15. BLACK PEARL

490 22 3
                                    

Ilang oras ding sumailalim sa tests si Chanyeol para malaman kung matched s'ya to be my brother's kidney donor. Halos mapaluhod si papa nang lumabas ang doktor at ibalita sa amin na Chanyeol's the perfect donor. Even his parents immediately came to the hospital para dumamay sa amin. They were nice enough to give their blessings for their son to donate one of his organs to Cheondong. Parang pamilya na din kasi namin sila.

"Sa dami ng bigas at pagkain na naubos ng anak ko sa bahay n'yo mula nung bata pa s'ya, naku kulang pa siguro ang isang kidney na kapalit. You've taken care of our son like your own. Pamilya tayo. Tayo-tayo lang ang magtutulungan sa huli. It's a blessing na matched sila ni Cheondong. Those two are like brothers." Napayakap si papa sa papa ni Chanyeol sa sinabi nito sa amin. Lahat kami emotional.

Pumirma na ng waiver at ilang documents si Chanyeol to proceed with the operation. Lumabas muna sa room ang doktor kasama ang mama n'ya.

"Gusto ka daw n'yang makausap, Sandy." Sabi ng mama ni Chanyeol sa akin.

Mugtong-mugto ang mga mata ko nang pumasok ako sa room ni Chanyeol. Nakahiga s'ya sa kama at marami nang aparato ang nakasaksak sa kanya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. I can't believe he's actually doing this for Cheondong.

"Pwede ba kitang yakapin?" Alumpihit na tanong ko.

He spread his arms to welcome me and I buried my face in his chest. "Thank you. Sobra. Thank you. Thank you." Paulit-ulit na nasabi ko.

"Thank you lang?" Malungkot na tanong ni Chanyeol. "Hoy bansot, literal na dugo't pawis na ang binigay kong effort. Tapos thank you lang ang kaya mong sabihin? Hindi mo pa din ako mahal? Ang hirap mo namang ligawan."

Lalo akong naiyak sa sinabi ni Chanyeol.

"Aba't kung makaatungal ka parang patay na 'ko. Wag ka ngang ganyan, bansot. Mamalasin ako n'yan. Sige ka. Kakasabi ko lang sa'yo kanina na dapat matatag ka. Ano ba, Sandy? Mahal mo ba ko o hindi? Tatahiin na nila ang abs ko mamaya. Kailangan kong masiguro kung mahal mo pa din ako kahit mawala na ang abs ko."

"Nakakainis ka talagang kapre ka! Nakukuha mo pang magbiro. Saka isang kidney mo ang tatanggalin. Hindi ang abs mo. Wala ka namang abs." Inis na sabi ko.

"Ang sakit nun, bansot ha. May abs ako. Tinatago ko lang kasi conservative ako. Wag ka ngang kumontra. Halikan kita dyan eh." Medyo naka-pout pa na kunwari nagtatampong sabi ni Chanyeol. Sira ulo talaga.

"Mahal kita. Mahal na mahal. Kahit wala kang abs. Kahit malaki ang tenga mo. At kahit sobrang takaw mo. Mahal na mahal kita kaya siguraduhin mong magiging ayos ka pagkatapos ng operation. Okay?"

"Okay boss. Call the doctor na. I'm ready to rock and roll." Nakangiting ipinikit ni Chanyeol ang mga mata n'ya.

"Wala man lang I love you too? Kainis talaga ang kapreng 'to." Asik ko.

"I love you more, Sandy." He said playfully.

I gave him a quick kiss before I went out to call the doctor and nurses to bring him to the operating room.

"Sandy!" Bigla n'ya kong pinabalik. He motioned me to come closer to him kasi may ibubulong daw s'ya.

Tumalima naman ako kasi akala ko seryoso ang sasabihin n'ya. Nabatukan ko s'ya nang malakas nang marinig ang sinabi n'ya. Tawa naman nang tawa si Chanyeol na sumigaw upang himingi ng saklolo sa doktor.

Takte! Manyakis talaga ang kapreng 'yun. I'm still blushing until now dahil sa sinabi n'ya.

"I want more than kisses from you after this operation. I want you as a reward." He said that in his deep and manly voice.

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon