Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Para akong zombie na ewan na hungkag ang pakiramdam. Iyak lang ako nang iyak sa sasakyan habang nagmamaneho si Chanyeol papuntang ospital. Mababaliw na ata ako. Kung anu-ano kasi ang naiisip ko sa sobrang pag-aalala sa kalagayan ng kapatid ko.
"Sandy, tawagan mo na sina tita please. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Doong." Seryosong pakiusap ni Chanyeol. Nanginginig ang boses ni Chanyeol as if he too is about to break down in tears like me any second. Cheondong is like a baby brother to him and he's always been protective of him.
Sinunod ko naman ang sinabi n'ya. I immediately dialled my mama's number. Hindi ko na sigurado kung naintindihan ba ni mama 'yung sinabi ko kasi umiiyak ako habang nagsasalita pero narinig ko ang impit na paghikbi n'ya sa kabilang linya. I feel so sorry for my parents. Malamang doble pa ng sakit na nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman nila. Cheondong is the baby in our family. Lahat kami noon aligaga tuwing magkakasakit si Cheondong or masusugatan.
Agad ko ring tinawagan si Durami para masigurong ayos sina mama at papa at makarating silang lahat agad sa ospital.
"Miss Park, kaano-ano n'yo po ang pasyente?" Tanong ng doktor na humarap sa amin.
"I'm his older sister. Ano na pong lagay ng kapatid ko?" Sagot ko.
"Kailangan po n'yang sumailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon. To be very frank, he's in very bad shape. Your brother is in coma. Kapag di natin s'ya agad matulungan, his life will be in danger." Seryosong paliwanag ng doktor.
Kinilabutan ako sa mga sinabi ng doktor. "Please do everything you can to save his life." I pleaded to him. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Cheondong cannot die now. Kailangan n'yang maoperahan. Kailangan n'yang magising. Kailangan n'yang gumaling.
"We will do our best to help him. But you need to understand also that it's not that simple, Miss Park. Kailangan din kasi natin ng matching kidney donor as soon as possible. Both his kidneys need to be taken out. Naipit kasi s'ya sa sasakyan at parehong masama ang tama. Type A+ ang kapatid n'yo and we will be needing blood donors as well."
"We're already in touch with our network and blood banks, but if you have family members or friends who are fit to donate immediately, please let us know. Your brother needs all the help he can get." Pakiusap ng doktor.
I feel faint nang marinig ang mga sinabi ng doktor but Chanyeol was quick to come to my aid bago ako tuluyang bumagsak. Sa kanya ako umalalay.
Truth is, none of us in the family have Type A+ blood. Si Cheondong lang talaga ang naiba. Naalala ko pa noon na may kung ilang beses na ding binibiro ni Cheondong si mama na baka ampon daw s'ya at kung sakali mang kailanganin n'ya ng blood transfusion in the future, mahihirapan kaming makahanap ng donor kasi naiiba s'ya sa amin.
Napayakap ako nang mahigpit kay Chanyeol as if trying to get strength from him. This is too much to bear. "Si Cheondong..." Anas ko, utterly scared of the possibilities.
"He'll be fine. I promise you that Cheondong will be fine."
Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong panghawakan ang pangakong 'yun ni Chanyeol pero natatakot ako sa posibleng mangyari sa kapatid ko. Tuluyan nang sumabog ang luha na kanina ko pa pinipigil.
"Sandy, please promise me you will stay strong okay? You have to make sure na okay sina mama at papa mo. Pati na din si Durami. Kailangan ka ni Cheondong ngayon. You are his older sister."
Huminga ako nang malalim at tumango ako sa sinabi ni Chanyeol.
Ngumiti si Chanyeol sa akin at pinahid ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Inilapit ni Chanyeol ang mukha n'ya sa mukha ko at marahan n'ya akong hinalikan sa labi.
"I just need to talk to the doctor okay? Type A+ din ang dugo ko like Cheondong. Saka I've been with your family for more than half of my life, so baka sakaling swertehin and maging matched din ako to be his kidney donor. Afterall, ako ang kuya n'ya." Chanyeol was smiling widely.
I immediately hugged him pero agad s'yang kumawala.
"We don't have a lot of time, Sandy. I'll come back. I love you." Mabilis itong tumakbo para makausap ang doktor. He didn't even give me the chance to say I love him too.
"I love you too, Chanyeol. Sobra sobra." Naluluha kong nasabi sa sarili.
BINABASA MO ANG
Gotta Be You {Chandara} - COMPLETED
FanfictionTHE ULTIMATE KPOP ROYALTY LOVE STORY OF ALL TIME. This is the story of Park Chanyeol or Channie (EXO's main rapper and happy virus) and Sandara Park or Sandy (2ne1's fresh vocals and communications director). They are two of the biggest names in Sou...