2. THUNDER

493 23 2
                                    

Tumambay muna kami sa game room after namin kumain. Nagsimulang maglaro ng Playstation si Cheondong habang kami naman ni Chanyeol ay umiinom ng tea na handa ni mama.

Iba ang ngiti ni mama tuwing umuuwi kami sa bahay. Masaya na s'ya na ipaghanda kami ng pagkain at kapag nakikita kami. Somehow I feel guilty na di ko sila nabibigyan masyado ng oras because of my busy schedule. They're not getting any younger and it's my duty as a daughter to make them happy.

"Bakit andito ka pa? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong ko kay Chanyeol. Baka kasi nagtatampo na ang mga magulang n'ya kasi halos maghapon na s'ya dito sa amin.

"Bakit? Pinapaalis mo na ko?" Kunwaring nagtatampo na tanong n'ya sa akin.

"Sira. Baka kasi nagtatampo na si Tita. Umuwi ka kaya muna?" Paliwanag ko.

"Wala sina mama. Nasa Paris sila kasama ang kapatid ko. Next week pa ang balik." Sagot naman ni Chanyeol.

"Walang tao ngayon sa inyo? Bakit ka pa umuwi?" Nagtatakang tanong ko.

"Wow ha. Bawal magpahinga? Bawal magkaron ng break? Bakit ba ayaw na ayaw mong nandito ako?" Asik ni Chanyeol.

"Bakit ka pikon?"

"Bakit ka madamot?"

"Bakit ka kapre?"

"Bakit ka bansot?"

"Tsss... Ang ingay n'yo! Kung maghapon kayong LQ, dun kayo sa labas. Nakakasira kayo ng concentration. Magpakasal na nga kayong dalawa!" Sabat ni Cheondong habang nakatuon pa din ang mga mata sa Playstation.

"Tse!" Sabay pa kaming sumigaw ni Chanyeol. Nakakadiri talaga ang kapatid ko.

"Muka mo!" Singhal ko kay Chanyeol.

"Kadiri ka!" Chanyeol snapped back at me.

Nag-walk out naman ako para magpahinga na sa kwarto. Medyo pagod na kasi ko since nagdrive pa ko ng malayo pauwi dito.

Ilang oras din halos akong nakaidlip. Di ko namalayan na ala una na pala ng umaga. Nagising lang ako dahil sa init. Mukhang sira na naman ang aircon dito sa kwarto ko.

Lilipat na lang ako sa kwarto nina mama. Masyado kasing maliit ang kama ni Durami, younger sister ko. Saka masungit 'yun pag biglang ginising.

Ipinihit ko ang doorknob ng kwarto nina mama kaso naka-lock. "Aish!" Dun na nga lang sa kwarto ni Cheondong.

Agad naman akong sinalubong ng malamig na hangin ng aircon sa loob ng kwarto ni Cheondong at nahiga ako sa tabi n'ya. "Sarap! Ang lamig!" No wonder nakatalukbong ng kumot ang kapatid ko. Lamig na lamig siguro.

Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang sobrang liit lang ng kapatid ko. Ngayon mas matangkad na s'ya sa 'kin. I wonder kung may dini-date o nililigawan na 'tong baby brother ko. Aigoo, magseselos talaga ko pag nangyari 'yun. He's too young to date. Saka tama bang unahan pa n'ya ang ate n'ya?

Very protective ako sa mga kapatid ko at mahal na mahal ko sila. Sila naman talaga ang rason bakit ako nagpursigi sa trabaho. Napayakap ako kay Cheondong na mahimbing pa ding natutulog. "Don't grow up too fast, baby ha? Love na love kita." Bulong ko sa kapatid ko.

"I love you too." Sagot ni Cheondong. Pero bakit parang iba ang boses? Bakit kaboses ni Chanyeol?

Kinabahan ako. Hindi kaya si Chanyeol 'tong katabi ko sa kama?

Biglang humagikhik ang katabi ko.

"Walangya kang manyak ka! Nakakadalawa ka na ngayon ha!" Pinaghahampas ko ng unan si Chanyeol na napabalikwas ng bangon.

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon