ANGELA'S POV
I'm sitting in Jaiden's car right now, and he's behind the wheel-his knuckles white as he grips the steering tight, eyes fixed straight on the road. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapatitig sa kanya; parang kahit ilang taon na ang lumipas, pagdating sa kanya, everything still feels so new... so intense.
"Stop staring at me, Angela," he says, his voice low but steady. Napairap na lang ako sa kanya, feeling playful even if my heart was already racing a mile a minute.
"Bawal ba?" I shot back, raising an eyebrow at him. Ngayon pa ba siya nagiging maarte sa 'kin?
"Sh*t, you're really trying me," he mumbles under his breath-but I didn't catch what he said. Ang lakas kasi ng aircon at medyo naririnig din yung tunog ng makina ng kotse.
"Ano yun, Jaiden?" I leaned closer a little, trying to hear him better. Nang makita niya akong lumapit, parang bigla siyang kinabahan-nadama ko lang.
"Ang sabi ko, bawal," he repeated, pero may ngisi na sa gilid ng bibig niya. Nginisian ko lang siya at tinuloy pa rin ang pagtitig sa mukha niya. I missed looking at him like this-ng mga mata niyang puno ng damdamin, kahit noon madalas ayaw niyang ipakita.
Biglang hininto niya ang kotse sa gilid ng daan. Walang sinabi, binaba niya yung gear at tumingin sa 'kin diretso. Ngayon naman siya ang tumitig sakin-nang matagal, parang sinusuri bawat detalye ng mukha ko.
F*ck. Pinagsisihan ko na ngayon na ako pa ang nagsimula ng pagtitig na 'to. Hindi ko talaga kaya ang titig niya-parang binabasa niya lahat ng iniisip ko. Kaya iniwas ko na lang ang paningin ko, pero sa peripheral vision ko nakikita kong nakatitig pa rin siya sakin, at may ngisi pa rin sa mukha niya.
"Ako pa rin ba?" he asks softly, at hindi ako makapaniwala na narinig ko yun. Ng biglang naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko-parang gusto na itong tumakas palabas ng dibdib ko.
Kaya tumingin ako sa kanya ulit, at doon ko nakita ang pagiging seryoso ng mga mata niya. "Kasi sa 'kin, it's still you... nothing has changed. I still love you," he says, his voice breaking a little. Parang mababaliw na ako sa mga pinagsasabi niya-nang makita kong totoo lahat ng sinasabi niya, hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Can I court you?" he asks right after, so fast that I almost didn't process it. Eh bakit pa kailangang manligaw kung pwede naman kaming magkasama agad? Pero syempre, ano ba akala nila sakin-easy to get? Hindi, hindi ako gano'n. Hindi naman ako marupok... hindi naman siguro.
"Tayo na," I said to him right away, and I could see the shock on his face. His eyes widened like he couldn't believe it.
"You said yes already?!" he blurts out, so loud he seemed surprised by his own voice.
"Hindi," sabi ko, pinipigilan ang tawa. "Ang ibig kong sabihin, tayo na-umuwina na tayo. Althea's probably waiting for me."
Nawala naman agad ang ngiti niya, at bumalik na naman siya sa pagiging seryoso. Pero alam ko-ng konting ngiti na kumawala sa bibig niya bago niya i-on ulit ang kotse, alam kong natuwa siya kahit papaano.
Habang nagda-drive ulit siya, napatingin ako sa kamay ko na nilalaro niya gamit ang kanang kamay niya. Dahan-dahan niya akong hinawakan sa kamay, at dinala yun sa labi niya-nang paulit-ulit niya itong pinatakan ng halik. Sh*t, nanghihina ako sa ginagawa niya. Parang lahat ng lakas ko ay biglang nawala, at ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang init ng kamay niya sa 'kin.
My phone suddenly rang, and I looked up. When I saw the caller ID was Althea-my daughter-I answered right away.
"Mommy, are you coming home now?" she asked on the other line, her voice full of excitement. It felt like all the tension in my body just melted away.
YOU ARE READING
HIDING HIS DAUGHTER (UNDER EDITING)
Non-FictionThe story revolves around Angela, who pleads with Jaiden not to leave her for Catherine, her friend. Amidst the emotional turmoil, Angela discovers she is pregnant, and Jaiden decides to abandon her and their child. Angela breaks down in tears and a...
