"Ikaw ba si Madison?"...tanong ng isa sa kanila.. "Ako nga".. "Maganda ka pala talaga. Kaya nagustuhan ka ni Robin."...ang iniisip ba ng babae na 'to girlfriend ako ni Robin. "nagkakamali ka ng iniisip mo. Hindi ako girlfriend ni Robin."...isa sa kanila tinulak ako at napaatras ng ng konti. "ang lakas naman ng loob mo itanggi si Robin. Ano ibig mong sabihin sinungaling si Robin."... "Ang kapal naman ng mukha nya guys para sabihin na nagsinungaling si Robin." "dapat sa kanya tinuturuan ng leksyon."... sasampalin na'ko ng isa sa mga babae, hindi ko alam gagawin ko pinikit ko na lang mata ko. "Subukan mong ituloy 'yan makakatikim ka sa'kin."....dinilat ko mata ko. Si Robin..tinulak nya ung babaeng sasampal sana sa'kin bumanda sa pader ng hallway, nagatrasan ung ibang mga babae. "Makinig kayong mabuti, sa oras na magbalak pa kayo ng masama kay Mandy, pagsisisihan nyo dito kayo nagaral sa Monte high. Umalis na kayo bago pa magdilim ang paningin ko."... Lahat ng grupo ng mga fans club naglaho sa paningin ko. Si Robin at ako lang natira. "Okay lang Mandy?" "tinatanung mo kung okay ako? Nakita mo naman diba kung hindi ka dumating sasaktan ako ng isa sa kanila. Kasalanan mo kung hindi mo sinabing girlfriend mo ako sa klase hindi sana nila ako guguluhin." "I'm sorry, ito pala para sayo. Letter yan para makaexcuse ka sa klase mo na may absent ka. Hindi nakita guguluhin."...tinupad nya sinabi nya sa'kin sya ang bahala sa mga subject ko. "Saan ka pupunta? Malapit na magstart ang klase natin"...hindi sya tumigil sa paglalakad kaya sundan ko sya at hinila paharap. "Pumasok ka na. Konsensya ko pa kapag di ka pumasok. Pinapatawad na kita...masyado lang siguro ako nag react. Pumasok na tayo?!"....hindi na sya nagsalita pero sinunod naman nya ko. Sabay na kaming pumasok.
Late na kaming pumasok sa klase pero wala pa si Mrs. Santos. Tahimik at nakatingin samin ang mga classmate namin. Lalo na sina Melvin, Edward, Sam, Niki, Fred at Trixie. Hindi na lang ako uminum, umupo na lang ako sa upuan ko at pati si Robin. Sakto dumating si Mrs. Santos "Goodmorning class, sorry I'm late nag paxerox pa ko ng test paper. We have a surprise long quiz today. So put down all your things. Ang makikita ko lang sa desk nyo ay ballpen nyo lang."... So lahat ng gamit namin binaba. Isa isa kaming binigyan ng test paper ni Mrs. Santos. Medyo mahirap ang exam namin sa English, pero sa'kin sisiw lang 30 minutes kaya ko na 'tong tapusin.
Leave some comment and votes
BINABASA MO ANG
School Rivalry
Novela JuvenilA girl grown from different country....that's Madison. After her grandfather died her parents sent her to the Philippines to be with her grandmother. She meet two handsome boys from different school. First, she meet Robin...the snobbish, gorgeous an...