FORTY

336 20 8
                                    

"I don't get it, Dad. Paano nakilala ni Mommy ang mommy ni Zayn?"

"Personal assistant ni Eleanor ang mommy mo noon sa bar, Fleur."

"P.A.? Sa bar?" takang tanong ko saka tumingin kay Zayn.

"P.A. sa bar? Are you saying that my mom is a...?

"Yes," putol ni daddy sa sasabihin ni Zayn. "She was... siya ang una kong nakilala ko bago ang mommy ni Keisha. Nagkakalabuan na kami ni Leona noon dahil sa kagustuhan kong magkaanak ng babae, at ayaw na niyang mag-anak pa dahil tama na sa kanya ang apat. Umalis siya at nilayasan ako, tangay ang mga anak ko, papuntang Amerika. Pero imbes na suyuin siya ay naghagilap ako ng babae para lang matupad ang kagustuhan kong magkaanak ng babae. One of my business partners suggested a good bar and a woman that could fulfil my needs, and that woman was Eleanor, one of the dancers. Siya ang napili kong maging ina ng anak ko, hoping na sana nga ay maging babae. To make a long story short, we made a deal, at nabuntis siya. After six months, I found that the baby is a boy. I had no choice but to accept the baby, dahil anak ko ito, at isa itong Del Valle. Pero kasabay noon ay napapansin ko rin na iba ang closeness nina Eleanor at ng kaibigan ko. Madalas ko silang nahuhuli na magkasama, at sa mga kilos ng kaibigan ko ay parang kulang na lang angkinin niya ang bata, kaya nagduda ako."

"Lihim kong pina-DNA ang bata sa tiyan niya sa tulong ng kakila kong doktor, at nalaman kong hindi ako ang ama. Nalaman ni Eleanor ang ginawa ko kaya bigla na lang siya nawala, kasabay ng pagkawala ng kaibigan ko, tangay ang malaking halagang kinuha niya sa business namin. I tried to find them, pero hindi nahirapan ako. Ngayon ko lang rin nalaman na kaya pala hindi ko sila mahanap noon ay dahil nagpalit na pala sila ng pangalan. His name is Crisostomo Coleman, but he changed it to Leandro Collins. Pati ang mommy mo ay nagpalit din ng apelyido," mahabang sabi ni daddy.

"Leandro Collins, my father?" tanong ni Zayn.

"Oo, ikaw ang tinutukoy kong batang gustong ipaangkiin sa akin ng mommy mo. When Eleanor and Crisostomo left, Zenaida was the one I courted. Mabait siya at walang idea na may asawa ako. Ang buong akala niya ay byudo ako, kaya pinatulan niya ako. It took how many years before I got her pregnant, and that's Keisha. Nang malaman ni Leona na nagkaroon na ako ng anak sa iba ay saka siya nakipagbalikan sa akin. Sinabi ko sa kanya na may anak na ako sa iba, pero sinabi niyang kunin ko ang bata at palalakihin niyang kanya. Nalaman din ni Zenaida ang plano ko, pero sinabi ko sa kanya na walang magbabago dahil hindi ko siya tatalikuran, at susuportahan ko pa rin siya. Kukunin ko lang ang bata at palalakihing anak namin ng asawa ko, pero hindi mapuputol ang sustento ko sa kanya. Pumayag siya noong una, pero nagbago ang isip niya at tinakasan ako, tangay si Keisha."

"Kaya ba galit sa akin ang mommy ni Zayn? Posible na dahil kilala na niya kung sino ang mommy ko?" I said habang pinapasok sa isip ko ang mga sinabi ni daddy.

"Maybe. Lihim na talagang may galit si Eleanor kay Zenaida dahil halos lahat ng customer niya ay ito ang natitipuhan. Matino lang talaga si Zenaida at hindi nanlalaki. Ako ang unang naging lalaki sa buhay niya."

"May sinabi sa akin ang mommy ko noong bata pa ako," singit ni Zayn. "Business partner raw ni Daddy ang nagpapatay sa kanya. Is that you?" diretsang tanong niya kay daddy.

"Oo, ako nga. I killed your dad. Nagkataon na nakita siya ng isa sa mga tauhan ko kaya dinala siya sa akin. But that time, hindi ko alam na nagpalit na pala siya ng pangalan. Pinaamin ko siya kung nasaan ang mommy mo dahil alam kong nasa kanya ang pera ko, pero nagmatigas siya."

"Dad, pinapatay mo ang daddy ni Zayn?"

"It was an accident, Fleur. Ang gusto ko lang ay malaman nasaan si Eleanor, pero nakipag-agawan siya ng baril, at aksidente itong pumutok sa kanya. He tried to fight back kahit may tama na siya, and my men had no choice but to shoot him. Besides, I worked underground, Keisha. He betrayed me. What would you expect?"

Napatingin ako kay Zayn na hindi pa rin nagbabago ang hitsura. Kalmado lang siyang nakikinig sa mga sinabi ni Daddy.

"Sinabi mong may kasalanan si mommy kay Keisha tungkol sa mommy niya. Ano 'yon?" tanong ni Zayn.

"Mommy mo ang bumangga sa mommy ni Keisha."

"What?" Then I looked at Zayn na hindi pa rin nagbabago ang mukha. "How, Dad? Paano nangyari 'yon, at paano mo 'yon nalaman?" muli kong tanong.

"It's all stated in the report. Nasuhulan lang ang mga pulis, lalo na at alam nilang walang pamilya ang mommy mo, bukod sa'yo na walang magagawa para habulin ang kaso. Nang makita ko si Eleanor sa ospital, pinakuha ko na rin ang record ng mommy mo sa pulisya na rumispunde sa aksidente niya. Let's say...a criminal instinct kaya nagduda na ako. At lumabas na tama ang hinala ko."

"Mom killed Fleur's mom. You killed my dad. I think we're even. Patas na tayo, hindi ba?" Zayn said in a calm voice.

"Sinabi mo bang OK lang ang mga nangyayari?" Tita Leona asked him, then looked at me, then looked back at Zayn. "Lalo na ngayon na buhay pa ang mommy mo na pumatay sa mommy ni Keisha at nagtago pa sa mga anak niyo?"

"Buhay rin ang asawa mo na pumatay sa daddy ko, madam," Zayn answered. "Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. No offence means, kung hindi siya nambabae dahil sa kagustuhang magkaanak ng babae na hindi mo naibigay ay hindi sana niya makilala ang mommy ko at ang mommy ni Fleur. Hindi sana nagkagulo na pati kami ay nadamay. So what would you expect about reaction? Ano ba ang dapat kong i-react?"

Tita Leona did not answer when Dad spoke. "Kung tinanggap lang sana ng mommy mo ang pagkakamali niya, o kung hindi sana kayo nagkakilala ni Keisha ay hindi na aabot sa inyo ang kaguluhang nangyari sa amin," he said. "Pati tuloy ang mga bata na walang muwang ay hindi na sana nadamay."

"Totoo ang pagmamahalan namin ni Fleur," may konting inis sa boses ni Zayn pero nanatiling kalmado. "Ang mga anak namin ay bunga ng totoong pagmamahal. Hindi sila bunga ng pagkakamali, at mas lalong hindi sila aksidenteng nabuo. Ginusto kong anakan si Fleur dahil gusto ko siyang makasama habangbuhay. Dahil mahal ko siya. Kung biktima ang mga anak namin dahil tinago sila ng mommy ko. Biktima din kami ni Fleur na nadamay sa problema niyo. Kaya huwag niyo sanang balikan ang nakaraan namin ni Fleur, dahil lang sa problema niyo ng mommy ko. Ikaw ang pumatay sa daddy ko, at kahit patayin mo pa ang mommy ko ay hindi na big deal sa akin. Kahit kamumuhian ako ni Fleur dahil sa ginawa ng mommy ko sa mommy niya ay OK lang sa akin. Ang gusto ko lang ngayon ay mabawi si Kea mula kay Mommy at maibigay kay Fleur para mabuo na ang dalawang bata. After that, pwede na tayong magkanya-kanya. Gawin niyo lahat ng gusto niyong gawin sa mommy ko. Inyong-inyo na siya."

Oh, fuck. Is he mad? Ngayon ko lang siya narinig na naglitanya ng ganoon kahaba sa harap ng ibang tao.

"Hindi mo ba mahal ang mommy mo?" Tita Leona asked, na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Zayn. "She's your mom."

"I will ask you the same question, Madam. Mamahalin mo ba ang taong sumira sa kaligayahan mo at naglayo sa'yo sa taong mahal mo? Kung ikaw ang mommy ko? Sisirain mo ba ang relasyon ng anak mo sa babaeng mahal niya dahil lang sa anak siya ng kaaway mo?"

"No, I will forgive them, dahil mahal ko ang mga anak ko. Uunahin ko ang makakapagpasaya sa kanila dahil mahalaga sa akin ang kaligayan nila."

"Already answered." Then Zayn stood up. "Maraming salamat sa lahat ng impormasyong ibinigay niyo sa akin. But that was all nothing to me. Babalikan ko lang ang anak ko sa kusina para tulungan magligpit nang magkaroon naman ng silbi ang pagtira ko rito."

Zayn left us like nothing had happened.

"Keisha...?" Dad called me.

"Hindi ko alam, Dad. I love Mom so much. But like what Zayn said... my priority now is to get Kea back. After that, saka ko na pag-iisipan ang susunod kong hakbang."

"I will support you, Hija." Tita Leona held my hand. "Lagi akong nasa likod ng mga desisyon mo. Alam mo 'yan."

"Thanks, Tita."

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon