Chapter 10

37 4 0
                                    

Robin Point of View

2 am hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa din si Mandy, ang pagsampal nya sa'kin kanina. Wala akong balak na gamitin sya para gumanti kay Jana. Hindi ko iniexpected na andun si Jana sa park. Matagal na'ko hindi nakakapunta dun, ang huling punta ko ay ung nakainom ako dahil nagbreak kami ni Jana. Tapos ngayon lang uli at kasama ko si Mandy. Ang babaeng un ang gaan ng loob ko sa kanya. Kanina habang ginagamot nya 'ko hindi ko maiwasan na tumitig sa kanya. Maganda sya at ang amo ng mukha nya. Naiinis ako pag may lumalapit sa kanya. Lalo nang may nag invited sa kanya kumain sa labas. Pakiramdam ko kailangan ko syang protektahan.

6 am pa lang gising na'ko.. Naligo at nagready na pumasok sa school. Kailangan maaga ako pumasok sa school at magpunta sa clinic. Hihingi ako ng letter para kay Mandy. Sasabihin ko sa nurse may sakit sya kaya hindi sya nakapasok ng two days sa ibang klase nya at bigyan ng valid reason na letter. Pagbaba ko ng hagdanan gulat na gulat si mama't papa. "Patay na ba ko? At para kayong nakakita ng multo!" "Robin, nagulat lang kami ng Daddy mo. Ito kasi ang unang beses na maaga kang gumising. Dahil ba 'to kay Mandy?." "Ma, amo ba yang pinagsasabi mo. Hindi no, gusto ko lang pumasok ng maaga. May practice ng basketball." "Liar, ee bakit ang kapatid mo tulog pa basketball din naman kapatid mo. Don't worry anak gusto namin ng Daddy mo si Mandy" "Ma, stop it.. May aasikasuhin lang ako sa school. Alis na'ko ma, dad." "Robin, aga pa tulog pa un si Mandy"...Pahabol ni Dad... Ang agaaga si Mom at Dad nangaasar.

Dala ang kotse ko nagdrive na'ko papuntang school. 7 am dumating ako ng school. Dumiretso ako agad sa clinic para manghingi ng letter para kay Mandy. Ang gagawin ko na lang antayin si Mandy.

Madison Point of View

Mas maaga ako ng pasok ngayon kaysa kahapon. Ano kaya pinagbubulungan ng mga studyante na'to, ako kaya?. Shit baka kumalat ung sinabi ni Robin sa buong klase na girlfriend nya ko. Kailangan dumiretso na'ko ng classroom para di na nila ko pagusapan. Habang naglalakad ako sa hallway may humarang sa'kin na grupo ng mga babae.

Leave some comment and votes

School RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon