CHAPTER 7

12 1 0
                                    


Past Lovers

"Ma? Anong meron sa inyo ni Tito Kane?" Tanong ko kay Mama habang pababa ng kwarto the next day. Nakakaloka naman kasi. Bumuntong-hininga naman si Mama sa akin bago siya nagsalita.

"Childhood sweetheart ko kasi siya anak," Tugon nito. Wait lang, may nililihim ba sa akin si mama?

"Mama, may tinatago ka ba sa akin?" Tanong ko. Hindi naman nakaligtas ang tingin ni mama sa akin ng may pagtataka.

"A-anak kasi—" I cut her off. Bakit di na lang niya sabihin sa akin ang totoong namamagitan sa kanila ni Tito Kane?

"Ma, please. Sabihin mo na ang totoo," Pagsusumamo ko. Mukhang di na alam ni Mama ang gagawin. Kahit siya mismo, di niya maamin na mahal pa rin nito si Tito Kane.

"Anak, ang totoo niyan kasi... Siya yung first love ko." Paninimula nito. Nakinig lang ako bilang tugon.

"Weh? Di nga? Paano mo ba siya nakilala Ma?" Tanong ko.

"Nagkakilala kami ni Kane sa Music class. Tumutugtog kasi ng gitara yun," Paninimula niya. Ah, so about music pala ang love story nina Mama. Nakakakilig naman kung ganun.

"Eh, paano ka nakapunta dun sa music class na sinasabi mo?" Pang-uusisa ko. Huminga siya ng malalim.

"Scholar kasi ako anak. Dahil mahirap lang si Mama at di kami kayang pag-aralin ng Lolo't lola mo, nagpasya ako na lumuwas ng Maynila at dun ko na ipinagpatuloy ang pag-aaral ko." Kwento niya.

"At sa Maynila ko lang nararanasan ang totoong kalayaan, yung para bang isang ibon na nakawala sa hawla pagkatapos ng isang linggo? Ganun." Saad ni mama.

"Eh, ano ang connection niyo between you and Tito Kane?" Pang-uusisa kong muli.

"Music. Musika ang naging dahilan kung bakit kami pinagtagpo. Siya rin ang rason kung bakit ako nagpapatuloy sa buhay," Pagdedetalye pa nito.

"Eh, Mama, ano yung reaksyon ng grandparents ko nung ipinakilala ka ni Tito Kane?" Tanong ko.

"Mabait si Don Kendrick, samantalang hindi naman boto sa akin si Donya Karina," Malungkot na saad ni Mama. Bakit kaya?

"Bakit di ka tanggap ni Donya Karina—teka sino po ba si Donya Karina, mama?" Tanong kong muli.

"Siya ang mommy ni Kane anak. Mas boto pa siya kay Karen. Natatandaan ko pa nga kung gaano ako kamuhian. Mas botong- boto siya kay Karen kasi kesyo magkasing-tunog daw sila ng pangalan," Luh, grabe naman yun. Porket ba magkapangalan sila, yun ang pipiliin niya. Ang choosy naman ng matandang yun. Baka nga masa maganda pa pangalan ni Mama kesa sa kanya eh. Daniella ba naman ang first name? Oh, ano say niyo diyan?

"Pfft. Siguro galing sa mayaman na pamilya yun," Saad ko. Tumango si mama.

"Oo. Unica hija rin yun eh. Lahat ng luho kailangan dapat meron siya. Naalala ko pa nga noon, Galit na galit sa kanya si Frances at Tiffany sa kanya eh," Saad ni Mama.

Frances? Tiffany? Wait.. parang familiar.

"Mama? Ibig sabihin ba nun—"

"Oo anak, tama ang narinig mo. Best friends ko si Frances at Tiffany, ang mommy nina Francine at Tristina," Wow, unexpected revelation yun galing kay Mama. Di ko yun ineexpect na marinig yun galing sa kanya.

"Grabe yung friendship niyo ma! Siguro squad goals rin kayo noon," Sabi ko na siyang ikinangiti naman ni Mama.

"Kami pa ba, anak? Syempre solid yun! Ay speaking of which anak, nag text sa akin si Tiffany," Saad ni Mama at tuluyan ngang nagchat sa best friend niya.

You Are The Music In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon