Chapter 1 - The accident

591 16 3
                                    

A/N: Si Clariss sa gilid ----------------->

------------------------

Chapter 1

Clariss’s POV

“Congratulations Graduates!"

Sa wakas graduate nadin ako!

"Anak, congrats! Graduate ka na!" 

"Thanks Ma, Pa!" sabi ko sabay yakap sa kanila.

“Ah... Ma, Pa nakita niyo ba si Matt? Kanina ko pa siya hinahanap eh." Tsk! Asan na ba yung lalaking yun sabi niya pupunta siya.

Si Matt Xander Bautista, boyfriend ko. 3 years na kami. Mas nauna siyang grumaduate sakin.

"Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ba siya nagtext or tumawag man lang sayo?" 

"Hindi nga po eh. Wait lang ma, I'll call him."

Tsk! Kanina pa din ako nagaantay ng text or tawag galing sa kanya pero kahit isa wala man lang akong natanggap!

Tinawagan ko siya pero walang sumasagot. Text din ako ng text sa kanya pero wala man lang akong reply na natatanggap.

"Oh anong sabi ni Matt iha?" 

“Ma, hindi siya sumasagot. Hindi din siya nagrereply sa akin. Ma pwede po bang pakitawagan si Tita Jhoannna.”

"Sandali lang iha at tatawagan ko si Jhoanna."

Si Tita Jhoanna mama ni Matt. Close yung parents namin dahil sa business. Kaya sobra silang nalungkot nung namatay si Tito Mark, daddy ni Matt.

Tinatawagan na ni mama si tita...

"Hello mare! Andiyan ba si Matt? Wala kasi siya dito sa graduation ni Clariss eh. Kanina pa siya nagaantay........ HA?! SAANG OSPITAL?!... Osige. Papunta na kami diyan! Bye."

“Ma, anong nangyari?! Sinong nasa ospital?!” Nagsimula na ‘kong kabahan.

"Anak si Matt

naaksidente."

Don't Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon