CHAPTER 44

1K 19 2
                                        

ADRIAN'S POV


Magkakasama kami nila Jaiden ngayon at sinusubukan naming i-track kung nasaan na sila Sunshine. My heart was pounding so hard inside my chest, hindi ko mapigilan ang kaba at galit na nararamdaman ko. May nag-message sa akin kanina na hawak nila ang babaeng mahal ko, at sa totoo lang, kapag may nangyaring kahit katiting na masama sa Sunshine ko, makakapatay talaga ako. Walang pwedeng tumigil sa akin.

Ganun din naman ang nararamdaman ni Anthony at Alvin para sa prinsesa namin, kay Angela. Alam kong ready na ready na rin silang pumatay para sa mga mahal nila.

"Got it," Jaiden said, and we all turned to look at him. He was already tracking Angela's phone using his laptop.

Napakunot ang noo namin nang may makita kaming message na puro symbols lang. Hindi naman familiar sa akin 'yan, may ganyan bang message?

\/\/ /\/ \//\ /\// //// /\ / \\/\ /\\ /\\\ /\// \/// /\ / /\//

"Wala akong maintindihan, ano ba 'yan?" tanong ni Anthony, halatang naiinis na rin.

"Code," Jaiden answered simply, which made me even more interested.

"What kind of code is that?" I asked him.

"Tom Tom code," Jaiden replied calmly.

"Alam mo agad?" tanong ulit ni Anthony.

"Of course, Tom Tom code is my favorite code, so I know," he answered confidently.

"Then what does it mean?" Alvin asked in his usual calm voice.

Jaiden started decoding it one by one.

\/\/ means Y
/\/ means O
\//\ means U
/\// means R
//// means D
/\ means E
/ means A
\\/\ means T
/\\ means H
/\\\ means I
/\// means S
\/// means N
/\ means E
/ means A
/\// means R

"Your death is near," malamig na sabi ni Jaiden nang mabuo niya ang sentence.

Napasinghal ako sa inis. "Damn it, they really want Angela. If anything happens to my sister or my baby, I'm going to kill those bastards," Anthony raged, his voice trembling with fury. Kita mo sa mukha niya na handa na siyang gumawa ng paraan para iligtas ang pamilya niya.

I clenched my fists tightly. Galit. Pag-aalala. Lahat 'yon nandoon.

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na," malamig na sabi ni Jaiden habang isinasara ang laptop niya.

"Alam mo na ba kung nasaan sila?" tanong ni Alvin.

"I know. I already called my right hand and sent him there. Masyadong delikado 'yang lugar na 'yon, maraming patibong," sabi niya habang naglalakad kami palabas.

"My baby is pregnant, damn it," Anthony muttered under his breath, halatang hindi mapakali.

Alvin remained calm, pero ako? I was completely consumed with worry for my Sunshine, Shean. I trust her so much, alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya. She was an assassin, after all. And her father was the most dangerous man in Thailand. May tiwala ako sa kakayahan niya, pero nag-aalala pa rin talaga ako. Hindi ko kayang mawala siya.

Napatingin kaming lahat kay Jaiden nang may tumawag sa kanya at niloud speaker niya ang cellphone.

"Rank 1," boses ni Heiro.

"Heiro," I called out his name, feeling the anger rise even more.

"Ako nga! Hawak ko ang buhay ng kapatid niyo, at ang pinakamamahal mo Jaiden," sabi niya sa kabilang linya. Wala siyang katakot takot.

"You bastard, Heiro! If anything happens to our sister or Xianna, I'll chop your head off!" galit na sigaw ni Anthony sa phone.

"Oh, I'm so scared," Heiro said sarcastically. Napaka-ahas talaga ng lalaking 'yon.

But then, Jaiden spoke with a smirk on his face. "I also have Zahra Flores Sanders, your wife. She's 8 months pregnant, right?"

Tumahimik ang kabilang linya. I shook my head, amazed by how sharp Jaiden's mind was. He always knows exactly what to say and who to target.

"I don't care if you kill her," malamig na sabi ni Heiro saka niya ibinaba ang tawag.

"Tang*na niya! Asawa't anak niya, okay lang sa kanyang mawala?" sigaw ni Anthony sa galit.

Napailing na lang ako. "Ayaw lang niyang mahuli siya, pero alam kong kahinaan niya talaga ang asawa niya," sabi ni Alvin, na tama naman. Pinipilit lang niyang maging matigas.

"Hawak mo talaga ang asawa niya?" tanong ko kay Jaiden habang sumasakay na ako sa kotse ko.

"Yes," maikli niyang sagot.

Sumakay na rin sila sa kani-kanilang mga kotse. Pinaandar ko agad ang makina at hinawakan ng mahigpit ang manibela. Kinuha ko ang baril ko at inilagay sa tabi ko, ready na ready na.

Nakikipagsabayan sa akin ang kotse ni Alvin kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Gusto ko nang makarating doon. Gusto ko nang makita si Sunshine.

Tumingin ako sa phone ko nang mag-message si Jaiden: We're going to the forest.

Biglang bumangga sa gilid ng kotse ko si Anthony. "F*ck! Ang mahal ng sasakyan na 'to, gagasgasan mo lang?" sigaw ko kahit alam kong hindi niya naririnig.

I smirked nang maunahan kami ng kotse ni Jaiden. Ang bilis! Hindi ko maabutan, pero buti na lang nakasunod pa rin ako sa likod niya.



/ FAST-FORWARD

Kakababa ko lang ng kotse ko at tama nga, nasa gitna kami ng gubat. Marami na ring tauhan ang nandito, handa na para sa giyera.

The Black Diamond, our group, and The Black Mamba Clan, Jaiden's group, were all present here. Iba't ibang klase ng armas ang dala nila.

Napatingin ako sa kanan at nakita ko ang right hand man ni Jaiden. Binigyan niya ako ng malamig na tingin. This was the guy I fought before. I still remember how annoying he was. Gusto ko pa ring sakalin siya hanggang sa mamula ang leeg niya, pero ngayon, kailangan muna naming magtulungan.

Naglakad kami papasok sa kagubatan. Napakasukal pa at madilim, pero sanay na kami sa ganitong environment.

"I'm really worried about Xianna," sabi ni Anthony habang naglalakad. Napailing na lang ako. Hindi ba dapat siya ang mag-alala sayo, Anthony? Lalo na at alam niyang delikado ang pupuntahan namin.

Hindi tumigil magsalita si Anthony habang naglalakad kami. Sabi niya mamamatay daw siya kapag hindi niya nakita si Xianna. Napangiti na lang ako nang mapait kasi ganun din ako. Ako man, mamatay na rin kapag hindi ko pa nakita ang Sunshine ko. Miss na miss ko na siya agad.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay na parang abandonado pero alam kong maraming bantay sa loob niyan. Ramdam ko ang presensya nila.

Pagkapasok namin sa pinto, biglang nagsimula ang putukan. Putok ng baril, sigawan, at lagutok ng bala ang bumungad sa amin.

Walang sinanto. Lahat ng kalaban na makikita ko ay binabaril ko diretso sa puso. Para sa akin, iyon ang pinakamabilis na paraan. At least, kahit heartbroken sila sa buhay, mabibigyan ko sila ng bullet sa puso.

"Paramihan tayo ng mapatay, Kuya?" sigaw sa akin ni Anthony habang nagpapaputok.

"Sige ba!" sagot ko habang binabaril sa puso lahat ng madaanan ko.

My eyes searched for Jaiden and I found him in the corner, untying Angela. Teka nasan ang hinayupak na Heiro na 'yon nanggagalaiti na yung kamay kong pugutan siya ng ulo, siguradong pupuntahan noon si Zahra. Mabilis akong lumapit sa kanila at inalis ang tali sa kamay ni Sunshine.

"Sunshine, are you okay?" tanong ko agad sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay saka niya pinitik ang noo ko.

"Ouch!" reklamo ko.

"Ang tagal niyo! Muntik nang mapatay ang kapatid mo," sabi niya sabay turo kay Angela. Nakita kong sobrang tamlay nito.

Nilapitan ko ang kapatid ko si Angela, saka hinalikan siya sa noo.

"I'm sorry, my princess," ani ko dito, nginitian niya lang ako.

"Thank you, Kuya." sabi ni Angela, at nilapitan na ulit siya ni Jaiden. Pinuntahan ko ulit si Sunshine ko.

"Did they do anything to you?" I asked seriously, checking her whole body kung may tama o galos.

I was surprised when she quickly grabbed the gun from my hand and pulled me away from my position. As I turned around, the bullet she fired struck straight to the head of the guy behind me who was about to shoot me. Deadshot.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Good thing I saw that, or you'd be dead," sabi niya sa akin na parang naiinis pero alam kong concern siya.

"Ang sama mo naman," biro ko.

"I can handle myself. Watch over your sister, she's pregnant," she said firmly.

"A-ano?! Pregnant?" gulat na tanong ko. Aba, lintik! Si Jaiden talaga, nakadalawa na ah!

She pointed the gun directly at me. "I'll shoot this gun in your mouth if you keep asking questions, Adrian. We're in the middle of a fight, and you're still thinking about asking questions?" sabi niya saka binaril agad ang isang lalaking papalapit sa amin.

"Pa-kiss muna, isa lang," pakiusap ko sabay ngisi. Tinaasan niya lang ako nang kilay.

"No way," sabi niya saka niya pinaikot-ikot ang baril na hawak niya parang isang pro, tapos binaril ulit sa ulo ang kalaban.

Napansin ko, sa ulo talaga ang puntirya niya. Ako kasi, kapag pumapatay ng kalaban, sa puso ako tumatarget. Iba talaga kami ng style.

I smirked at Sunshine and suddenly stole a quick kiss from her lips. She just shook her head at what I did, pero hindi na siya umangal. Alam kong miss niya rin ako.

"Let's finish this," sabi ko sabay hawak ulit sa baril ko. This is far from over, pero babawiin namin ang lahat. Walang makakatalo sa amin.

HIDING HIS DAUGHTER (UNDER EDITING)Stories to obsess over. Discover now