4. RUN

360 18 4
                                    

"When will you start shooting your next drama?" Kaswal na tanong ni Chanyeol sa akin.

Nasa garden kami ng bahay nila. He's mowing their lawn while me and Durami are helping him water his mom's plants. Tumawag kasi si tita at nakiusap kay mama na diligan ang mga halaman n'ya. She didn't know na umuwi si Chanyeol kaya si kapre na ang gumawa. Hinila naman ako ng kapre para tulungan s'ya since maagang umalis si Cheondong for his rehearsal. Durami was at home so she volunteered to help also.

"Kuya Channie, pabuhat naman nitong paso. Masyadong maaraw dito baka matuyot. Ilipat mo lang ng konti." Pakiusap ni Durami.

Hindi na hinintay ni Chanyeol ang sagot ko sa tanong n'ya. Agad n'yang binuhat ang paso at napansin kong nagkangitian pa ang dalawa pagkatapos.

Boom wasak.

Kung tutuusin mukhang bagay naman sila. Di kasi masyadong nagkakalayo ang edad nila. Tapos mas matangkad pa sa akin nang di hamak si Durami. Medyo malayo kasi age gap ko kay Chanyeol tapos ang pandak ko pa. Ang ipinagtataka ko lang, bakit kaya until now hindi pa rin nililigawan ni Chanyeol si Durami? It's been years since nung narinig ko na sinabi ni Chanyeol kay Cheondong na si Durami ang crush n'ya.

"Malapit ka na bang matapos ng college?" Tanong ni Chanyeol sa kapatid ko.

"Oo kuya. This sem na matatapos ang pagpapaaral sa 'kin ni Ate Sandy sa wakas." Kumindat pa si Durami kay Chanyeol.

"Very good. So pwede ka na ding mag-boyfriend?" Kumindat din sa 'kin si Chanyeol nang makahulugan. Nabigla ako. Halos makain ko 'yung mga damo sa garden nila sa sobrang pagkabigla.

"Sorry Sandy! Okay ka lang? Di ko sinasadya. Nagloko kasi 'yung motor." Humangos sa tabi ko si Chanyeol at pinagpagan ang mga damo at lupang tumalsik sa mukha at damit ko. Takte! Totoo palang kumakain na ko ng damo. Kala ko kasi imagination ko lang.

"Aish! Sinadya mo 'yun. Gustung-gusto mo talagang nasasaktan ako! Siraulo ka!" Inis na sigaw ko at inilayo ang mga kamay n'ya sa akin. "Ayoko nang magdilig." Binitawan ko ang hawak na hose para mag-walk out.

Pagtalikod ko, nakaramdam ako ng wisik ng tubig sa likod ko. Nang lingunin kong muli si Chanyeol, sa mukha ko naman n'ya itinutok ang hose. Binabasa pala ako nang walangyang kapre! Wala talagang awa!

"Papatayin kitang kapre ka!" At hinabol ko s'ya para batukan. Kaso sa sobrang haba ng legs n'ya hindi ko naman maabutan ang pagtakbo n'ya. Tawa lang nang tawa si Durami sa amin habang naghahabulan kami.

Hinahapo akong napaupo sa pagod. Basang-basa ako mula ulo hanggang paa.

"I give up." I said to no one in particular. Nakatungo ako. Di ko namalayan na naiiyak na pala ko. Siguro dahil sa pagod. Ewan. Basta may parte ng dibdib ko na masakit.

Tumatawa namang lumapit sa 'kin si Chanyeol, clueless sa pag-iyak ko.

"Suko ka na, bansot? Alam mo kasi Sandy ang duwende kahit kelan di pwedeng mahabol ang kapre. Ang kulit mo kasi." Natatawa pa ding hirit ni Chanyeol.

I still kept my head down. Hindi ko kasi mapigilan ang luha ko. Gusto kong sigawan si Chanyeol pero ayokong makita n'ya na umiiyak ako. Naiinis ako sa kanya.

Biglang natigil sa pagtawa si Chanyeol. Hinawakan n'ya ako sa baba at marahang itinaas ang mukha ko patapat sa kanya. Mataman n'ya kong tinitigan.

I tried to keep a straight face para hindi n'ya mapansin na umiiyak pala ko. Basang-basa ang mukha at ulo ko kaya hindi naman masyadong halata ang mga luha ko.

"Sorry." Mahinang sabi ni Chanyeol at pinahid n'ya ang mga luha sa gilid ng mukha ko.

"Hindi luha 'yan. Tubig 'yan! Binasa mo kaya ako. Bakit naman ako iiyak?" Maang kong tanong at iniiwas ang mukha ko sa kanya. Bwisit.

"Sorry. I was just playing. Sorry na." Muling paghingi ng paumanhin ni Chanyeol dismissing my denial.

"Ewan ko sa 'yo!" Agad akong tumayo at tumakbo pauwi sa amin. Bahala s'yang isipin kung ano ang gusto n'yang isipin. Saka kailangan ko na din namang umalis para bumalik sa trabaho.

"Ate, teka lang! Wait for me!" Humabol sa akin si Durami at naglakad kasabay ko habang nakayakap sa akin.

"Wag kang dumikit sa 'kin, Rami. Mababasa ka pa. Baka magkasakit ka." Saway ko.

"Okay lang, Ate. Na-miss kasi kita." Lalo pang hinigpitan ni Durami ang yakap n'ya sa akin kaya I returned her embrace. My siblings are really growing up and I'm so proud of how loving and amazing they've become.

Nang makarating kami sa bahay, agad tumakbo si Durami sa kwarto para kumuha ng towel at ibinigay sa akin. I couldn't help but somehow feel guilty. Kani-kanina lang nagseselos ako nang dahil sa kanya. Kung tutuusin hindi naman n'ya kasalanan kung nagkagusto man si Chanyeol sa kanya. Hay. Kailangan kong magsimba para humingi ng tawad sa Diyos.

"Thanks baby. Ang swerte ko talaga sa inyo ni Doong." Pinisil ko pa ang pisngi n'ya sa sobrang panggigigil.

"Hindi, ate. Kami ang swerte sa 'yo." Sagot ni Durami. Gah! I really have the sweetest siblings.

"Ate..."

"Hmm?"

"Kelan mo ba sasagutin si Kuya Channie?"

Nagulat ako sa tanong ni Durami. Saan nanggaling 'yun?

"Baliw. Hindi nanliligaw sa 'kin ang kapreng 'yun. Saka wala naman s'yang gusto sa 'kin at lalong wala din akong gusto sa kanya." Seryosong sagot ko.

"Sige ka Ate. Pag nainip 'yun sa 'yo baka maaagaw pa ng iba." Durami warned me.

"You have no idea." Makahulugan kong sagot bago pumasok ng banyo para maligo. Hindi s'ya maaagaw kasi never naman s'yang naging akin.

Hay naku Sandy, forever alone ka na lang. Ilang taon nang lifted ang dating ban mo, pero ikaw nganga pa din.

Napabuntung-hininga ako habang tumatama sa katawan ko ang patak ng tubig mula sa shower. Di ko maintindihan kung kelan pa naging sensitive ang balat ko. Medyo masakit kasi ang pagtusok sa balat ko nang tubig.

So kaya pala hindi n'ya nililigawan si Durami kasi hinihintay n'yang matapos ito sa pag-aaral. Now I know.

I should be happy for them. Atleast I know that my baby sister will end up with a good man. That should be consolation enough. She deserves someone like Chanyeol. She deserves Chanyeol.

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon