CHAPTER 45

1.2K 18 4
                                        

ALTHEA'S POV




I've been sitting here for what feels like an eternity, and honestly? I'm so bored out of my mind. Wala akong magawa, and to make things worse, Kuya Axel has been so annoying lately. Parang wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako the whole time.

"Nasan kaya sila Dad?" Tanong ni Kuya Axel out of nowhere, looking at the door as if expecting them to arrive any second.

I rolled my eyes at him. "Do I look like a fortune teller, Kuya?" I asked him grumpily. Obviously, I don't know where they are. Bakit ba ako tinatanong niyan?

"Was I even talking to you?" He said with that annoying smirk of his, making me raise an eyebrow in disbelief.

"Who else are you talking to, the wall?" Tanong ko sabay tawa ng mapang-asar.

"Si Manang kasi ang kausap ko!" Sabi niya sabay turo sa gilid. Napatingin ako doon at nakita ko si Nanay Isabela na nakaupo lang at nakangiti habang umiiling-iling sa aming dalawa.

"Hindi ko po alam, Senyorito. Wala pong sinabi ang mga magulang niyo kung saan sila pupunta. Ang sabi lang sa akin ni Sir Jaiden ay bantayan ko po kayo habang wala sila," ani ni Nanay Isabela sa mahinahong boses.

Napaisip ako bigla. Bakit kami kailangang bantayan? Aalis ba kami o may pupuntahan? Pero imbes na mag-isip ng malalim, naisip ko na lang... What if tumakas kami ni Kuya Axel? Mukhang exciting 'yun eh.

Suddenly, I felt something poking my cheek repeatedly. Napatingin ako kay Kuya Axel na may hawak na ballpen at ginagamit 'yun para tusukin-tusukin ang pisngi ko.

"What, Kuya!" I said, annoyed again. Grabe, ang weird niya talaga minsan. Buti pa si Uncle Alvin, ang tino-tino. Tapos si Kuya Axel... hindi ko talaga alam kung matino ba talaga 'to o nagloloko lang.

Feeling ko talaga nagmana siya kay Auntie Catherine. Yung pagiging makulit. Pero at least, matino naman si Auntie Catherine ng onti and she's pretty cool kaya. I like her.

"Ang cute mo," nakangiting sabi ni Kuya Axel sabay gulo ng buhok ko.

"Kuya, may chocolate sa ref. Wag ka nang magpa-alam, kumuha ka na lang," sabi ko para matigil na siya sa pangungulit. Alam kong gutom din 'yan eh.

"Really, ganda?" Tanong niya, biglang naging interesado.

"Ganda? Binobola mo ba ako Kuya?" Tanong ko sabay tawa. "Ang daya mo ha, kapag may kailangan o may gusto ka lang, ang bait-bait mo."

"No, you're really beautiful," sabi niya sakin nang seryoso, tapos tumakbo na siya papunta sa ref para kumuha ng chocolate.

Hay naku. Typical Kuya Axel. Pag wala nang chocolate o pag wala na siyang kailangan, pangit na daw ako agad. Sinasabi pa niya sakin na hindi daw ako kamukha ni Mommy o ni Daddy, ampon daw ako. As if maniniwala ako sa kalokohan niya!

"Ikuha mo nga rin ako, Kuya!" Naiinis na sabi ko habang nakatingin sa kanya na masayang kumakain.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Tanong niya habang nagbubukas ng wrapper.

"Mind your own business!" I snapped at him.

"Naku, lagot ako kay Ma'am Angela kapag nalaman niyang kumain ka ng chocolate," sabi ni Nanay Isabela sakin habang umiiling. Alam niyang bawal ako sa sweets masyado, or so they say.

"Mommy won't know," I said with a mischievous smile. Akmang kakagatin ko na sana yung chocolate na binigay niya nang biglang may sinabi siya na nagbago agad ng mood ko.

"May CCTV," sabi niya sabay turo sa taas.

Napatingin ako sa kisame kung saan naka-install yung camera. Bigla akong napabuntong-hininga at ibinalik ko yung tingin ko sa chocolate sa kamay ko. Sayang. Paano yan, hanggang tingin nanaman ang kaya kong gawin. Bawal talaga.

"Bakit kasi ikaw pwedeng kumain, bakit ako bawal!" Inis na inis na sabi ko kay Kuya Axel. Parang ang unfair naman 'no?

"Madalang lang naman kasi akong kumain nito, hindi ako katulad mo na parang mauubusan ng chocolate kaya sinusulit ang pagkain," sabi ni Kuya Axel habang nginunguya yung chocolate with so much satisfaction.

I just rolled my eyes at him. Wala na akong nagawa. "Can I borrow your phone, Kuya?" I asked instead. Wala naman akong magawa e.

He handed it to me without hesitation. I opened his messenger and I literally raised an eyebrow when I saw all the girls chatting with him. Grabe, ang dami! Mga kasing edad lang namin tapos panay chat sa kanya ng "Crush kita," "Kuya Axel ang gwapo mo," etc.

But what made me laugh? Hindi naman niya sini-seen yung mga 'yon! Seen zone lang talaga lahat. Ang tanging sine-seen lang niya ay yung chat ni Auntie Catherine saka nila Mommy. Loyal talaga sa pamilya.

Hinanap ko yung pangalan ni Daddy sa contacts niya. Nung nakita ko, pinindot ko ito agad saka ko pinindot yung voice message button.

"Daddy, wag mong kakalimutan yung Jollibee ko po!" Sabi ko sa mic. "Daddy, tas yung chicken din po ha, yung spicy! I love you po," malambing na sabi ko tapos send agad.

I looked at Kuya Axel when he started laughing loudly. Like, sobrang lakas ng tawa niya. I pouted. Even Nanay Isabela was laughing too.

"You're so sweet when it comes to Jollibee!" Kuya Axel said teasingly.

"You don't care, Kuya," sabi ko. I looked at Nanay Isabela as she wiped the table, busy sa ginagawa niya.

This is my chance. Lumapit ako kay Kuya Axel at bumulong. "Kuya... takas tayo," nakangiti ako pero mahina lang ang boses ko, sapat na para siya lang ang makarinig.

"Idadamay mo nanaman ako sa kalokohan mo," reklamo niya pero kita ko sa mata niya na curious din siya.

"We're just going to the underground," sabi ko.

"Underground?" Tanong ni Kuya Axel, halata sa mukha niya yung pagtataka. "Anong underground?"

"Eto kasi Kuya, sa likod ng mansion na 'to may underground doon. Napaka dami ding armas doon, iba't iba, malalaki at maliliit," sabi ko sa kanya nang excited.

"Tas kay Daddy meron din siyang sariling underground," dugtong ko pa. Mas marami doon at mas cool tignan.

"Paano mo nalaman yan?" Tanong ni Kuya Axel, medyo naninibago.

"Secret, Kuya," nakangiti kong sabi.

How did I know? Simple. I followed Daddy once. I'm actually very good at hiding and sneaking around, pero sobrang kinabahan ako nung time na 'yon. Daddy's smart, I know that. He could easily catch anyone. But since I'm his daughter... he'll never catch me. I am the girl version of Daddy.

"Where are we going exactly?" Kuya Axel asked.

"Sa underground ni Daddy!" I said excitedly. That place is like a secret treasure room.

Palihim kaming naglakad ni Kuya Axel palabas ng main door. Buti na lang talaga nakatalikod samin si Nanay Isabela at abala sa paglilinis. Nung nakalabas na kami, tumakbo kami agad papunta sa gate at binuksan namin ito.

Pagkalabas namin, sumakay ako agad sa sasakyan ni Daddy-yung sports car na paborito niya. Sa likod lang naman ng mansion pero bakit kailangan pa mag sports car, napakalawak kasi ng mansion na 'to, hindi pwedeng maglakad lang.

"Althea, I don't know how to drive," sabi ni Kuya Axel habang nakatayo sa labas ng pinto.

"Don't worry, Kuya Axel, I know how," I said with a smirk. I learned secretly, okay?

Nag-aalangan pa siyang sumakay kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Get in, Kuya," utos ko. Pero ayaw pa rin niya.

"One," I counted slowly.

"Two," ngumiti na ako. "Pag hindi ka sumakay Kuya Axel, iiwanan talaga kita dito mag-isa. Maglalakad pauwi."

"Two and a half..." pagpapatuloy ko sa pagbibilang, handa nang paandarin yung makina.

"Bahala na nga!" Sabi niya saka sumakay sa backseat. Takot na takot siya e.

Nagkabit siya agad ng seatbelt, sobrang higpit pa. Sinimulan ko nang paandarin yung sasakyan. Hindi ako nagdalawang-isip, tinodo ko agad yung acceleration para madali kaming makarating.

"What the f*ck, nahihilo ako!" Sigaw ni Kuya Axel sa likod. Kaya ngumisi lang ako at mas binilisan pa lalo ang pagpapatakbo.

"S-stop it, y-you're going to k-kill me, Althea!" Nauutal na sabi ni Kuya Axel habang nakakapit nang mahigpit sa upuan. Nag-o-overtake kasi ako sa mga sasakyan sa daan, feeling ko race driver ako. Iikot pa kasi kami bago makarating sa underground.

Pwede na talaga akong sumali sa mga car racing sa future, for real. Ang galing ko talaga.

"Argh, my head hurts," reklamo niya paulit-ulit.

Mabilis lang kaming nakarating. Akmang ihihinto ko na sana yung sasakyan nang maisip ko... i-prank ko nga siya! Perfect timing.

Akmang ibabangga ko ito sa malaking puno sa gilid. Full speed akong pumunta doon.

"A-Althea, I'm telling you, d-don't do it!" Kuya Axel said, stuttering so bad. I was good at this now. I knew exactly what his weakness was. Takot siya mamatay!

Just before we hit it, I quickly turned the steering wheel hard to the right, causing the car to spin 360 degrees, and then I stepped on the brake hard para tumigil agad.

Nakangiti akong lumabas ng kotse. Samantalang si Kuya Axel... paglabas niya, nakapikit siya at nakahawak sa ulo. He leaned against the car door looking so pale.

"A-ayoko na, grabe k-ka! Papatayin mo ko sa kaba, n-nahihilo din ako," he said, struggling to stand straight. Parang lasing kung maglakad.

"Ganti lang, ngayon lang ako gumanti sa pang-aasar mo sakin kanina," sabi ko saka naglakad papasok. Tumingin ako pabalik kay Kuya Axel, hirap na hirap maglakad. Parang matutumba na siya kung hindi aalalayan.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hay naku, drama king. Saka ko siya binalikan, sinabayan ko siya sa paglalakad at inalalayan ko na rin. Lagot ako kay Auntie Catherine nito kapag nakita niya si Kuya Axel na ganyan itsura.

Pumasok kami sa loob ng underground ni Daddy. The place was huge, filled with high tech gadgets and so many weapons lined up on the walls. I liked it better here kasi ang astig tignan.

Habang naglalakad-lakad kami at pinagmamasdan yung mga baril at kutsilyo, may nakita kaming babaeng nakatali sa isang upuan sa dulo ng kwarto.

"Who are you?" I asked her approaching slowly. She wanted to speak, but she couldn't because her mouth was covered with duct tape.

Tinanggal ko yung tape sa bibig niya para makapagsalita siya.

"P-please let me go," she pleaded, mukhang takot na takot.

"Pakawalan natin, buntis pa naman eh," bulong sa akin ni Kuya Axel.

I raised an eyebrow at him. Buntis? She's probably an enemy or something na hinuli nila Daddy, so why would we let her go just like that? Is Kuya Axel thinking straight?

"I'm Zahra Flores Sanders. Please let me go. I'll stop Heiro," nagmamakaawang sabi niya. Heiro? Who's that?

"Are you an enemy?" Kuya Axel asked bluntly. What kind of question is that? Obviously, bakit siya nakatali kung hindi?

"Hindi niyo ko kalaban, ayoko ng gulo. Gusto ko lang umuwi," sabi niya.

"On one condition," I said firmly. I'm not just gonna let her go without getting something in return.

"W-what?" she asked nervously.

"Nasan sila Daddy?" Tanong ko diretso.

"Daddy?" Tanong niya, parang naguluhan.

"Yeah, Jaiden Zafreus Velasquez. He's my father. Where is he right now?" I asked again, this time mas seryoso boses ko.

"Y-you're the-" she tried to say something about being an heir or something.

I cut her off immediately because I was tired of hearing that "heir" stuff. Alam ko na yun e, paulit-ulit na lang.

"Tama na po, alam ko na yan," I said coldly. Then I walked around the table and found a sharp knife.

I grabbed the knife and used it to cut the ropes tying her hands and feet. Then, without looking, I threw the knife back where I got it, and it landed perfectly standing upright sa wooden stand.

"Wow, ang cool!" Sabi ni Kuya Axel, nakalimutan na nahihilo pala siya kanina.

"Tara na po, ako ang magda-drive pabalik," sabi ko ready na sumakay ulit.

"A-ayoko na!" Reklamo ni Kuya Axel agad. "Ikaw na bahala, ayoko na sumakay sa sasakyan na ikaw ang driver."

Di ko na lang siya pinansin saka ako lumabas na ng pinto.

"M-miss Zahra, i-ikaw na lang po ang mag d-drive," sabi ni Kuya Axel sabay abot ng susi sa babae. Takot na takot talaga sa driving skills ko.

Nagpout na lang ako. Keri lang, at least nakarating naman kami di ba?

But as we walked back to the car, I couldn't help but wonder... Sino ba talaga siya? And bakit siya nandoon? Mukhang may malaking sekreto si Daddy na hindi namin alam. Well, whatever it is, I'm sure malalaman ko rin soon. I am Althea, after all.









A/N: Angas talaga ng bulinggit na si Althea. Ang liit liit ang angas angas!
5 chapter nalang huhu🥹🫂

HIDING HIS DAUGHTER (UNDER EDITING)Stories to obsess over. Discover now