"honey, mag iingat ka lagi at alagaan mo ang lola mo. Wag ka mag alala magbabakasyon kami lagi ng Daddy mo.".. sambit ni mama...."Yes Mom, basta tuwing holiday season kailangan magkakasama tayo. Sigurado magiging masaya si lola"..sagot ko... "Oo naman anak. Lalo na itong mama mo lagi ka tatawagan. Mamimis ka namin lagi, nag iisa kong prinsesa."..."Dad, drama mo.. Pati si Mom nadadala mo."..."honey, it's time.. aalis na kami be careful always at tatawagan kita madalas. Bye honey".."bye Mom and Dad".. Pagpasok ni Mom at Dad sa airport umalis na'ko kasama ng driver namin sa bahay.
11 am dumating na kami ng bahay. Si lola nasa kusina nagluluto kahit na 70 na si lola malakas pa din. Kahit si lolo, ang kaso si lolo may history sa family nya ng cancer kaya maaga syang nawala... "lola, bakit kayo gumagawa nyan? May tagaluto naman tayo. Mapapagod kayo nyan at kaya ako andito para alagaan kayo."..."Apo, hayaan mo ko ipagluluto kita. Noong andito pa ang lolo mo lagi ko rin sya pinagluluto. Apo, alam ko hindi ka pa nakakain ng lutong pinoy. Kaya pinagluto kita magugustuhan mo ito."...."La, kahit anong luto yan magugustuhan ko hindi ako mapili sa pagkain."..."Mandy, tara na sa dinning area si Lucille na maghahanda para satin."... Sinabi pala ni mama kay lola ang palayaw ko. Si Lucille ang yaya ni lola at magaasikaso sa mga kailangan namin.
"wow lola ang sarap nito. Anong luto ito?"..tanong ko..."adobo paborito din ng lolo mo yan.".... "magiging paborito ko 'to lola. Ang sarap manamis namis at alat pero sakto lang ang timpla."... "Sabi sayo apo magugustuhan mo. Wag kang mag alala ipagluluto kita ng maraming lutong pinoy. Magugustuhan mo Apo!"... "Salamat po lola."..... "sya nga pala Apo, diba ngayon ang simula ng pasok mo sa school."... "Opo bukas na po ako papasok.".. "mag sabi ka lang sa'kin kung magkaproblema ka sa school mo. Ang may ari ng school na 'yun ay best friend ng lolo mo."... "Opo. La.... Minsan po lola turuan nyo po ako magluto ah. Para marami akong alam nalutuin."... "aba Apo mabuti 'yan at naisip mo wag ka mag alala ituturo ko sayo ang mga alam kong lutuin"..
Pagkatapos namin mag lunch ni lola. Andun naman sya sa garden nya. Bukod sa mahal ni lola ang pagluluto. Mahilig din sa bulaklak, may garden si lola mga rosas at iba pang mga bulaklak. Sabi ni mama un daw ang paboritong gawin ni lola at higit sa lahat magsimba tuwing lingo.
Andito ako sa kwarto ko nagpapahinga. Naisipan kong magpunta sa veranda. Ang bahay ni lola napakalaki para saming dalawa. Tatlong palapag at syempre nasa pinakamataas na floor ang kwarto ko. Malaking kwarto, may sariling shower at may sariling terrace o veranda. Mula sa dito natatanaw ko ang kalsada sa labas at mga bahay na pareho ng laki ng bagay ni lola pero magkakaiba ng desenyo. May umagaw ng atensyon ko. Isang grupo ng mga lalaki, nasa terrace ng katapat ng bahay namin. Kahit malayo sapat ng makita ko ng malinaw ang itsura nila.
Leave some comment and votes
BINABASA MO ANG
School Rivalry
Teen FictionA girl grown from different country....that's Madison. After her grandfather died her parents sent her to the Philippines to be with her grandmother. She meet two handsome boys from different school. First, she meet Robin...the snobbish, gorgeous an...