Minzy called me with nothing but panic in her voice. She just found out na kailangan daw mag-undergo ng emergency operation si CL. She wasn't able to explain kung para saan pero agad akong nagbihis para sunduin si Minzy at mapuntahan namin si CL sa ospital. Sobra-sobra ang dasal ko na okay lang s'ya.
Nakarating kami sa ospital agad kung saan andun din ang CEO at manager namin kausap ang mga magulang ni CL.
Naghintay kami para makabalita at ipinaliwanag naman sa amin ng mama ni CL na ooperahan s'ya sa throat dahil may nakitang maliliit na nodules nang may idaing na sakit si CL. Akala kasi nito simpleng sore throat lang. Kailangan daw matanggal agad para hindi na din pagsimulan ng kung anumang komplikasyon. It will take a few weeks bago tuluyang gumaling at muling makapag-perform si CL. I was really relieved that it wasn't life-threatening.
Everytime may konting break ako from shooting saka sa trabaho, I'd make it a point na sa private room ni CL sa ospital ako tumatambay para samahan s'ya. She's in total voice rest now, so medyo nakakapanibago ang pananahimik n'ya. Nakakamiss din pala talaga ang kakulitan n'ya.
May hawak lang s'yang magic board kung san n'ya sinusulat ang gusto n'yang sabihin.
"Ayan ka ngayon. Masyado ka kasing workaholic. Kaya always give priority to your health ha? Makikinig ka sa akin." Sermon ko sa kanya na medyo natatawa, taking advantage of her inability to voice out her protest.
Napapangiti na lang sa akin si CL and she motioned me to come to her so she can hug me.
Bigla itong nagsulat sa magic board matapos yumakap.
"Your first love kissed you, right?" She asked.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paano n'ya nalaman 'yun? Sino ang nagsabi sa kanya about that kiss?
Muling nagsulat nang mabilis si CL sa magic board.
"Your reaction just gave you away, so it's true. Your first love went back from abroad to give you your first kiss. Mwahahaha!"
Kainis. It was just a trap. Nagpa-uto naman ako.
"Gandara, I will find out who is your first love when my throat completely heals." Sulat ni CL na naman.
Napapailing naman akong napangiti sa kakulitan ni CL. "You're really hopeless, CL. You know that? Naoperahan ka na nga pero lovelife ko pa din ang iniisip mo."
"But I promise, once okay na kami, and I already know the real score between us, you, Minzy and Bommie will be the first to know. So stop all this detective thingy you guys are doing. Okay?" Muli kong sermon.
Napangiti si CL sa narinig.
Dumating naman si Minzy kasama ang kapatid kong si Cheondong para mabisita si CL. May dalang soft snack food si Minzy kaya nagmerienda muna kami habang nanonood ng TV. Bawal pa kasi ang matitigas na pagkain kay CL.
Isang entertainment report naman ang ipinalabas tungkol sa bagong music video ng EXO featuring the new girl group of SM Entertainment named XOXO. Bale parang female-counterpart sila ng banda nina Chanyeol. They will debut sa music video ng EXO and it's quite a big deal since these girls have been training with SM for almost five years.
"Ang gaganda nila." Komento ng kapatid ko sa miyembro ng XOXO. Natulala sa legs at exposed belly buttons ng mga babae sa TV.
"Oo nga. Saka ang gagaling pang sumayaw. Look at that girl. Ang galing ding mag-rap. Parang si Chanyeol. Ang cute! Bagay sila." That's Minzy, who's oblivious to the fact na nagsisimula na kong magselos deep inside. Halos umusok na ang ilong ko sa lihim na pagngingitngit.
Napa-ehem naman bigla si Cheondong na alam kong para sa akin, but I discreetly urged him to stop. Alam kasi nitong hindi naman common knowledge na magkakilala talaga kami ni Chanyeol. Buti hindi na rin nito tinuloy ang pagpaparinig at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
Nagsulat namang ulit si CL sa magic board n'ya. "Let's ask CEO to get a collab with EXO. I have a crush on Suho. He can make it happen!"
Nag-high five pa silang dalawa ni Minzy na akala mo high school teenagers lang. "Ako naman crush ko talaga si Kai. Ang sexy kasi n'ya sumayaw." Kinikilig na parang kiti-kiti si Minzy. For sure kung anu-ano na ang naiimagine n'ya.
"Girls!" My brother just rolled his eyes sa narinig.
Muli akong napatuon sa telebisyon at nakita si Chanyeol kasamang sumasayaw at kumakanta ang XOXO girls. I still haven't heard from him until now kasi. Hindi kaya may kinalaman ang babaeng ito na kung makapulupot ng legs kay Chanyeol akala mo ahas na nanlilingkis?
Nakakainis talaga. Gusto ko sanang patayin na ang TV pero ayoko namang mahalata ako nina CL at Minzy.

BINABASA MO ANG
Gotta Be You {Chandara} - COMPLETED
FanfictionTHE ULTIMATE KPOP ROYALTY LOVE STORY OF ALL TIME. This is the story of Park Chanyeol or Channie (EXO's main rapper and happy virus) and Sandara Park or Sandy (2ne1's fresh vocals and communications director). They are two of the biggest names in Sou...