa puso ko. Nadala lang po ako sa emosyon ko—" Agad pinutol ni Prof Naevis ang salita nito.
"Ano kamo? Nadala ka lang sa emosyon mo kaya mo ba balak patayin si Miss Ortaleza? Alam mo ba kung anong pumapasok diyan sa kokote mo, Krishna? Hindi ka naman dati ganito noon eh. Ewan ko ba sayo, kung bakit ka nagkakaganyan noon. Sa tingin mo ba, may mapapala ka kung papatalsikin natin dito sa university si Dahlia?" Galit na tugon ni Professor Naevis.
"Let me remind you this for the millionth time around Krishna Chelle, this isn't the first time na ginanto mo si Dahlia. Andami ko nang narerecieve na report tungkol sayo about assaulting, accusing, and defaming. You even threatened her to assassinate her in front of the crowd?! How fucking embarrassing!" Bulyaw pa nito. Nakita ko na lang na lumuhod si Krishna sa harapan nito.
"Professor," She began, "Patawarin niyo po ako, Di ko naman po alam na hahantong sa lahat ng mga ito—" She cut her off.
"And ano pa itong mga nalalaman ko sa mga kaibigan ni Dahlia tungkol sayo na halos dungisan mo ang buong pagkatao niya?! Sagutin mo ang tanong ko, Krishna. Sagutin mo!" Bulyaw niya. Dumating naman ang ibang mga kasamahan niyang professor.
"What's happening here? What's this commotion again?" Tanong ni Dean Sirius. Ngumisi si Professor Naevis.
"Dean Sirius! Good thing, you're just in time. Tignan mo naman kung ano ang pinaggagagawa ng mabait mong estudyante dito. Gumagawa nanaman ng kabalastugan dito sa loob ng University campus. At ang siste, nanghamon pa na papatayin si Miss Ortaleza!" Pag-amin naman ni Professor Naevis.
Napahilot naman si Dean Sirius sa kanyang sentido.
"Grabe, grabe. Miss Montero. Or should I say – Krishna in other words, is this how you gain friends? By seeking attention just to be liked and loved by everybody? Tama nga si Aziel, masyado kang kulang sa aruga. Effectively today, you're dismissed in this university!" Paghahatol naman sa kanya ni Dean Sirius. Agad namang tumulo ang luha nito kasabay ng kanyang paghagulgol.
"Dean," She began. "Di ko naman po sinasadya na ganito magiging kahihinatnan ang lahat ng ito. Baka po bigyan niyo pa po ako ng isa pang chance na makapagaral pa po dito," She continued.
But it seems like Dean Sirius didn't like the choice of her words. She only pierced her cold eyes, indicating that she looks bored and disinterested with her choice.
"Please. Hangga't hindi pa nauubos ng tuluyan ang pasensya ko, Krishna. Umalis ka na. From now on, you are officially expelled from this University and banned from enrolling here ever again!" She stated forcefully.
And with that, Krishna immediately walked away. Nag-uusap usap naman ang mga deans.
"What should we do next?" Dean Zephyrus asked. Nagbuntong hininga naman si Dean Sirius.
"I'll make sure that she will be banned from entering nor enrolling this campus. Mark my words," Dean Sirius ordered, saka pumunta sa kanyang desktop upang tanggalin ang pangalan ni Krishna sa kanilang system.
Kapalit ng mga happenings na nangyari sa Valentine's Day Celebration, ay ang tuluyang pagkawala ni Krishna sa University.
BINABASA MO ANG
You Are The Music In Me
RomanceMeet Dahlia Raven Ortaleza - Isang babae na nangangarap na makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad para sa mga mang-aawit at manunulat ng mga piyesa ng kanta. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagpasya itong tumigil kasabay ng kasag...