Chapter 13
Clariss's POV
Isang linggo na ang nakalipas mula nung dumating kami dito sa Pilipinas.
Laging nandito si Matt para dalawin ang anak niya. Kapag nandiyan siya ay umiiwas ako.
Nandito ako sa kwarto ko at nagbabasa ng libro ng biglang pumasok si Xavier.
"Mommy!!" Sabi ni Xavier at lumapit sa akin. Ba't parang ang saya-saya niya.
"Why baby? You look so happy."
"Daddy said we're going to the beach!! Yehey!" nagulat naman ako sa sinabi niya. Umiiwas nga ako kay Matt diba.
"But baby---"
"Please mommy please. I wanna go to the beach. Please." Sabi niya habang nagpupuppy eyes.
Haayy. Sige na nga. Dito masaya ang anak ko eh.
"Okay baby. When are we going?" tanong ko.
"Yehey mommy! You're the best! We're going tomorrow!" bukas?! Bukas kaagad?!
Magsasalita pa sana 'ko pero tumakbo na si Xavier palabas. Siguro para sabihin kay Matt.
Simula nung nakilala ni Xavier ang daddy niya sobrang naging masaya siya.
Hindi naman sa sinasabi kong hindi siya masaya pag ako ang kasama pero iba yung saya niya ngayon. Hindi ko pa nakikita si Xavier na ganun kasaya dati. Handa kong tiisin lahat para sa anak ko. Dahil mahal na mahal ko siya.
--------
Kinabukasan...
"We're going to the beach! We're going to the beach!" Paulit-ulit na sabi ni Xavier. Halata ang excitement sa muka niya. Patalon-talon pa siya habang sinasabi yan.
Hinihintay nalang namin na dumating si Matt.
*Dingdong
Pagkarinig ni Xavier ng doorbell tumakbo agad siya papuntang gate.
"Daddy's here na!!" Sigaw niya.
Sinundan ko naman siya at ako na ang nagbukas ng gate.
Pagbukas ko ng gate yumakap agad si Xavier sa daddy niya.
"Daddy!" Masayang sabi niya.
"Xavier, Clariss, let's go?" Sabi niya habang buhat-buhat si Xavier.
"Sandali kukunin ko lang yung mga gamit namin." Sabi ko at naglakad na papasok pero piniglan ako ni Matt.
"Wag na. Ako nalang." Sabi niya kaya hinayaan ko nalang siya.
Pagkakuha ni Matt sa mga gamit namin sumakay na kami sa kotse niya.
Sa passenger seat ako nakaupo at si Xavier ay nasa likod.
Nagdrive na si Matt.
Malayo-layo na rin kami at pagkatingin ko kay Xavier nakatulog na siya.
Walang nagsasalita samin ni Matt. Sobrang tahimik, nakakabingi.
Binuksan ko nalang ang radyo pero parang nanandya ang tadhana dahil ang kanta ay...
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Napatingin naman ako kay Matt at ang lapad ng ngiti niya. Tumingin din siya sa akin kaya nagiwas agad ako ng tingin dahil feeling ko ay namumula ako.
Pinatay ko nalang ang radyo at sinubukan kong matulog...
ZzZzZz..
Matt's POV
Nakarating na kami dito sa isa sa mga resort sa Batangas.
Nilingon ko si Clariss at nakita kong natutulog siya. Pagtingin ko sa likod ay natutulog pa din si Xavier.
Hindi ko muna sila ginising. Pinagmasdan ko ang muka ni Clariss. Hinaplos ko ang pisngi niya.
Wala parin talaga siyang pinagbago. Maganda padin siya. Habang pinagmamasdan ko siya unti-unti kong nilapit ang muka ko sa kanya at hinalikan siya sa kanyang mga labi.
Napatingin ako sa likod dahil narinig kong may tumatawa ng mahina at pag lingon ko gising na si Xavier at alam kong nakita niya kung ano ang ginawa ko.
"X-Xavier." Utal kong sabi. Lagot sana hindi niya sabihin kay Clariss yung ginawa ko.
"I saw what you did." Sinasabi niya yan ng nakagrin.
"X-Xavier, please d-don't tell it to mommy." sana talaga hindi sabihin ng anak ko kay Clariss.
"Okay daddy. I won't tell to mommy that you kissed her while she's sleeping. Hihihi." nangaasar na sabi niya.
Magsasalita pa sana 'ko kaso nagising na si Clariss.
"Andito na pala tayo" -Clariss
"A-ah. O-oo." Utal kong sabi dahil kinakabahan padin ako baka sabihin ni Xavier yung ginawa ko.
Xavier's POV
I saw daddy kissed mommy. Hihihi
I know that daddy really loves mommy. I can see and feel it.
And I know mommy is still inlove with daddy. She's just too afraid to say what she truly feel because she's afraid that daddy might hurt her again.
But I know daddy won't hurt mommy anymore.
I want them back together and I'll do everything to get them back together.
And that's my mission..
BINABASA MO ANG
Don't Forget Me
Short StoryPrologue "We had a beautiful magic love there. What a sad beautiful tragic love affair..." Paulit-ulit kong kinakanta yan sa utak ko... I smiled bitterly... That's a line from a Taylor Swift's song called Sad Beautiful Tragic, tamang tama yang kant...