Nagulat ako sa reaction ng Daddy ni Robin. Bigla syang tumawa..... "Hon, mukhang maswerte pa din ang anak natin. At may kaibigan syang nagtatagol sa kanya. So iha anong pangalan mo?"....tanong ng papa ni Robin.. "Madison po, Madison Miller".. "ah ikaw ang granddaughter ni Mr. and Mrs. Miller?".. "Opo.. Nice to meet you po". "Gusto kitang kaibigan ng anak ko. Sa unang pagkakataon ngayon lang may nagtanggol kay Robin. Sana mabago mo sya"...pahayag ng Daddy nya.. "iha, dito ka na lang mag dinner. Tatawag na lang ako sa lola mo sasabihin ko andito ka samin para hindi sya mag alala." "maraming salamat po. Pero sa bahay na lang po mam wala po kasing kasabay ang lola ko mag dinner po"... "tita Ana na lang itawag mo sa'kin iha".. "Salamat po tita Ana"...
Pagkatapos si tita Ana at Daddy ni Robin pagpaalam sila at umakyat na sila. Naiwan na lang ako at si Robin, then dumating ang maid nila dala ang first aid kit. Kumuha ako ng cotton nilagyan ng alcohol para linisin ang sugat ni Robin. "Aray! Dahan dahan naman mahapdi! Bakit ka tumatawa?"... "Wala, kanina kasi ang tapang mo tapos ang katapat mo lang pala alcohol. Oh bakit ka nakatingin sa'kin ng ganyan? Nagkakagusto ka sa'kin noh?"... "Ang lakas naman ng loob mong sabihin nya. Baka ikaw saka hindi ikaw ang gusto kung babae."... "Sabi mo ee!".. Ang gwapo talaga nya lalu na sa malapitan. Ang labi't mga mata nya nakakaakit. "Oh ayan tapos na.. Nalagyan ko na ng band aid. Bayad na'ko sayo ah sa pagtatanggol mo sa'kin."... Ito na naman silent mode naman sya. "Robin? Baka pwede na'ko umuwi tutal okay na ung sugat mo. Wag mo na kong ihatid sa tapat lang bahay namin." "Sinong nagsabi na ihahatid kita?!"... "Kaya nga inunahan na kita ee"... "Akin na cellphone mo?"... "Bakit?"... "ibigay mo na lang... Bilis!".....aba itong mokong na 'to kung umasta akala mo boss. Inabot ko sa kanya cellphone ko. Idinayal lang nya number nya sa phone ko para mag ring cellphone nya. "Ayan nakaphonebook na number ko sa cp mo. At nasa sa'kin na din ang number mo." "sinong nagsabi sayo na pwede mong kunin number ko?!" "nakalimutan mo ba ung sinabi ko. Girlfriend na kita... At pag nagtext ako sayo magrereply ka agad. Pagtumawag ako sagutin mo at susunod ka sa'kin." "pa'no ka nakakasigurado na susunod ako sayo?"... "susunod ka... Bahala ka pag nalaman ng fans club ko. Magugulo buhay mo sa school."...gusto ba ata akong e blackmail nito... "jan ka nga.. Uuwi na'ko saka hindi mo ko girlfriend."...
Sakto ang pagdating ko sa bahay, paalis pa lang si mang Lucas. "mam bakit hindi nyo ko inantay sa school para sunduhin ko kayo?"... "Mang Lucas Mandy na lang po itawag nyo po sa'kin. Pasensya na po sinabay ako ng kaibigan ko sa school. Hindi po ako nakatanggi sa susunod mo magtitext po ako."...pumasok na'ko sa loob naabutan ko si lola nasa garden.. "mano po lola"... "aba, apo ang aga mo atang nakauwi paalis pa lang si Lucas." "pinasabay ako ng kaibigan ko sa school po hindi na po ako nakatanggi.".. "maigi at may kaibigan ka na. Anong pangalan ng kaibigan mo?" "Trixie po..." ... Pagsisinungaling ko, baka kasi isipin ni lola may boyfriend na'ko agad pag sinabi ko si Robin. "umakyat at magbihis ka na apo tapos bumaba ka at maghapunan"... Tulad ng sabi ni lola umakyat na'ko sa kwarto ko.
Leave some comment and votes
BINABASA MO ANG
School Rivalry
Teen FictionA girl grown from different country....that's Madison. After her grandfather died her parents sent her to the Philippines to be with her grandmother. She meet two handsome boys from different school. First, she meet Robin...the snobbish, gorgeous an...