Shattered
I felt sad.
Di ko alam kung ano ang dahilan pero parang may mali. Tinignan ko lang ang mga kaibigan ko. Agad naman nila akong niyakap.
"Uy, Okay ka lang ba, Lia?" Francine asked me. Tumango lang ako saka tinignan ko ang ice cream na natunaw na at halos di ko na makain.
"Anong problema?" Aziel asked me. Napailing ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya na may napaginipan ako tungkol kay Krishna?
"Wala, may naalala lang ako. Wait, kailan nga ulit yung Music Awards Night?" Tanong ko.
"Sa December 24 love, bakit?" He answered. Puro naman kasi ako kaputanginahan lately eh, Ayan tuloy bangag ako kakaisip.
"Ha? Bakit ang tagal naman ng Music Awards Night?" Pagtataka ni Cypher.
"Kasi di ba nga napostpone lahat ng mga school activities dito dahil sa isang insidente?" Francine answered him.
Wait..
Insidente?
Anong insidente naman yun? Saka ha? Insidente?
"Di ba? Naalala mo ba? Yung pinaggagagawa ng deputa na yun sayo?" Saad naman ni Brianna na agad ko namang ikinatango. Like, hello? Sino ba namang hindi makakalimot dun?
Yung party,
Yung mga tao sa paligid ko,
Itlog na pinagbabato,
Si Krishna...
Holy shit...
Agad akong napatayo nang mapansin nila na umiiba na ang kinikilos ko. Halos di ko na nga silang magawang lingunin pa dahil nga masyadong pre-occupied ang utak ko.
"Uy, Lia!" Tawag nilang lahat sa akin. Halos gustuhin ko nang mag-skip sa lahat ng class ko at hindi na bumalik pa dahil nga sa mga maaring mangyari sa Music Awards Night. Punong-puno na ako ng takot na baka bumalik pa ulit sa university si Krishna.
Malaki ang tsansang bumalik dito ang babaeng kinamumuhian ko ng lubos.
"Uy Lia," Aziel asked me. "Bakit ka umalis?" He cupped my cheeks. I didn't even dared to open my mouth and meet him in the eye because I'm too stunned enough to speak.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Naguguluhan na ako.
"Kung iniisip mo si Krishna, let me remind you, wala na siya dito. Saka, if ever man na babalik siya, good luck na lang sa kanya. Sasabuyan siya ng lahat ng champagne featuring powerpoint na punong puno ng statement ng mga inutang nila mula sa iba't ibang tao," Cypher assured me.
CYPHER'S POV
Kitang – kita ko kung paano mafrustrate si Dahlia tungkol sa mga maaring kaganapan sa After Party. Maging ako ay natatakot na para sa kanya. Iniisip ko kung ano pa ang maaring kahihinatnan nito kung totoo ngang baka bumalik dito sa university si Krishna.
"Earth to Cypher! Ano bang nangyayari sa inyo ni Dahlia at parang nakakita kayo ng multo?" Francine shook me. Umiling iling lang ako bilang tugon.
"Wala lang 'to," I faced her. Francine was too smart enough to state the obvious. Sobrang talino kasi nitong babaeng 'to eh. Kulang na lang, pwede na siyang maging long-lost daughter ni Nostradamus sa sobrang talino nito.
"Ano nga kasi? Para kang ewan diyan na mukhang tubol" Tangina talaga nitong babaeng 'to eh. Concerned citizen ba talaga 'to?
"Amputa! Concerned citizen ka ba talaga sa lagay na yan? Tubol pa nga. Tangina talaga," Saad ko na ikinahagalpak niya lamang. Napailing na lang ako.
"Pero seryoso nga, Bakit nga kasi?" She asked me seriously. Shit. Ano ba talaga sasabihin ko? Para naman akong gago nito sa harapan niya.
"France," I breathed. Go Cypher, kaya mo 'to! Wala sa lahi ng mga Vasquez ang salitang "TORPE" sa bokabularyo namin.
"Kasi ano," Tangina naman oh! Bakit ba ako nauutal sa lagay na ito?
"Ano? Maglalaro ba tayo na parang Pinoy Henyo or ano?" Nalilitong tanong niya sa akin.
Cypher, kaya mo 'to. Tiwala lang.
"Kasi gusto kita Francine Gail Lee! Gustong-gusto kita," Saad ko na ikinapula ng pisngi niya. Ineexpect ko na pagtatabuyan niya ako or what pero wala. Wala akong maramdaman na kahit ano.
Maya maya pa ay nagsalita rin 'to. I hope she feels the same way too. Dahil mahal na mahal ko siya.
"Cy," She inhaled deeply. Inaantabayanan ko lamang ang kanyang sasabihin. Pumikit ako ng mariin.
"Never kong ineexpect mula sayo na magugustuhan mo rin ang isang nerdy na tulad ko. Kasi to be honest with you, I've never been in love with anyone else. Not until you came and swept me off of my feet. Sabi nga ni Taylor Swift, "You lift my feet off the ground spun me around, you make me crazier" and pinatunayan mo nga sa akin yun kahit na minsan may pagkabading ka. Pero hindi. You changed everything for me. And natutuwa ako kahit papaano kasi pinaramdam mo sa akin na minsan pala kelangan ko ring mainlove." Sabi niya, dahilan para tuluyang sumabog ang puso ko sa kilig.
"Mahal na mahal kita Francine Gail Butera Lee. Ikaw lang ang mahal ko at patuloy kong mamahalin," Sambit ko sabay gawad ng halik sa kanyang noo. Ngumiti siya pagkatapos.
"Mahal na mahal rin kita Cypher Dale Sembrano Vasquez. Sobra sobra pa," She smiled as I intertwined my hands with hers.
O pag – ibig nga naman.
"Yiee!!!! New couple unlocked!" Sigaw ni Brianna. Napatawa na lamang kami ni Francine. Syempre, mahal ko na itong babaeng 'to eh.
"Mas mabilis pa sa wifi connection dito sa campus ang love story niyo ha! Ano yan? I fall in love with my best friend na ba ang peg natin dito?" Pang-aasar naman ni Tristina. Ito talagang mga 'to, puro kalokohan ang pinapairal. Maya maya pa ay biglang umeksena sina Aziel at Dahlia na tuwang tuwa pa sa nangyari.
"Wow! Grabe! Mga humahabol sa valentines day oh! Love tignan mo!" Pang-aasar pa ni Dahlia na ikinatawa na lamang ng kanyang boyfriend.
"Ano ba kayo? Kitang nag-coconfess pa lang ako dito eh. Jusko naman!" Sabi ko with matching piyok piyok pa. Napatawa naman sina Dahlia bilang tugon.
"Basta ba sagot ko na yung champagne pag ikakasal kayo ha!" Hirit naman ni Aziel na ikinatawa ko naman. Loko rin tong lalakeng 'to eh. Manang-mana sa girlfriend niyang sutil.
"Suuuuus! Parang ewan eh!" Sabi ko na ikinatawa lang niya. "Pero salamat sa support niyo ha! May mappractice-an na rin ako ng make-up ko," Saad ko na ikintawa naman nila.
"Yieee! Ang swerte talaga ni Chine! Pogi na nga boyfriend niya, may make-up artist pa! Sabihin mo nga sa amin be, magkano yung talent fee nito? Yung service charge nito?" Saad naman ni Brianna na mahina kong sinapok.
"Baliw ka talaga Dela Pena! Parang kang timang diyan!" Pambabara ko. "Syempre, sa inyo may bayad, sa baby ko wala!"
"Kingina mo talaga Vasquez! Ligawan mo muna formally si Chine!" Pambabara naman sa akin pabalik ni Brianna.
This girl really!
BINABASA MO ANG
You Are The Music In Me
RomanceMeet Dahlia Raven Ortaleza - Isang babae na nangangarap na makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad para sa mga mang-aawit at manunulat ng mga piyesa ng kanta. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagpasya itong tumigil kasabay ng kasag...