Bickers
"Asar-talo ka pala love eh," Saad ni Aziel. Nagtiliian naman ang mga kaibigan ko.
"Shuta, lumelevel up na sila," Francine noticed.
"May tawagan pa nga," Cypher added. Itong mga to talaga. Kahit kailan talaga 'tong mga 'to. Puro love team ang inaatupag.
"Malas niyo lang, sila may bebe time, kayo wala," Dugtong pa ni Brianna.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanila. Tumawa lang ang mga ito. Kala naman ng mga 'to talaga, mga feel at home ang hanep.
"Babycakes," Tawag ni Aziel sa akin. Biglang nagslow-mo ang oras nang ako'y lumingon. Shucks! Para akong nasa K-drama. Lumilingon pag nakikita si crush.
"Uy, babycakes daw oh! Sabihin mo, yes daddycakes," Mukhang tukmol na sagot ni Cypher. Kahit kelan talaga tong lalakeng 'to. Di na ako magtataka kung bakit CD initials nito, sarap niyang i-burn.
"Cypher," Tawag ni Tristina. Lumingon ito.
"Bakit?"
"May kulangot ka sa ilong mo," Saad niya saka kumuha ng tissue at pinahid sa ilong nito. Grabeng love story ng mga ito! Nagsimula sa pangungulangot! Ibang klase!
Minsan napapatanong ako, Kaninong story ba 'to? Sa akin or sa kanila? Mga dakilang epal ng taon eh!
"Baka nakakalimutan niyong side characters lang tayo sa love story ni Dahlia at Aziel ha. Distansya lang please. Distansya lang," Sabi naman ni Francine. Oo nga naman kasi beh, distansya lang po sa baby ko please.
"Paano kami didistansya? Eh kitang naddistract ako sa kagwapuhan ni Aziel eh," Sagot naman ni Cypher. Luh? Teh? Kakasabi lang eh.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagpasya na silang umuwi.
"Uh, Lia una na kami ha, tumatawag kasi si mommy," Sabi ni Francine. Ngumiti naman ako kahit papaano kasi ngayon ko lang naexperience yung ganitong feeling.
"Oo nga beh. Sasabay na rin kami kay Chine. Kitakits na lang bukas sa school ha!" Saad naman ni Cypher. Tumango lang ako bilang tugon.
Just as I was about to speak, Aziel cut me off. Wow, parang V-cut lang ah. De joke.
"I hope you had fun today love. I'm glad that I was able to put a smile on your face. I just hate to see you frowning every time. Ihahatid ko na sila okay para bawas sa pamasahe nila," He said as he planted a kiss to my forehead. At ang mga tropa ko? Ayun, parang nakawala sa zoo dahil sa sobrang hiyawan at tiliian.
"Ate ko! Bakit kasing-haba na ng Nile river ang buhok mo? Ang bonggacious ha!" Cypher taunted which made me crack up. Panira talaga ng moment ang mga 'to eh.
"Alam mo beh? Inggit ka lang," Asar ni Francine. Ngumiwi ito.
"Yuck, I better not!" Sagot naman nito.
Just as they were about to step out the gate, dumating ang mahaderang palaka na si Krishna.
"Oops, did I show up at a wrong time? Pinapasundo kasi ni Tita si Aziel," Saad nito. Wow, feeling girlfriend yan?
"Ikaw nanaman Miss Sanskrit? Tangina mo naman," Sigaw ni Brianna. Ngumisi lang ito.
"Please excuse me, susunduin ko lang boyfriend ko," Sagot pa nito na ikinabwisit pa lalo nina Brianna.
Just as I was about to speak up, Aziel beats me to it.
"Ano nanaman ba kailangan mo? At paano mo nalaman ang bahay nina Dahlia?" Tanong nito. Tumawa lang si Krishna.
BINABASA MO ANG
You Are The Music In Me
RomanceMeet Dahlia Raven Ortaleza - Isang babae na nangangarap na makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad para sa mga mang-aawit at manunulat ng mga piyesa ng kanta. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagpasya itong tumigil kasabay ng kasag...