Chapter 7 - That should be me

413 10 1
                                    

Chapter 7 

Clariss's POV

Nagulat ako pag-gising ko dahil nakita ko si Love... Si Prince Love Chavez, kababata ko. Nagmigrate sila sa States nung 8 yrs. old kami. Sobra ‘kong nalungkot nun dahil isa siya sa mga tinuturing kong bestfriend maliban kila Shane at Janna.

Pero ngayon ay bumalik na siya. Kaya sobrang saya ko. Napayakap agad ako sa kanya.

“LOVE! Anong ginagawa mo dito?! Kelan ka pa dumating?! Pano ka nakapasok sa kwarto ko?!” sunod-sunod kong tanong.

“Tsss. Hanggang ngayon ba naman Love padin ang tawag mo sakin.”

“Bakit maganda naman ang Love ah!” Ako lang ang tumatawag sa kanya na Love. Ayaw kasi niya na tinatawag siya na Love dahil pambakla daw. Hahahaha

Kumalas na ‘ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

“Kakadating ko lang kagabi. Sorry kung ‘di ko na nasabi sayo. Pinapasok ako ni tita dito gusto kasi kitang isurprise eh.”

Yinakap ko ulit siya. Grabe 14 years ko siyang hindi nakita. Miss na miss ko siya. Nagkakaskype naman kami pero iba padin talaga pag sa personal.

“I missed you!” masayang sabi ko sa kanya.

---------------------

Nagkwentuhan pa kami ni Love. At napagdesisyunan naming na manood ng movie. Mahilig kasi kaming dalawa na manood ng movie nung mga bata kami hanggang ngayon. Sakto nga na nandito siya dahil balak sana naming manood nila Shane at Janna ng movie pero biglaan silang pinauwi ng lola nila sa probinsya kaya hindi natuloy.

Sigurado akong matutuwa si Shane at Janna pag nakita nila si Love, crush kasi nila.

pagkatapos kong magayos ay umalis na kami.

-------------------

"Love, it takes a man and a woman nalang panoorin natin." sabi ko kay Love habang nakakapit sa braso niya.

Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin.

"Clariss? Clariss ikaw nga!" nagulat naman ako dun sa nagbanggit ng pangalan ko. Pagkalingon ko, si Jerielle kasama si Matt.

"Jerielle, Matt, anong gingawa niyo dito? Onga pala si Lo--- Prince nga pala, kaibigan ko." Anong ginagawa nila dito?

"Hi! I'm Prince, kaibigan ni Clariss! :)" masayang bati ni Love

"Hi Prince! I'm Jerielle! At eto naman si Matt boyfriend ko." sabi ni Jerielle "Manunuod din ba kayo ng sine?"

"Ah oo." sabi ko

"Talaga? Anong papanuorin niyo?"

"It takes a man and a woman."

"Matt, it takes a man and a woman nalang din panuorin natin para sama-sama tayong apat!"

O_____O Kami?! Makakasama ko sila! Ayoko! Hindi ko kaya! Masasaktan lang ako

Tumingin ako kay Matt at nagulat ako sa reaksyon ng muka niya.

Bakit ganun? Parang ang sama niya mkaatingin sakin pati kay Love. Galit ba siya kasi inistorbo namin yung date nila ni Jerielle? O Galit pa din ba siya sakin? Kala ko ba ay napatawad na niya ‘ko.

"Wag na hon baka magulo lang natin yung date nila." cold na sabi ni Matt. Teka? Hindi naman kami nagddate ni Matt ah. Manonood lang kami ng sine.

“Hindi yan! Masaya nga yun eh, double date tayo. Tara na bumili na tayo ng ticket." Hindi, hindi masaya yun! :(

Hindi na naman kami nakapalag dahil hinila na ni Jerielle ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito si Jerielle sakin. Oo, magkakilala kami pero hindi naman kami close at mas lalong hindi kami naging magkaibigan. 

---------------------

Nakapasok na kami sa sinehan. Ganito ang posisyon namin

| Jerielle | Matt | Ang magandang si Ako | Love |

Kanina pa nagstart yung movie at kanina pa din ako nabbwisit sa dalawang katabi ko.

Magkayakap si Matt at Jerielle habang nanunuod. Di ko mapigilang magisip... Ako dapat ang nandiyan! Ako dapat ang kayakap ni Matt! Ako dapat ang kadate ni Matt! Ako dapat ang mahal niya!

 Kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lang. Gustong-gusto ko sabihin kay Matt na "Matt, ako ang girlfriend mo! Ako at hindi siya!" pero wala akong lakas para sabihin yun. :'(

"Cla, okay ka lang nilalamig ka ba?" sabi ni Love sabay akbay sakin

"Ayos lang ako Love." sabi ko at nanood nalang.

-----------------

 "Grabe ang ganda ng movie! Sana may part 4!" masayang sabi ni Jerielle. Kakatapos lang ng movie.

Buti pa siya nagandahan. Eh ako wala 'kong naintindihan dahil nadidistract ako sa kanilang dalawa. Nadidistract ako kasweetan nila tulad ng...

"Hon, subuan mo naman ako ng popcorn." baldado lang? Hindi makagalaw?!

"Hon, higpitan mo yung yakap mo nilalamig ako." Humingi ka kaya ng jacket kay Willie.

At ang hindi ko na talaga kinaya eh yung nagkiss sila. P*tang ina lang diba! Sobrang pagpipigil talaga yung ginawa ko nun para lang wag umiyak.

Sabihin niyo nga sakin! Pano kayo makakapagconcentrate manood kung nasa posisyon ko kayo?

"Ah sige guys uuwi na kami ni Love." yan nalang ang nasabi ko dahil 'di ko na alam kung kakayanin ko pa silang makitang ganun kasweet sa isa't-isa. :(

"Love?! Wait lang... Kayo ba?” nagulat naman ako sa tanong ni Jerielle. Napatingin ako kay Matt at masama pa din ang tingin niya samin. Ano bang problema niya? Galit pa din ba siya?

“A-ah hindi! Magkaibigan lang kami. Prince Love kasi ang pangalan ko.” Sagot naman ni Love. Pag tingin ko naman kay Love medyo nagbblush siya.

“Ah ganun ba.. Pero bagay kayo!” sabi ni Jerielle. Tsss. Mas bagay kami ng kadate mo!

“A-ah sige Jerielle, Matt, una na kami.” Sabi ko sabay hila ko kay Love.

"Yun ba si Matt?" tanong ni Love.

"Oo." malungkot kong sabi. Kahit na magkalayo kami ni Love ay lagi din kaming nagkakausap sa skype kaya nakkwento ko sakanya ang mga pangyayari sa buhay ko.

“Wag ka ng malungkot. Tara ililibre kita ng ice cream! Diba favorite mo yun!” inakbayan ako ni Love at naglakad na kami.

Haaaaay Matt, kelan mo kaya ako maaalala? Miss na miss na kita. :'(

---------------------

"Love, thank you sa paghatid ah. Sana nexttime pag lumabas tayo nandito na sila Janna at Shane."

"Kelan ba sila dadating? Gusto ko ng makita yung kambal na yun."

"Next week ang dating nila. Tatawagan ko sila mamaya para sabihing dumating ka na. Ah gusto mo muna bang pumasok?"

"Ah hindi wag na. Sige alis na 'ko. Bye Cla."

"Bye Love." Nagyakapan kami pagkatapos nun sumakay na siya ng kotse niya at umalis na.

Pumasok na din ako sa bahay. Wala pa sila Mama at Papa. SIguro ay nasa trabaho pa.

Pagpasok ko sa kwarto ko bigla 'kong nahilo kaya nagshower na 'ko kaagad. Pagkatapos kong magshower natulog na 'ko kaagad dahil ang sakit talaga ng ulo ko at parang nasusuka ako.

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon