Last Chapter
"Ilang araw ang paglalagi mo dito, Ma'am Cali?" masayang tanong ni Aling Anita habang tinutulungan akong ilabas sa luggage ang mga damit ko. Napansin niya sigurong marami-rami 'yon.
"Mahigit isang buwan po siguro. Depende po sa magiging desisyon ko. Gusto ko muna magbakasyon at magpahinga." tipid akong ngumiti at nagpatuloy na sa paglalagay ng mga damit sa cabinet.
Humarap siya sa akin at inabot ang mga nakatupi kong damit. "Mabuti naman, Ma'am. Napakaraming nangyari sa Maynila simula umuwi kayo roon. Dito tahimik lahat. Makakapagpahinga kayo ng maayos."
Tumango ako at kinuha na ang damit sa kamay niya. "Opo. 'Yon nga po ang plano ko."
Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti at hinagod ang likod ko. "Maiwan na kita, Ma'am. Para po makapagpahinga kayo galing sa biyahe. Kung may kailangan kayo, nasa baba lang ako. O pwede niyo naman tawagin si Carlos."
Sinara ko na ang cabinet at bumaling nang tuluyan sa kanya. "Salamat po, Aling Anita. Sa pagtanggap pa rin sa akin dito."
"Syempre, Ma'am. Lagi kang may uuwian dito. Sa'yo ito, at sinigurado 'yon ni Senyor bago siya umalis." sagot niya pero bakas ang lungkot sa tono.
Parang may gumuhit sa dibdib ko. Nanghina ang ngiting binigay ko sa kanya. Tahimik nalang akong tumango at umalis na rin ito para makapagpahinga pa raw ako. Mabibigat ang paa kong bumalik ng kama at umupo sa gilid no'n. Ginala ko ang mata sa piligid ng kwarto ko dito sa hacienda, wala pa rin silang binago ni isa.
My eyes kept on wandering until my gaze darted on the land title placed on my side table. It was the updated one. Transferring the whole land in my name, I have all the authority over the Hacienda de Monteves and I just figured out about it after the accident. Lumapit ang lawyer sa akin ni Rohen para ibigay ang rights. He fully transferred it under my name. I don't know when he decided to do it, but it's effected now.
I took a rest and fell asleep for three hours. Pag gising ko ay hapon na kaya bumaba na rin ako agad. The place reminds me of Rohen but it still gives me comfort. I feel like this is my home. That this is my real home.
Mabigat ang loob ko nang umalis ako ng Maynila, pero unti-unting nawala 'yon lahat nang makarating ako ng hacienda. Pakiramdam ko, dito lang gumagaan ang loob ko. Dito lang ako nakakaramdam ng kapayapaan at pahinga, dahilan kung bakit siguro ako nakatulog agad kanina.
"Kape? Ma'am?" tanong sa akin ni Carlos nang umupo ako sa dining.
Si Aling Anita naman ay abala sa pagdadala ng mga merienda sa mesa. Tumango ako kay Carlos at ngumiti. Nakita ko na siya kanina pag-uwi ko dahil siya ang nagsundo sa akin galing sa airport.
"Yes, please. Thank you."
"Ma'am, may sapin-sapin dito. Cassava cake rin. Bumili ako kanina sa bayan." alok ni Aling Anita at nilapit sa akin ang mga ito.
Bigla akong natakam sa mga kakanin na harap ko. Kumuha ako doon at nilapag naman ni Carlos ang mabangong brewed coffee. I stopped a little bit when the aroma filled my nose and it reminded me of Rohen again. Humugot nalang ako ng malalim na hininga at sumandal muli sa kahoy na upuan.
Sinulyapan ako ni Carlos bago umiwas ng tingin. Nakuha ata ang mga kilos ko.
Umupo si Aling Anita sa harap ko, kaya umupo rin si Carlos sa tabi niya. "Buti po at pinayagan kayo umuwi nila Sir Cristof dito, hindi sila nag-alala kahit nangyari ang aksidente?" panimula nito.
Umiling ako. "Hindi naman po ako kasama sa aksidente," natawa ako ng mapakla. "At nakakulong na rin lahat ng mga akusado. Kaya ayos lang po... at kailangan ko rin uwian ang hacienda ngayon..." lalo na wala ng ibang magpapatakbo nito kundi ako.
YOU ARE READING
Midnight Momento (Astalièr Series I)
RomansCallista Emila Monteves lived all her life under the power of her family. And all she dreamed of was freedom. To do what she loves. To live for her desires. But the key to her freedom was way more complicated than she imagined, a man full of compass...