Meet Up
"DAMN!" Hiyaw ni Cypher. "Pangalan pa lang, nakakalaglag panty na agad!" Oh please, baka pwedeng pakiaalala sa akin kung bakit ko pa naging kaibigan ito? Kala mo naman kung sino nang nakakita ng buhay na nilalang? Hello! Paki-kalma naman yung puso natin diyan ano?
"Ano ba Vasquez! Pwede ba paki-minimize naman yung volume ng boses mo? Parang akala mo naman nagcacamping ka sa bundok tapos sisigaw-sigaw ka pa diyan," Saway naman ni Francine sa kanya.
"Ate girl naman kasi! Una sa lahat, kapag nakikita ko yung anak ng may-ari ng eskwelahan na ito, ang dami nang pumipila. Aber? Ang daming naka-line up!" Anong line-up nanaman 'tong tinutukoy nito ni bading?
"Anong line-up ka diyan? Like anong klaseng line-up ba 'yang tinutukoy mo?" Sabat naman ni Brianna.
"Line-up like sa K-pop ganun! Like for example, mag-dedebut sila right after the survival show, ganun!" Explain naman ni Cypher.
"Ha? Gaga! Maling explanation naman yang sinasabi mo eh." Saad ko. "Baka ang ibig mong sabihin, line-up na maraming magkakandarapa na chix ganun!" Napaawang naman ang mukha nito. Ayan! K-pop pa more.
"Ay shit! Sorry naman ano? Malay ko ba kung tama pa ba yung mga pinagsasabi ko or what?" Cypher fired back. Hays, good luck na lang sa utak mong expired.
After ilang oras lang ay pinatawag kaming lahat sa auditorium. Wait... bakit kami pupunta sa auditorium sa mga oras na ito?
To : Ms, Dahlia Raven Tejada Ortaleza,
- Meet me at the back, lunch time.
See you my princess.
: AJNC
Wait lang, anong kalokohan nanaman ang gagawin nito ni Cullen? Bwisit naman na buhay ito! Nakakalesheng ina talaga kahit kailan.
Agad kong sinara ang papel bago pa man nila ako tawagin. Nang macheck ko na ang lahat ng aking mga gamit. Tumungo na ako sa next class ko.
THEATER LAB
"Congratulations Ms. Ortaleza! Ikaw ang highest sa quiz natin today" Anunsyo sa akin ng teacher namin sa Shakespearean History. Kung makapuri naman sa akin 'to si ma'am, kala mo naman close kami. After ng class ko ay saktong lunch na, kaya nagpasya si Cypher na manlibre ng makakain namin. As I was about to go to our usual seat, biglang nag ring ang phone ko.
"Oh, ano nanaman problema mo?" Asik ko. Nakikipaggaguhan ata itong caller na ito ah. Walang nasagot ampota. Bababaan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita.
"Nakakatampo ka naman Lia," Aziel chuckled on the other line. Sa mga oras na ito, gusto ko na siyang tadtadtarin ng sampal sa mukha. Nakakatangina talaga.
"Alam mo Azi, kung makikipaggaguhan ka lang din naman, wag ako. Pwedeng sa iba na lang? Wala akong panahon sa mga gagong kagaya mo," Walang gana kong sagot.
"Ah-huh! So, you're calling me Azi now, huh? Interesting!" He said. Kung nakikita ko lang siguro pagmumukha nitong gagong 'to, handa akong makipag-basag ulo, as long as siya yung target ko.
"Pwede ba, kung manggagago ka lang din naman, please lang Azi. Wag ako. Gaguhin mo na ang lahat ng tao dito sa uni, wag lang ako." Sabi ko. He cleared his throat as he spoke.
"Look, I sincerely apologize Dahlia. I didn't mean to play pranks on you or anything. If you want, I'll treat you some—" Anong treat? Like, anong klaseng treat nanaman ba ang nasa isip nito? Keratin treatment? ice cream date treatment? Or princess treatment?
"Please, kung wala ka nang sasabihing matino, I'll end this call up." I say as he exhaled slowly.
"Okay, fine. Just meet me tomorrow at the school pavilion, 10 am sharp," He commanded. Aba't kung makautos naman itong isang ito, kala mo naman kung sinong nagbabayad ng bills ko. Pero at the same time napaisip ako, ano nanaman ang tumatakbo sa isip nitong si Cullen?
"Oo na! Kala mo naman tatakasan kita? In you dreams handsome!" Saad ko. Kaso, huli na nang marealize ko kung ano ang nasabi ko sa kanya.
Did I just call him handsome? Aish! Tangina! Napaka-fucker talaga ni tadhana oh! Bakit sa dinami-dami kong pwedeng banggitin, bakit yung handsome pa? Hays, bullshit of all bullshits talaga, oo!
"Did you just called me handsome, my lady?" Aziel asked on the other line. My lady? Pucha, di naman ako taga Buckingham palace para tawagin ako sa ganung paraan. Saka isa pa, di ako prinsesa na nakatira sa London 'no?
"Forget it. Nadulas lang ako," Saad ko. He's not satisfied with my answer. Hays, hanggang kelan ba niya ako titigilan kakatanong sa mga bagay-bagay?
"It seems like you aren't," He added. Tignan mo 'tong lalakeng 'to. Lahat na lang ng sasabihin ko, laging may sagot, lahat ng napapansin niya may butas. Kelan pa naging panelist ng thesis 'to?
"Hoy! Una sa lahat, di ako student researcher mo! Kaya tigil-tigilan mo ang paghahanap sa akin ng butas, kasi let me tell you, wala tayo sa computer lab para mag present ng thesis defense title!" Sigaw ko. He only chuckled.
Nakakainis talaga 'tong lalakeng ito! Napaka bida bida kahit kelan.
"Basta, see you, okay? Dress comfortably, may pupuntahan tayo," Hala! Grabe namam yun! May paganun pa talaga? Binabaan ko nga siya. Bahala siya diyan sa buhay niya.
"Uy, beks! Ano chika?" Tanong ni Cypher. Itong lalakeng 'to, gorang gora sa chismis, basta pag tungkol sa mga lalake eh.
"Huh? Ah, ano.. Nagyayaya lang makipagdate sa akin yung tukmol na 'yun," Saad ko while sipping Iced Chai Latte.
"Ay oh! Lumelevel up na ang beauty natin, ateng ha! I like it!" Sabat naman ni Francine. I only flipped my hair as my answer to their compliments. Napatawa lang ang mga ito.
"Uy, ano ba kayo! Parang kayo hindi na dadating sa stage nayan ah!" Brianna commented. May point nga naman si Brianna. Parang mga timang talaga.
"Ah, basta! Ako? Ilalayag ko ang bandera ng ship ko!" Sagot ni Cypher sabay tawa at nakipag-apir pa nga kay Brianna. Mga loka loka talaga.
"Hays, ewan ko sa inyo!" Saad ko.
Kumain na lang kami ng lunch time at habang kumakain, ay may natanggap akong text mula sa isang unknown number.
To: Unknown Number:
Having fun, Ortaleza? You can have anything you want, but you can't have him. He's all damn mine. You only have two options: it's either you stay away from him, or I'll tell the whole SLU community that you're hooking up with Aziel Jax Cullen.
I'm giving you three days to stay away from him.
Who's this person behind that message? At bakit siya humahadlang sa mga gusto kong mangyari?
BINABASA MO ANG
You Are The Music In Me
RomanceMeet Dahlia Raven Ortaleza - Isang babae na nangangarap na makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad para sa mga mang-aawit at manunulat ng mga piyesa ng kanta. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagpasya itong tumigil kasabay ng kasag...