Chapter 3 - Sana

409 11 0
                                    

Chapter 3

Clariss's POV

"Sino ka?"

"Babe ako 'to si Clariss, girl----“

Naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Ate Raisa.

Onga pala nagtext si tita sakin kanina na pupunta si Ate Raisa dito, siya ang kapatid ni Matt.

“Oh Matt, gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?”

Napatingin naman sakin si Ate Raisa.

“Clariss!” Patakbong pumunta sakin si Ate Raisa sabay yakap.

“Kamusta ka na? I missed you! Kanina pa ba gising si Matt?” Masayang sabi niya. Close kami ni Ate Raisa pero bihira lang kaming magkita dahil busy siya sa company nila.

Magsasalita na sana ‘ko ng biglang magsalita si Matt.

“Magkakilala kayo ate? Sino siya? Kamag-anak ba natin siya?”

Napayuko nalang ako sa sinabi ni Matt. Medyo naluluha na ‘ko pero pinipigilan ko lang. Gusto ko sanang magsalita pero wala akong lakas. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o totoong nakalimutan niya ‘ko.

“Matt, ano bang pinagsasabi mo diyan?! Kung nagbibiro ka please lang itigil mo na dahil hindi magandang biro yan.” gulat na tanong ni Ate Raisa.

“Ate, hindi ko talaga siya kilala. Sino ba siya?” Naguguluhang tanong ni Matt.

Hindi siya pinansin ni Ate Raisa.

“Tatawag lang ako ng doctor.” Nagaalalang sabi ni Ate. Lumabas na siya. Naiwan kaming dalawa ni Matt dito sa room.

“M-Matt, h-hindi mo ba t-talaga ‘ko naaalala?” Nauutal kong tanong.

“Sorry talaga miss pero hindi talaga kita kilala.”

Hindi nalang ako nagsalita pagkatapos nun.

Dumating na si Ate Raisa. Kasama niya yung doctor na nagbabantay kanina kay Matt. Arrel ata ang pangalan niya.

Chineck ng doctor si Matt pagkatapos ay pinatawag niya kami sa office niya para sabihin samin ang kalagayan ni Matt. Nasakanya ang result ng ginawang test kay Matt para malaman kung may mga naging komplikasyon ba sa katawan niya pagkatapos ng aksidente.

---------------------

Pumasok na kami sa office.

"Maupo kayo." Sabi ni Dr. Sy o ni Arrel.

"Arrel, kamusta na ang lagay ng kapatid ko?" Buti pa si Ate Raisa kilala yung kaibigan ni Arrel. Ako kaso wala man lang akong nakilala niisa sa mga kaibigan niya. :(

"Hindi na 'ko magpapaligoy pa. Matt has a temporary amnesia."

"P-pero doc bakit naaalala niya si Ate Raisa. Ba't ako hindi niya maalala?"

"Well sa case ni Matt, siguro ay ikaw lang ang nakalimutan niya. May mga ganito ng cases na nangyayari pero wag kang magalala dahil babalik din naman ang kanyang ala-ala."

"K-kelan doc? K-kelan babalik ang ala-ala niya?"

"Hindi ko masasagot ang tanong mong yan. Ang magagawa nalang natin ngayon ay magantay at magdasal."

Nang marinig ko ang sinabi ni doc 'di ko na napigilang umiyak. Yinakap naman ako ni ate.

"A-ate."

"Arrel, wala bang gamot para mabalik ang ala-ala ni Matt? O kahit ano man lang na pwede naming gawin para mapabilis ang pagbabalik ng ala-ala ni Matt?"

"I'm sorry Raisa pero ang tanging magagawa nalang natin ay mag-antay. Matalik kong kaibigan si Matt kaya naiintindihan ko kung gano kayo nasasaktan ngayon sa nangyari sa kanya. Katulad niyo ay lahat din gagawin ko para bumalik ang mga ala-ala ni Matt pero sa ngayon ang tanging magagawa ko nalang ay ipagdasal siya at magantay na bumalik ang kanyang ala-ala."

"Salamat Arrel."

Pagkatapos iexplain samin ni Dr. Sy ang lahat lumabas na kami sa office niya.

"A-ate sa tingin mo gano katagal bago bumalik ang ala-ala ni Matt?" Naluluha kong sabi

"Sssssshhh. Tahan na. Magdasal na lang tayo na sana bumalik kaagad ang ala-ala niya."

"P-pero ba't ako ang lang ang 'di niya maalala?"

"Hindi ko din alam. Sssshh. Tahan na" iyak lang ako ng iyak.

Sana mabilis lang ang pagbalik ng ala-ala niya.

Sana...

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon