Chapter 2
My knees trembled when I saw a big fire in the middle of the race track. The red burning fire reflected in my shaking eyes. I just felt my heart dropped on the ground and scattered into pieces.
"No..." I whispered weakly.
Parang unti-unting gumuho ang mata ko habang pinapanood ang sunog. All those years of hardship and sacrifices to earn it, to have it suddenly disappeared into thin air. Sumisikip ang dibdib ko at parang may pumipigil sa aking huminga.
"Miss hindi ka pwede dito, alis na." taboy sa akin ng isang pulis at tinulak na ako paatras, lumipat ang mata ko sa kanya.
"N-No... hindi ako aalis!" sigaw ko.
"Bawal ka dito! Baka sumabog 'yan!"
Tumalim ang mata ko sa kanya dahil patuloy niya akong tinutulak, mas malakas siya sa akin kaya napapaatras ako. "I said I won't leave! Get out of my way!"
"Anak ng! Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka ba marunong umintindi–"
"That's my car! That's my race car!" I screamed at the top of my lungs and pushed him away, my shoulders shook and hot tears flowed down my cheeks.
Taas baba ang dibdib ko dahil sa marahas na paghugot ng hininga, binalik ko ang mata sa pulis at natahimik ito na parang nabuhusan ng malamig na tubig nang makita niya akong umiyak.
Tinuro ko ang umaapoy na sasakyan. "T-That's my car..." nanghihina kong sambit, patuloy na tumulo ang mga luha ko.
Ginulo ko ang buhok at halos sabunutan ang sarili, yumuko ako at pumikit ng mariin habang hinahabol ang hininga.
"M-Miss..." sinubukan niya akong hawakan pero tinaboy ko ang kamay niya.
"I just lost my car... the only thing..." turan ko sa kanya ngunit ako rin ang pumigil sa sarili. Bawat salitang lumalabas sa bibig ko ang puno ng sakit.
That I myself couldn't bear to hear it. It didn't sound like me at all.
Ilang taon. Ilang taon akong nagtrabaho para makaipon, para sa sasakyan na 'yan. Pinagsabay ko ang pag aaral ng law at side line para kumita ng pera. Ang dami ko ng pagod at hirap na sinakripisyo para lang makarating dito ngayon.
I just love racing that much.
It is my life. But seeing my beloved car I worked so hard, being burned in front of me, I just suddenly felt my life being taken away from me. My dream. My passion. My escape.
Parang akong tinataga ng paulit-ulit.
Ihinilamos ko ang palad sa mukha at itinukod ang kamay sa tuhod dahil sa panghihina.
"Miss... mas mabuting lumayo ka muna habang inaapula ang apoy." tawag sa akin ng pulis.
Dalawang truck ng bombero ang dumating, at nagsimulang mag apula ng apoy. The fire was so thick it was so hard to die down. Police were everywhere. It was a dark and cold evening, no people inside the race track.
But my heart was burning in pain.
Kagagaling ko nang school nang makatanggap ako ng tawag na may nasusunog na sasakyan sa Parkland. At first I was still hoping it was a minor accident, o baka hindi sa akin. Pero nang kumpirmahin nila ang car number huminto na ang mundo ko.
I remembered what Dad warned me about.
"Miss kumalma ka muna—"
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko, marahas ko itong pinalis. I don't cry. I can't cry over things like this. But I will not stand still without doing anything.
![](https://img.wattpad.com/cover/345291305-288-k924119.jpg)
YOU ARE READING
Midnight Momento (Astalièr Series I)
RomantizmCallista Emila Monteves lived all her life under the power of her family. And all she dreamed of was freedom. To do what she loves. To live for her desires. But the key to her freedom was way more complicated than she imagined, a man full of compass...