Chapter 5 - Broken

380 12 1
                                    

Si Matt habang ginigitarahan si Clariss -------------------->

----------------------------------

Chapter 5 

Clariss's POV

Papunta ‘ko ngayon sa bahay nila Matt. Dalawang araw nadin ang nakakalipas mula nung nakalabas siya at magmula nung nagalit siya sakin ay ‘di muna ako nagpakita sa kanya. Pupuntahan ko siya ngayon para magsorry. Kahit na alam kong wala akong kasalanan. Basta magkaayos lang kami, magsosorry ako sa kanya.

Pagdating ko ng bahay nila nagdoorbell agad ako.

Si Manang Rosita ang nagbukas ng gate, katulong nila. Kilala ako ni Manang Rosita dahil madalas ako sa bahay nila Matt nung may ala-ala pa siya o nung kami pa. Hayy..

"Hi manang! Nandito po ba si Matt?"

"A-ah Clariss. P-pasok ka iha?" ba't parang namumutla si manang

"Manang ok ka lang? May sakit ka ba?"

"W-wala iha. Nasa sala si Matt." 'Di ko nalang pinansin si Manang at dumiretso na sa sala.

Pagkadating ko sa sala nalaman ko kung ba't ganun nalang magreact si manang.

Si Matt... kasama si Jerielle. Nagtatawan sila. Sobrang saya ng itsura nila.

Kelan pa sila nagkita?

Bakit sila magkasama?

Sila na ba ulit?

Sa sobrang saya nila ay 'di nila ako napapansin.

Nagsalita na 'ko.

"M-Matt." Napalingon silang dalawa sakin.

“Anong ginagawa mo dito.” Cold na sabi niya sakin siguro ay galit pa din siya.

“P-pwede ba tayong magusap?”

“Pwede bang next time nalang. ‘Di mo ba nakikita na kasama ko ang GIRLFRIEND ko.” Inemphasize niya talaga yung girlfriend pagkasabi niya niyan. Nagulat din ako dahil sila na. Bakit ang bilis? Kakalabas niya lang sa ospital. Pano sila nagkita?

Gusto kong isigaw sa kanila na “Ako! Ako ang girlfriend mo Matt! At hindi ang babaeng yan!” pero wala akong lakas ng loob.

“G-gusto ko lang sanang magsorry sa mga nasabi ko nung n-nasa ospital tayo n-nung huli tayong n-nagkita.”

“Ah yun ba? Okay. Tinatanggap ko ang sorry mo. Makakaalis ka na.” cold na sabi niya. Bakit parang galit pa din siya sakin?

Pagkasabi nun ni Matt ngumiti ako sa kanya at agad na umalis dahil hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.

Bakit ganun? Bakit ang rude ng pakikitungo sakin ni Matt? Galit pa din ba siya sakin? Pero sabi niya pinapatawad na niya ko kahit na alam kong wala naman akong kasalanan.

Umiiyak lang ako habang naglalakad.

Huminto muna ako sa isa sa mga park at umupo..

Ang park na ‘to ay nasa loob ng isang village. Sa iisang village lang kami nakatira ni Matt pero medyo malayo ang bahay namin.

Lalo ‘kong umiyak dahil naalala ko dito sa park nung kinantahan at ginitarahan ako ni Matt.

Flashback..

“Pakinggan mo ‘to ah. Para sayo‘tong kantang ‘to.” Masayang sabi ni Matt.

“Wag na Matt mamaya umulan pa kawawa naman yung mga batang naglalaro oh.” Alam kong maganda ang boses ni Matt pero inaasar ko lang siya. Asar talo yan eh. Hahaha

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon