CHAPTER 9

8 1 0
                                    


School Laws

Andaming nangyari magmula nang sirain ni Krishna ang Valentine's Day Celebration event kahapon. Papunta na sana ako sa classroom nang biglang sumulpot si Brianna.

"Uy, Ayos ka lang ba, Lia?" She asked. Minsan, gusto ko ring tanungin sa sarili ko ang mga tanong niya sa akin. Masyadong pre-occupied pa ang utak ko dahil sa mga happenings na nangyari kahapon.

Di ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo, Brianna. Pagod na ako.

"Earth to Lia! Okay ka lang ba?" Pakiramdam ko, parang umiikot ang paningin ko. Ilang saglit pa ay biglang dumilim ang paligid ko, kasabay ng mga tawag sa akin ni Brianna na mukhang humihingi ng tulong.

Moments later, I found myself in a room full of white lights, scents of medicine.

Medicine...

Hala! Nasa clinic na ako? How the hell did I ended up here? Sino nagbuhat sa akin papunta dito?

"Uy gago, seryoso ka ba?" Naririnig ko na may nag-uusap sa gilid. Teka.. kaninong boses yun? At saan naman galing?

"Oo. To be honest, kinamusta ko lang naman si Dahlia kasi pinuntahan ko siya sa room at base sa emosyon niya ngayon, Mukhang pagod na siya sa mga nangyayari," Brianna answered.

"Tangina naman kasi nung bruhang 'yun eh! Di naman malalagay sa ganitong sitwasyon si Lia kung hindi dahil sa gagang 'yun eh!" Saad naman ng isang boses.

Ang natatandaan ko lang ay si Brianna. Di kaya si Cypher at Francine yung mga kausap niya?

Agad naman akong napabalikwas ng higaan ko, dahilan upang maagaw ko ang atensyon ng tatlo.


"Oh, Dahlia, dahan dahan lang," Brianna instructed. Agad naman akong sumunod sa utos nito. Bahagya akong napatingin sa promise ring na ibinigay sa akin kahapon ni Aziel. Isang rose gold diamond ring. Tinitigan ko lang ito ng mabuti.

"Uy, best highlight ng Valentine's Day, oh! Pak! San ka naman diyan teh!" Sabi ni Francine. Tinawanan ko lang siya.

"Eh di ikaw na may promise ring!" Saad naman ni Cypher. Sus, bitter ka lang eh. Tinawanan lang namin siya.

"Wag kasi puro ampalaya ang kainin ha. Dapat mag strawberries at chocolates ka rin nang tumamis naman yang attitude mo!" Dagdag naman ni Francine sa kanya. Ngumuso lang ito.

"Oo na, oo na! Di na ako maguulam nun! Last na yun promise!" Cypher groaned in annoyance.

"Promise? Wala nang bawiian yan?" Tanong ni Chine

"Oo nga,"

"Okay goods," Pagtatapos naman ni Brianna.

"Uy change topic!" Sabi naman ni Tristina. Wow, good mood ata tong isang to. Sana maganda ang sasabihin niya.

"Fire away mare, ano yun?" Brianna asked gleefully. Grabe rin ang energy level ng isang 'to.

Bumuntong hininga lang ito. Something's wrong with that exhalation of her breath.

"Parang ayoko na umattend sa mga events sa SLU," Pahiwatig niya. Tumango kami sa sinabi nito.

"I totally agree! I mean tignan mo naman yung nangyari sa kaibigan natin kung hindi dahil sa gagang yun, Bida bida kasi ang hayop," Brianna agreed to her choice. Kahit sino naman eh. Like hello? Sinong hindi matatrauma sa nangyari sa Halloween event di ba?

"Same here! " Cypher even agreed to her suggestion. Tinignan nila ako at mukhang naghihintay na lang sila sa confirmation ko if I'll agree or not. I mean, tinatanong pa ba yan? Syempre 100% agree na hindi na ako pupunta sa mga ganung events 'no?

You Are The Music In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon