Si Janna at Shane sa gilid --------------->
Sa right side si Shane sa left side si Janna. <3
Thank you sa pagbabasa :)))))
------------------------------
Chapter 6
Clariss's POV
Pagkauwi ko ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at 'di ko na napigilang umiyak.
Iyak lang ako ng iyak ng makita ko yung cd ng a walk to remember. Bigla nanamang may nagflashback sa utak ko...
Flashback...
"Babe, anong gusto mong panuorin?" tanong ni Matt.
"Uhmm... A walk to remember!" tuwang-tuwa kong sagot.
"Babe naman tuwing manonood tayo movie dito sa bahay niyo lagi nalang a walk to remember yung pinapanuod natin."
"Sige na babe! Please!"
"Babe, halos 100x na nating napanuod yan. Kabisado ko na nga yung mga lines eh."
"Buti ka pa kabisado mo na, ako hindi pa, kaya panuorin na natin para makabisado ko din yung mga lines." pabirong sabi ko
"Ha-ha-ha! Nakakatawa... Next time nalang yan babe." iritang sagot ni Matt
"Pagikaw naman pumipili ng movie wala naman akong reklamo ah." nakapout kong sabi.
"Kakaibang movie naman yung panuorin natin ngayon babe. Wag naman puro a walk to remember."
"May Asiong Salonga ka ba diyan?" HAHAHA! Napanganga naman si Matt sa sinabi ko.
Nagkamot naman ng ulo si Matt. Hahaha! Naaasar nanaman.
"A walk to remember na nga lang!" sabi niya habang nakasimangot na sinasalang yung cd
"Yey! I love you babe!" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.
End of flashback
Lalo 'kong napaiyak sa naalala ko.
Matt, ba't mo ko kinalimutan? :'(
-------------------
Lumipas ang araw, linggo, buwan pero wala paring naaalala si Matt.
Paminsan-minsan ay dumadalaw ako sa kanila para tignan kung may naaalala na siya. Tinataon kong nandun si Ate Raisa kapag dumadalaw ako sa kanila. Pero pag dumadalaw ako sa kanila laging nandun si Jerielle kaya hindi din ako nagtatagal.
Sobra 'kong nasasaktan tuwing nakikita ko sila ni Jerielle na magkasama..
"Cla, okay ka lang? Kanina ka pa tulala ah." tanong ni Janna sakin, kaibigan ko.
"Onga, ayos ka lang ba?" tanong din ni Shane.
Magkambal si Shane at Janna pero hindi sila magkamukang-magkamuka. Kaibigan ko na sila since birth. Magkatabi lang ang bahay naming kaya ngayon ay dinadalaw nila ako. Business partners ang mga magulang namin at super close din nila.
Nandito kami sa sala nagkkwentuhan.
"Si Matt.... wala padin kasi siyang naaalala eh. Ang sakit sakit lang tuwing nakikita ko silang magkasama ni Jerielle tapos ang saya-saya pa nila. Ako dapat yung nandun. Ako dapat at hindi si Jerielle. Huhuhuhu! Pero ano nga bang laban ko kung 'di naman ako naaalala ni Matt diba?" Umiiyak kong sabi.
“Sshh. Tahan na. Intindihin mo nalang si Matt, alam naman nating nagkaamnesia siya diba. Wag kang magalala babalik din ang mga ala-ala niya.” Pagaalo sakin ni Shane.
"Tama si Shane, Clariss. Wag kang mawawalan ng pagasa.” Sabi ni Janna at niyakap nila akong dalawa.
Nagkwentuhan lang kami dun hanggang sa gumabi na ng mapagpasyahan nilang umuwi.
"Sige Clariss. Uwi na kami at hinahanap na kami ni mama."
Yinakap ko silang dalawa.
"Sige. Ikamusta niyo nalang ako kay Tita Kat. Tsaka salamat kasi nakinig kayo sa mga drama ko."
"Ano ka ba Cla, andito lang kami pag kailangan mo ng kaibigan."
"Tama si Janna. Osige Clariss. Mauna na kami. Tawagan mo lang kami kapag kailangan mo ng kaibigan ah."
"Osige. Bye. Thank you ulit."
Kahit na ganito yung pinagdadaanan ko ngayon masaya padin ako dahil binigyan ako ng kaibigan na katulad nila.
Buti nalang at nandiyan sila kahit papano ay nababawasan ang lungkot ko... pero hindi ang sakit.
----------------
Sorry po kung masyadong mabilis yung mga pangyayari. Short story lang po kasi 'to.. :)))
Sorry po sa mga mali at thank you po sa pagbabasa. :D
BINABASA MO ANG
Don't Forget Me
Short StoryPrologue "We had a beautiful magic love there. What a sad beautiful tragic love affair..." Paulit-ulit kong kinakanta yan sa utak ko... I smiled bitterly... That's a line from a Taylor Swift's song called Sad Beautiful Tragic, tamang tama yang kant...