Chapter 8
Clariss's POV
“...sa amin ng baby ko.”
“B-buntis ka?” naluluhang tanong ni mama.
“Ma, Pa, sorry kung hindi ko nasabi sa inyo. Gusto ko sana ang unang makaalam ay si Matt. Sasabihin ko na dapat sa kanya nung graduation pero naaksidente siya. Inaantay kong may maalala siya p-pero yun p-pala ay ‘di naman talaga siya nakalimot.” naluluha kong sabi.
“Ssssshhh hija, tahan na. Naiintindihan ka namin. Ilang buwan na ba yang pinagbubuntis mo?”
“2 and a half months na po. Hindi niyo lang po siguro napapansin kasi lagi pong maluluwag na tshirt yung sinusuot ko.”
May umbok na ang tiyan ko pero hindi pa naman ganun kalaki. Kaya pang itago ng mga maluluwang na tshirt. Ayoko kasing malaman nila na buntis ako. Gusto ko ay si Matt ang unang makaalam.
Isa din itong pagbubuntis ko kaya gusto ko sanang malaman kung matatagalan pa ba bago bumalik ang ala-ala ni Matt. Kasi lumalaki na ang tiyan ko at hindi magtatagal ay mapapansin na nila ang umbok.
Nagaalangan kasi akong sabihin sa kanya dahil alam kong hindi siya maniniwala at magagalit pa siya sa akin. Kaya sobra ang gulat ko ng malaman kong nagpapanggap lang siya
Ang sakit.... SOBRANG SAKIT.
“Osige hija, bibilhan ka na naming ng ticket mo papuntang states kung iyan ang sa tingin mong makabubuti sayo at sa baby. Dun ka na muna sa lolo at sa lola mo magstay dun.”
“Thank you Ma, Pa, for understanding me.” niyakap ko silang dalawa.
Matt’s POV
(bago pa nalaman ni Clariss na nagpapanggap lang siya)
Andito ako ngayon sa ospital. Nagpapacheck up ako para tignan kung magaling na nga talaga ako dahil sa pagkakaaksidente ko.
"Wala namang problema. Basta pag may sumakit sayo bumalik ka nalang ulit dito para macheck ka namin agad."
"Salamat pare." Kay Arrel ako nagpacheck up ngayon.
"Pare ayos ka lang ba? Ba't parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong sakin ni Arrel
"Hindi ko alam pare. Hindi siya mawala sa isip ko."
"Huh? Sino?"
"Si Clariss pare. Mula nung makita ko siyang may kasamang ibang lalaki, nabwisit ako bigla. May boyfriend siya tapos nakikipagdate siya sa iba. Nakakabwisit!"
"Sandali pare ah. Naguguluhan ako sayo eh. Sino ba yung lalaking sinasabi mo? Tsaka sino yung boyfriend ni Clariss na sinasabi mo?" Nagtatakang tinignan ko si Arrel sa huling tanong niya.
“Malamang ako yung boyfriend niya! At yung lalaking sinasabi ko, si Prince yun! Kaibigan niya daw pero 'di ako naniniwala dun. Ang sweet sweet nila nung nasa sinehan sila! Tas ang saya-saya pa nila. Magka-akbay pa! Yun ba yung 'di nagdedate?!"
"Woah pare! Sinundan mo sila sa sinehan?!!!--- Aray pare!" Binatukan ko nga!
"Kasama ko si Jerielle nun at nakita din niya sila Clariss kaya inaya niya sila Clariss na sabay nalang daw kaming mauod ng sine. Oh diba! Nakikipagdate siya sa iba kasama yung boyfriend niya!"
"Pare pa check up ka nga ulit baka totoo na yang pagkakaamnesia mo. Baka nakakalimutan mong mula nung naging kayo ni Jerielle, yun yung day na wala na kayo ni Clariss. Dahil mas pinili mo si Jerielle kaysa kay Clariss. At bakit ka ba nagagalit diyan na may kasamang iba si Clariss? Ayaw mo ba nun? Malay mo yung lalaki pa na yun ang makatulong sayo na mas lalo pang padaliin yung pagsasabi mo kay Clariss ng katotohanan. Na nagpapanggap ka lang na may amnesia." nagtataka ko namang tinignan si Arrel.
Oo nga pala. Wala talaga 'kong amnesia. Nagpapanggap lang ako.
"Pare, pano naman siya makakatulong?"
"Diba sabi mo masaya si Clariss nung kasama niya yung lalaki."
"Oh? Anong connect?"
"Pare! Ibig sabihin nun napapasaya niya si Clariss at 'di malabong mainlove siya dun kay Prince na yun. At pag nagkainlove-an sila mas mapapadali mo ng sabihin kay Clariss yung totoo dahil hindi na siya masyadong masasaktan dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba."
dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba...
dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba...
dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba...
dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba...
dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba...
dahil nakamove-on na siya sayo at may mahal na siyang iba...
paulit-ulit kong naririnig yang huling sinabi ni Arrel.
"Pero sa nakikita ko sayo, hindi ka sang-ayon sa mga sinabi ko."..... "Pare, sa nakikita ko mahal mo si Clariss. 'Di mo lang nakikita dahil ang iniisip mo ay si Jerielle pa din ang mahal mo. Masyado mong binaon ang isip mo sa kakaisip na si Jerielle ang mahal mo pero ang totoo si Clariss, siya talaga ang mahal mo."
napaisip ako sa mga sinabi ni Arrel.
Iniisip ko lang ba na mahal ko pa si Jerielle? Mahal ko na ba talaga si Clariss?
"Advice lang pare. Kung ako sayo sasabihin ko na kay Clariss na na nagpapanggap ka lang na nagka-amnesia kesa malaman niya sa iba."
Sasagot na sana 'ko pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Clariss.
"A-anong ibig mong sabihin?"
“C-Clariss?!” gulat kong sabi sa kanya.
Nilapitan ko siya para magexplain pero sinampal niya 'ko.
Triny kong magexplain pero hindi niya ako pinapakinggan.
Tumakbo siya palabas kaya hinabol ko siya.
"Clariss!" Tawag ako ng tawag sa kanya habang hinahabol siya pero 'di niya ko pinapansin.
"Clariss, sandali!" Palabas na siya ng ospital.
Shit! Nakasakay na siya sa taxi.
Pumara ako kaagad ng taxi at pinasundan ko yung taxi kung san nakasakay si Clariss.
Kelangan kong magexplain sa kanya. Lahat gagawin ko para lang mapatawad niya 'ko.
Ngayon ko lang napagtanto...
Mahal ko siya...
Siguro tama nga si Arrel, masyado kong binaon ang isip ko na si Jerielle padin ang mahal ko ng hindi ko napapansin na unti-unti na pala akong nahuhulog kay Clariss.
Clariss, sana mapatawad mo 'ko. Mahal na mahal kita. Sana hindi pa huli ang lahat.
BINABASA MO ANG
Don't Forget Me
Short StoryPrologue "We had a beautiful magic love there. What a sad beautiful tragic love affair..." Paulit-ulit kong kinakanta yan sa utak ko... I smiled bitterly... That's a line from a Taylor Swift's song called Sad Beautiful Tragic, tamang tama yang kant...