Chapter 4 - Girlfriend

432 12 2
                                    

Jerielle  --------------------->

---------------------

Chapter 4

Clariss's POV

Papunta ko ngayon sa ospital para bisitahin si Matt. Limang araw na din ang nakakalipas mula nung naaksidente siya.

Alam niya na nagkaamnesia siya pero hindi namin sinabi na ako ang girlfriend niya pag tinatanong niya ako kung sino ako ang tanging sinasagot ko nalang ay "Malalaman mo din yan." Kumukunot naman ang mga noo niya kapag yan ang sinasagot ko.

Sa ngayon ay 'di na siya nagtatanong kung sino ako, siguro ay nagsawa na siya dahil paulit-ulit lang din ang sagot ko sa kanya.

Medyo nagiging komportable nadin sakin si Matt 'di tulad nung mga nakaraang araw na medyo ilang siya sakin.

Pagkadating ko sa ospital dumiretso agad ako sa room ni Matt. Pagkadating ko sa room niya nakita ko yung nurse na chinecheck si Matt. Nginitian ko si Matt pagkakita ko sa kanya. Nginitian naman niya 'ko pabalik.

Pagkalabas ng nurse tumabi agad ako sa kanya.

"Kamusta  ka na. May masakit pa ba sayo?"

“Ayos na ‘ko.”

“Oo nga pala nagdala ako ng carbonara. Diba favorite mo ‘to?”

“Wow! Talaga? Thank you!” Napangiti naman ako dahil alam ko natuwa si Matt sa dala ko.

Habang kumakain si Matt naguusap lang kami.

“Matt, makakalabas ka na bukas.” Masayang sabi ko.

“Kaya nga eh.” Medyo may lungkot na sabi niya.

“Oh ba’t bigla kang nalungkot? ‘Di ba masarap ang carbonara ko?”

Umiiling naman siya at ‘di ko napigilang masaktan at nagulat sa sumunod niyang sinabi.

“Naalala ko lang kasi si Jerielle, sa limang araw na nakaconfine ako dito hindi man lang siya dumalaw.”

Kilala ko si Jerielle. Siya yung dating girlfriend ni Matt bago maging kami.

“H-Ha? M-Matt, bakit ka naman niya dadalawin? Matagal na kayong break. Ako na ang...” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Ayaw ko munang malaman ni Matt na ako ang girlfriend niya. Gusto ko pag malalaman niya ay yung araw na bumalik na ang ala-ala niya.

“Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi kami naghiwalay at hinding-hindi kami maghihiwalay!” pagalit niyang sabi.

Nagulat ako sa pagsigaw niya.

“S-sorry Matt sinasabi ko lang naman yung totoo e---“

“Umalis ka!”

“H-ha?” Gulat kong tanong

“Sinabi ng umalis ka! Ayaw na kitang makita. Siguro ay may gusto ka sakin kaya sinasabi mo yang mga yan! Siguro gusto mo kaming magbrek ni Jerielle!”

“M-matt hindi naman s-sa ganun p-pero----“

“UMALIS KANA!” Sa gulat ko ay napatakbo nalang ako palabas ng room.

Iyak lang ako ng iyak.

Pumara nalang ako ng taxi para umuwi.

Pagkadating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto. Hindi ko na pinansin ang tawag sakin nila mama at papa.

Bakit Matt? Bakit siya natatandaan mo pero ako hindi?

At ang masaklap pa natatandaan mo siya bilang girlfriend mo?

Ang sakit. Ang sakit sakit pero naiintindihan ko si Matt dahil alam kong may amnesia siya.

Hindi. Hindi ako susuko! Babalik din ang ala-ala niya! Pag pag bumalik na ang ala-ala niya magiging masaya na kami ni Matt.

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon