A/N: Si Matt sa gilid. ----------------->
Waaaaaaaaaaah! Ang pogi diba? Emeged :">
-----------------------------
Chapter 2
Clariss's POV
Pagkadating na pagkadating namin sa ospital tumakbo agad ako papuntang Emergency Room. Nakita kong kinakausap na ng doctor si Tita Jhoanna.
“Thank you, Doc.” Sabi ni Tita Jhoanna.
“Tita, anong nangyari?! Pano naaksidente si Matt? Kamusta na si siya?” nagaalalang tanong ko.
Inexplain sakin tita ang nangyari. Nabangga ng truck si Matt habang papunta sa graduation ko. Nawalan daw ng preno ang truck at nabangga ang sasakyan ni Matt. Sa ngayon ay ayos na ang kalagayan ni Matt at ililipat na siya mamaya sa private room.
Pumasok ako sa ER para tignan ang kalagayan ni Matt. Madami siyang sugat lalo na sa muka. Nakabenda ang ulo niya. Pumasok na din si Tita pati si Mama at Papa.
-----------------------
Mga dalawang oras din kaming nagstay sa ospital ng mapagpasyahan ng umuwi ni mama.
“Anak, umuwi muna tayo. Siguradong pagod ka dahil graduation mo kanina.” Oo nga pala. Nakalimutan ko ng graduation ko sa sobrang pagaalala kay Matt.
“Pero Ma, aantayin ko----“
“No hija, you should go. Tama ang mommy mo sigurado ay pagod ka. At kailangan mo din magcelebrate. Graduate ka na!”
“Sige po Tita. Pero babalik po agad ako bukas.”
Tumango si Tita at ngumiti.
Pagkatapos naming magbbye kay tita ay umuwi na kami.
-------------------------
Pagkagising na pagkagising dumiretso nag-ayos agad ako ng sarili ko. Pupunta 'kong ospital ngayon. Pero bago 'ko pumunta lulutuan ko muna ng carbonara si Matt, favorite niya kasi yan eh. Sabi ni Tita may possibility daw na magising na si Matt ngayon sabi sa kanya ng doctor. Pagkatapos kong magluto nagpahatid na 'ko sa driver naming sa ospital.
Tinawagan ko si tita dahil itatanong ko sa kanya ang room number ni Matt.
“Hello Tita, Goodmorning.”
“Oh hija, napatawag ka?”
“Itatanong ko lang po kung ano pong room number ni Matt?”
“Papunta ka naba? Room 307 siya.”
“Opo tita, on the way na po ako. Ahh.. Tita gising na po ba siya?”
“Nako hija hindi pa nga eh. Baka maya-maya ang magigising na siya.”
“Ganun po ba? Sige po tita malapit na po ako.” Medyo nalungkot ako sa sinabi ni tita na hindi pa nagigising si Matt.
-----------------------
Pagkadating ko sa ospital dumiretso kagad ako sa rm. 307. Kasabay ng pagpasok ko sa room ang paglabas ng isang doctor.
“Bisita ka ba ng pasyente?” tanong sakin ng doctor.
“Opo Doc, ako po si Clariss girlfriend ng pasyente.”
“Ah ikaw pala ang girlfriend ni Matt. Ako si Arrel, doctor ako dito, kaibigan din ako ni Matt. Kakaalis lang ni tita Jhoanna kanina. Ipinabantay niya muna sakin si Matt dahil nagkaemergency meeting sa company nila.”
Umalis na pala si Tita. Siguro nakaalis na siya bago pa man ako makadating.
Kaibigan siya ni Matt? Sabagay ‘di naman ako napakilala ni Matt sa isa sa mga kaibigan niya.
“Ah ganun ba? Kamusta na siya? Gising na ba siya?”
“Ayos naman ang lagay niya pero hindi pa siya nagigising. Siguro’y maya-maya lang ay magigising na siya.”... “Sige mauna na ‘ko may kailangan pa kasi akong gawin dito sa ospital. Buti nalang at dumating ka para may magbantay na kay Matt.”
“Ah sige salamat sa pagbabantay.” Sabi ko at umalis na siya.
Pagkapasok ko sa room tumabi agad ako kay Matt.
"Oy Babe! Gising na! Nagluto ako ng carbonara oh!" sabay taas ng carbonara na dala ko.
“Gumising ka na diyan para makain mo na ‘tong dala ko. Sige ka baka mamaya mapanis pa ‘to.”
--------------------
Magiisang oras ko na din siyang binabantayan. Nanood nalang ako ng TV para ‘di ako mabored.
Hahawakan ko sana ang kamay ni Matt ng mapansin kong medyo gumalaw ito.
“Babe? Babe, gising ka naba? Babe?” Gulat kong tanong.
Unti-unting bumukas ang mga mata ni Matt
"Babe?! Babe gising ka na!" sobrang tuwa ko ngayon. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong masakit pa ang katawan niya dahil sa aksidente. "Buti naman at gising ka na. Anong nararamdaman mo ngayon babe? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Sabihin mo lang babe."
Napalitan ng kaba at takot ang saya ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Matt.
"Sino ka?"
BINABASA MO ANG
Don't Forget Me
Short StoryPrologue "We had a beautiful magic love there. What a sad beautiful tragic love affair..." Paulit-ulit kong kinakanta yan sa utak ko... I smiled bitterly... That's a line from a Taylor Swift's song called Sad Beautiful Tragic, tamang tama yang kant...