16. MOONLIGHT

447 17 5
                                    

"Park Chanyeol!!!! Ano sa palagay mo ang ginagawa mo????" Gigil na sigaw ko sa boyfriend kong kapre nang makita ko sila ni Cheondong sa loob ng kwarto na naglalaro ng pingpong. Sino ba namang matutuwa? Pareho pa kasing nakabenda ang mga tiyan ng dalawa. "Baliw ka ba? Pano kung bumuka ang mga tahi nyo? At panong nagka-pingpong table dito???" Baling ko kay Cheondong.

Painosente na itinuro ni Cheondong si Chanyeol na lalo kong pinandilatan ng mata.

Kinindatan lang ako ng kumag at nagmuwestra pa na lumapit ako sa kanya para humalik. Tawa lang nang tawa si Cheondong sa aming dalawa.

"Neknek mo! Bakit kita hahalikan? Sobrang tigas ng ulo mo! Humiga nga kayo ulit!" Padabog na utos ko habang idina-dial ang reception para iutos na tanggalin ang pingpong table. For sure may kung sinong KPOP fan na nurse na naman ang kinausap ni Chanyeol para dito. Nakakainis talaga.

"Bakit ang ganda mo ngayon?" Tanong ni Chanyeol na napansin ang make-up at suot ko.

"Tse! Galing akong trabaho. Dumiretso ako dito kaya di na ko nakapagpalit. Saka maganda naman ako everyday di ba?" Nakapamewang na sagot ko. "Saka wag mo ngang binabago ang usapan. Sinabi nang bed rest kayong dalawa tapos magpapa-install ka ng mga laruan dito? Baka nakakalimutan mong ospital 'to at hindi bahay. Gusto mo na bang dito na tumira? Hay naku talaga!" Singhal ko.

Humahagikhik pa ang dalawa na sabay na bumalik sa kama na lalo ko namang ikinainis.

Naging maayos ang kidney operation nina Cheondong at Chanyeol. Both are doing well and currently recuperating in the hospital. They insisted on sharing the same room para daw hindi boring ang pagpapagaling nila. Kailangan pa kasi nilang mag-stay sa hospital for atleast two more weeks dahil na rin sa kagustuhan ng doktor.

Nagbiro pa nga ang papa ni Chanyeol na ngayong pareho na sila ng kidney, mas mahihirapan kaming paghiwalayin ang dalawa lalo.

"Ang init ng ulo ng ate mo, Doong." Reklamo ni Chanyeol.

"Na-miss ka lang nyan, kuya." Sagot naman ng kapatid ko.

"Hoy, anong akala nyo di ko kayo naririnig?" Sabat ko naman. "Saka bakit di ka pa nakabihis? Di ba sabi sa'yo ng manager n'yo may press conference ka ngayon?" Baling ko kay kapre.

"Ayoko nga. Hindi naman kailangan. Saka nagpapagaling ako. Pwede bang kalimutan muna ang trabaho?"

"Di ba ipinaliwanag na nga sa'yo na kailangan mong humarap sa press kasi nagka-issue sa event organizers nung bigla kang nawala? You're just gonna help EXO promote the event kahit wala ka, so dapat magpa-gwapo ka naman kahit konti." I insisted.

"Inborn ang kagwapuhan ko so that's already settled. Hindi na kelangang mag-effort. Kaya ka nga na-inlove sa 'kin di ba?" Malapad ang ngiti na pang-aasar sa akin ni kapre. Lakas talaga. Iba din ang confidence level.

"Oo na. Gwapo ka na. Sige na. So pwede ba magbihis ka na?" I just gave in and immediately handed him his clothes.

"Kiss muna." Utos ni Chanyeol.

"Kadiri ka, kuya. Andito ako uy." Pagpapaalala ni Cheondong.

"Wag ka ngang kontra bulate dyan. Pumikit ka na lang, bulilit." He said dismissing my younger brother. "Kiss na, bansot. Bilis. Naiinip na ko."

"Abat talagang..."

Sakto naman na bumukas ang pinto at dumating ang staff ng ospital na magtatanggal ng pingpong table. Saved by the bell.

Padabog na pumasok na lang si Chanyeol sa loob ng banyo para magbihis. Nabitin kasi s'ya sa pag-iskor.

***

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon