MDT 6

269 5 0
                                    

Chapter 6

Isang segundo kaming nagkatitigan, napakurap-kurap ako. "I-I mean... hindi ka umuwi sa inyo?" bawi ko.

He licked his lips and shook his head. "Hindi pa," sagot niya.

Lumakad na ito palapit sa kinatatayuan ko kaya umatras na ako, dumiretso siya sa ref para kumuha rin ng tubig. Matapos ay humarap siya sa counter at ipinatong doon ang baso niya para magsalin. Magkatabi na kami ngayon.

"Bakit?" I peaked at his side.

Ibinaba na nito ang pistel at humarap sa akin, bumaba ang mata niya sa katawan ko bago ibinalik iyon sa mukha ko.

"May nangyari Cali, kaya hindi ako nakauwi." pag sagot niya pa rin.

I silently wrapped my robe around my body, pero mas nakuha ang atensyon ko ng sinabi niya.

Kumunot ang noo ko, natulog lang ako may nangyari ng hindi maganda? "Anong nangyari? Something bad?"

Ininom niya na ang tubig at naubos niya ang laman ng baso, mukhang inaantok na nga siya at pinipilit na gisingin ang sarili. I noticed he changed his clothes from earlier but he still wears black shirt and black jeans. Halatang hindi pa nga natutulog.

Ipinatong na rin nito ang baso sa counter bago ako nilingon ulit. Huminga siya ng malalim. "Nasunog ang maisan." tipid niyang tugon.

Nalimog ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. How can he act this normal if the field was burned down?!

Naglakad na ito palayo sa kinatatayuan namin kaya sinundan ko siya.

"Ano?! Bakit nasunog? Kailan pa? Ngayong gabi lang?" sunod-sunod kong tanong, ni hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses.

The lights automatically opened when it censored Rohen, noong ako kanina ang dumaan ay hindi naman umilaw. Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako, dahil maliwanag na ay mas nakita ko siya.

Now I noticed that he just took a bath, his hair was still damp and brushed, but some strand fell on his forehead. His black shirt was graciously hugging his body.

"Kaninang mga ala-syete. Hindi pa kumpirmado kung anong oras talaga nagsimula."

"Hindi pa rin nalaman kung bakit nasunog kung ganoon? O may sumunog? I wanna see it!"

"Hindi pa, wala pang nakakalap na impormasyon. At wala pa sa kalahati ng maisan ang nasunog at naapula rin agad, you don't have to worry."

At some point I calmed down when he said hindi buo ang nasunog, ang laki kaya noon! Pero sayang pa rin at bakit naman nasunog? It is impossible it's because of the heat dahil gabi naman nangyari, maliban na lang kung may nanadya doon.

"Still, sayang pa rin ang mga tanim. Ginastusan pa rin iyon. Are the police here? This should be investigated." sagot ko.

"Dumating na sila kanina pa, kaya hindi ako umuwi dahil nag uusap na kami, Callista." malumanay niyang pahayag, ipinapaliwanag sa akin ang lahat.

I stepped closer to him. "Where are they, then?" tanong ko dahil wala namang tao rito sa loob ng masyon.

"They're at the rest house, sa likod ng mansyon."

"Then let's go! I wanna see the investigation!" yaya ko.

Kumunot ang noo niya sa akin, para bang kalokohan ang sinabi ko. May mali ba? O dahil hindi na kami ang may ari kaya dapat hindi na ako mangialam? But I am a lawyer! Maybe I can help?

"Matulog ka na, Callista."

My face crumpled at his answer. Napaka layo sa sinabi ko!

"Gusto kong makita Rohen, ang nasunog at ang mga pulis ngayon." mariin ang pagbigkas ko sa huling salita.

Midnight Momento (Astalièr Series I)Where stories live. Discover now