Chapter 12 - Nandito na siya!

489 13 1
                                    

Chapter 12

 

Matt’s POV

"Surprise!"

Nagmarinig ko ang boses na yan, bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

Kilalang kilala ko ang boses na yun. Yung ang boses ng pinakamamahal ko. Yun ang boses ng babaenh matagal ko ng  hinihintay na bumalik.

At ngayon...

Nandito na siya! Bumalik na siya!

Unti-unti akong lumingon sa direksyon niya.

Napatitig ako sa kanya ng makita ko siya.

Ganun pa din ang itsura niya, sobrang ganda niya padin.

Gustong-gusto kong lumapit at yakapin siya pero hindi ko magawa dahil napatulala na lang ako sa kanya.

“Anak! You’re back!” Tumakbo papalit sa kanya sina tito at tia at niyakap siya.

Hindi pa din ako makagalaw sa upuan ko sa sobrang gulat.

After 4 years ng paghihintay sa kanya nandito na siya sa harapan ko.

Bumalik na siya. Bumalik na ang taong pinakamamahal ko.

“I missed you Ma, Pa.” Masayang bati niya sa magulang niya.

Tumingin naman siya sa akin. Nagtitigan kami ng matagal.

“C-Clariss.” Medyo nauutal kong sabi.

Tinitigan niya lang ako hanggang sa ngumiti siya sa akin sabay sabing...

“Hey Matt!"

Clariss’s POV

Kelangan kong magpanggap na wala na ‘kong nararamdaman sa kanya. Kelangan kong magpanggap na masaya na ‘ko ng wala siya.

Sabay-sabay na kaming kumaing apat. Hindi ko pinapansin si Matt pero nararamdaman kong panay ang tingin niya sakin.

Pagkatapos kumain ay tumayo na ‘ko. Nagulat nalang ako nang sundan ako ni Matt sabay yakap sakin.

“I missed you.” bulong nito habang nakayakap sa akin.

Naitulak ko naman siya pero nakangiti pa din siya. Ang kapal ng muka niya pagkatapos ng ginawa niya sakin nun aarte siya ngayon na para walang nangyari.

Tsss!

Magsasalita na sana ‘ko ng marinig kong umiiyak si Xavier.

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon