A/N: Si Xavier po sa sa gilid ------------------->
Thank you po sa pagbabasa. <3
----------------------
Chapter 11
After 4 yrs.
Matt’s POV
4 years na ang nakalipas nung huli ko siyang nakita.
Lagi akong pumupunta sa kanilang bahay nagbabakasakali na bumalik na siya.
Ngayon nga ay naglalakad ako papunta sa kanila. Araw-araw ganito ang lagi kong ginagawa pupunta ako sa kanila tatanungin ko sila tita at tito kung bumalik na siya o kung kelan siya babalik o kung babalik pa ba siya. Pero ang lagi nilang sagot ay “Hindi namin alam hijo.”
Hindi naman nagalit sina tito at tita sa ginawa ko sa una ay nagalit sila sakin pero lagi akong pumupunta sa kanila para humingi ng tawad.
Kahit papano ay napatawad na naman nila ako. Sana ganun din si Clariss pag nagkita kami ulit.
Inexplain ko sa kanila lahat kung ba’t ako nagpanggap at ang rason ng pagpapanggap ko. Buti pa kila tito at tita naexplain ko na pero kay Clariss hindi pa.
Naalala ko yung araw na umalis siya papuntang America. Sobrang nadurog ang puso ko nun. Lahat ginawa ko para lang pigilan siya pero umalis pa din siya. Alam ko na kasalanan ko ang lahat pero sana kung bumalik siya... kung babalik pa nga siya... sana mapatawad niya ‘ko.
Nakipagbreak na din ako kay Jerielle. Hindi din alam ni Jerielle na nagpapanggap akong nagkaamnesia kaya nang sabihin ko sa kanya yan ay sobra siyang nagalit sa akin. Kung alam lang daw niya na nagpapanggap akong may amnesia ay ‘di na niya ‘ko binalikan.
Sa ngayon ay ayos na kami ni Jerielle, napatawad na niya ako.
Sabi pa nga niya ay kay Clariss ako dapat na magpatawad dahil siya ang pinaka nasaktan sa lahat ng ginawa ko.
---------------------------
Nasa tapat na ‘ko ng bahay nila Clariss.
*Dingdong
Pinagbuksan ako ni Manang Tanya ng gate. Siya ang isa sa mga katulong nila Clariss yung pinagmakaawaan ko na hiramin yung sasakyan dati para lang maabutan si Clariss.
Naabutan ko nga siya kaso nakaalis padin siya.
“Oh sir Matt, pasok po kayo.” -manang
“Salamat, Manang Tanya.”
pumasok na ‘ko sa loob.
Pagpasok ko sa loob nakita ko si tita at tito sa may sala.
“Oh Matt hijo. Halika maupo ka dito.”
Umupo na ako.
Tatanungin ko na sana kung nakabalik na si Clariss pero inunahan na ‘ko ni Tito.
“Kung tatanungin mo kung nandito si Clariss, I’m sorry hijo pero hindi pa siya bumabalik.” Napangiti nalang ako ng malungkot. Alam na alam na nila kung anong dahilan sa pagadalaw ko dito ara-araw.
“Sorry po Tita, Tito, alam ko pong nakukulitan na kayo sa akin. Sa araw-araw na pagpunta ko dito para tanungin kayo paulit-ulit kung bumalik na ba si Clariss.”
“Hijo, naiintindihan ka namin. Alam namin na mahal na mahal mo ang aming anak at sana ay mapatawad ka na niya kung bumalik man siya.” - Tita
“Tita, hindi niyo po ba talaga masasabi sa akin kung nasan si Clariss?“
BINABASA MO ANG
Don't Forget Me
Short StoryPrologue "We had a beautiful magic love there. What a sad beautiful tragic love affair..." Paulit-ulit kong kinakanta yan sa utak ko... I smiled bitterly... That's a line from a Taylor Swift's song called Sad Beautiful Tragic, tamang tama yang kant...