CHAPTER 13

7 1 0
                                    


Reunited

"Matanong ko lang," Don—este Lola Kehlani asked Mama. Mama just gulped.

"Bakit ganoon na lang ang trato sa inyo ni Karen at Krishna?" Huminga muna sandali si Mama bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Naku po, kung alam niyo lang kung ano ang pinaggagawa ng mga iyan sa amin ng anak ko. Masyado silang mga kulang sa pansin at gusto nila nakatuon ang atensyon nila sa harap ng mga tao," Nakabusanagot na tugon ni Mama. Napahagalpak sa tawa si Lola.

"Hay, jusko talaga iyang si Karen kahit kailan, palaging bida-bida sa kahit ano. Umeeksena sa kahit anong bagay," Pang-aasar ni Lola. Tumango lang si Mama na may kauting ngiti.

"That's true Ma. Honestly, I don't know what's going on into their heads at bigla bigla na lang silang susugod ng anak niya," Saad ni Mama habang hinihilot ang kanyang sentido.

"Buti na lang talaga at ikaw ang pinili ng anak ko! Hays, di ko alam ang magiging buhay ni Kane kapag pinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon sa Karen na iyon. Di ko halos maimagine," Nandidiring tugon ni Lola. May taste rin pala si Lola eh.

"Kaso nga po, yung step mom lang po kasi ni Kane yung problema," Malungkot na tugon ni Mama. Agad namin siyang inalo.

"Hija, don't look back no more. Tapos na iyon. Kami na ang bahala sa maari naming gawin sa mga pesteng Montero na iyon," Saad naman ni Lola na ikinatango lang namin,

"Eh, Lola, ano na po ba ang maari niyong gawin sa kanila?" Pagtatanong ko.

"Well, apo. First of all, balak ko silang kasuhan at patawan na rin ng parusa. I want them to learn their lesson and make them taste of their own medicine. Hindi pa ako tapos pahirapan ang mga lecheng Montero na iyan," Galit na sagot ni Lola. Don't tell me..

"Wait lang lola, don't tell me—" Lola Kehlani cut me off. Mukhang alam na niya ang gusto kong sabihin.

"Kung ano man yang nasa isip mo, tama ka. Isa akong presiding judge ng Criminal Case Law Court. Kating kati ako na ipasok sa kulungan ang mga taong iyan," Nanggagalaiting sagot sa akin ni Lola. Well, di ko siya masisisi. Saka karapatan din naman namin yun dahil kami ang first family ni Papa.

"May laban kayo, kayo ang first family. They should be at least aware of that," Lola explained.

"Pero paano po Lola? Eh alam niyo naman pong wala kaming kalaban-laban dun ni Mama. Saka isa pa, galing sa isang prestihyosong pamilya si Krishna," I explained further. Umiling-iling lang ito.

"Are you sure about that apo? Kahit ipagkalat pa niya na siya ang unang apo, hinding-hindi ko sila uurungan. I hope they won't try to test my patience dahil kung hindi, isiswalat ko mismo sa korte ang mga kagagahan nilang mag-ina. Mark my words hija." Lola warned me.

"I have lots of evidences apo. Ultimo simula't sapul pa lang. Alam na alam ko na ang totoong pakay ni Karen. Ang kunin ang lahat ng mana ng daddy mo at ipupunta sa pangalan niya para ipasa kay Krishna when she gets older," Mariin na tugon ni Lola.

Mana? So, ibig sabihin may habol pa sina Krishna sa totoong tatay ko?

"Edi ano na ang balak mo Mama?" Mama asked her. Huminga ito ng malalim.

"May hinanda akong kagimbal-gimbal na supresa para sa kanila. Sisiguraduhin kong may kalalagyan din sina Karen at Krishna. Watch me, dear." Saad ni Lola. Ibang klase rin 'tong si lola eh. May pa-cliffhanger pa nga.

Pero teka, ano kaya yung supresa na tintukoy ni Lola? Curious ako dun sa part na iyon.

"Anong surpresa po, Lola?" Tanong ko. Ngumiti ito sa akin.

"Sa mismong party mo na malalaman apo. Truth will set us free soon. And I can't give you any more clues at this point. Si Lola na ang bahala." Sabi pa nito sa akin saka ko siya niyakap.

"Ma," Tawag ni Tit—este ni Dad. Sinabihan pala ako ni Lola na kailangan kong masanay na tawagin ng Mommy at Daddy ang mga parents ko.

"Anak, matulog ka na muna. Alam kong drained na drained ka na sa mga pangyayari," Mama—este Mommy instructed me.

"Yes po, mommy." I say as I head upstairs. Hays, kailangan ko na atang sanayin ang sarili ko na tawagin sila sa ganung paraan. Maya maya pa ay nakatanggap ako ng message mula kay Aziel.

From Aziel:

Hey! Long time no talk! How are you doing?

Napangiti naman ako nang bigla siyang mag-message sa akin. It's been awhile since the incident. Agad akong nag-tipa ng message.

To Aziel:

Ito. Nag-aadjust sa mga nangyayari. Ang tagal mo naman yatang hindi nagpakita sa akin ha. May kasalanan ka no?

Reply ko sa kanya. Moments later, biglang nag-off ang notifications ko at biglang tumambad ang kanyang reply. Ano nanaman kaya ang isasagot saken ng isang 'to?

Pagkaraan ng isang oras ay nakatanggap ako.

Aziel reacted like on your message

Aba't tignan mo nga naman itong isang 'to. Ang dami ng sinabi ko sa kanya pero tanging like emoji lang ang natanggap ko sa end ko. Ayos rin 'tong isang 'to ah! Dinadaan daan na lang niya ako sa like emoji. Maya-maya pa'y nag-reply ito.

From Aziel:

Ito naman. Ehe, Siyempre namiss ko rin ang girlfriend ko 'no? Wait, asan ka ba ngayon?

Naks. Concerned citizen na rin pala ngayon ang peg ng boyfriend ko. Ang angas mo naman lods! Mukhang nagpapalakas yata saken 'tong prinsipe ko.

To Aziel:

Uy parang may iba ah. Anong kinain mo't parang nagpapalambing ka na saken ngayon ha, Mr. Cullen?

Tinawanan lang ako. Tama ba 'yun? Tatawanan na lang ako? Maya-maya pa ay bigla siyang tumawag sa end ko.

"Oh, bakit?" Bungad ko. Tumawa lang ito.

"Grabe naman yang bungad mo. Is that how you properly greet your boyfriend?" Asik niya sa akin. Nakabusangot lang ako.

"Kasi naman eh. Bigla bigla ka na lang kasi nagtetext out of the blue eh. Pag ako inatake sa puso," He chuckled on the other line.

"Hindi ba pwedeng namiss lang kita kasi di ka na bumibisita sa gc? Saka ever since na nawala si Krishna, di ka na rin namamansin. Love, may problema ba tayo?" He further added. Napalunok na lang ako sa mga sinabi nito. Paano ko ba sasabihin sa kanya na may nangyaring hidwaan sa amin between Tita Karen and Mama?

"Ah, kasi," Naputol na ang sasabihin ko kasi tinatawag na ako ni Lola para kumain.

"Hija, kumain na muna tayo. Mamaya na iyan," Utos sa akin ni Lola na agad ko namang sinunod.

"Uh, Azi? Pwedeng sabihin ko na lang ulit sayo next time? Medyo busy kasi kami ngayon eh. Saka isa pa, tinatawag na ako ni Lola na kumain muna ng dinner." Saad ko na agad naman niyang naintindihan.

"Okay, sige. I'll let this one slide muna. But, don't forget to share that with me one of these days whenever you're available, okay? I love you," Bilin nito.

"Will do! I love you too!" Tugon ko, saka ko na pinatay ang tawag.

Ano kaya ang maaring reaksyon ni Aziel kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo? Maniniwala kaya siya sa mga sasabihin ko?  

You Are The Music In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon